"Amanda, Ava, thank you at dumating kayo. Sorry, ha. Naabala ko pa tuloy ang personal na mga lakad ninyo," bungad sa amin ni tita Iva. Sinalubong din niya kami ng yakap kahit nagkalat ang harina sa katawan at apron niya."Napakaraming orders ng cupcake kasi ang dumating. Eh, hindi ko naman maasahan 'tong si Vince. Busy din sa kusina niya."
"Nagluluto si Vince, Tita? Guluhin ko nga,"pilyang ideya ni Ava at naglakad patungo sa kinaroroonan ni Vince.
"Mag-i-invent daw kasi siya ng recipe. Kaninang madaling araw pa nga siya diyan,"pagbabahagi ni Tita.
Sinulyapan ko ang oras sa telepono ko. 10:36 na. Magtatanghali na. Nagpapahinga ba siya? Wala pa naman siyang pakialam sa sarili kapag naka-focus sa gawain niya.
"Hiramin mo 'nak yo'ng apron kay Vince,"utos ni Tita sa akin habang naghuhugas ako ng kamay. Magpapalusot pa sana ako dahil nahihiya akong lumapit kay Vince pero hindi tumalab.
At heto ako ngayon, "Vince,"tawag ko sakanya. Nahinto ang tawanan nila ni Ava. "Hihiram ako ng apron,"mabilis na sambit ko.
Tanging tango lamang ang tugon ni Vince at bumalik na sa ginagawa.Bumilis ang tibok ng puso ko nang lumapit ako sakaniya. Nasa tabi kasi niya ang lalagyan ng apron. Nang makalayo ako ay napabuga ako.
Kumalma ka, Amanda!
"Tita, wala na pong box,"sambit ko nang mapansing last box na ang nagamit ko kanina.
"Nasa kusina, 'nak. Pakikuha na lang,"sagot ni Tita.
"Ava, ikaw na kumuha,"utos ko.
"Wala akong naririnig." Okay. Huminga ako ng malalim.
"Vince, kunin ko lang 'yong box."
Muli, isang tango lang ang natanggap ko.At hindi iyon natapos doon.
"Vince, may measuring cup ka ba diyan?"
"Vince, hihiram ako ng bowl. Nabasag kasi ni Ava 'yong gamit namin."
"Vince, pahiram ng tupperware."
"Vince." Heto na naman ako.
Focused na focused siya sa ginagawa niya kaya't hindi niya ako narinig. Habang pinapanood siya, hindi ko mapigilang mamangha sa passion niya sa pagluluto. Matagal na niyang pangarap to, mga bata pa lang kami.
"Vince,"tawag kong muli sakaniya. "Hihiram ako ng—"
"Amanda." Humarap siya sa akin at nakakunot ang noo. "Hindi ako makapag-concentrate sa kaka-Vince Vince mo. Kanina pa. Pwede ka namang kumuha ng gamit diyan nang hindi nagpapaalam sa akin. Suit yourself!"
Ilang beses na niya akong napagtaasan ng boses pero hindi ganito ka-intense.
Napayuko ako nang maramdaman kong may namuong luha sa mga mata ko. Kinuha ko na lamang ang kailangan ko at umalis na.
#inktober2021
#suit