➳ inncnt_171

17 0 0
                                    

yesha's pov

friday. . .

nag-aayos lang naman ako dito ngayon dahil papasok ako. pero hinihintay ko lang dito si jaxvier, dahil sabi niya sa akin susunduin niya ako at sabay nalang daw kaming dalawa para daw magkasama kami. :) lalakarin lang namin yung school kasi hindi naman talaga malayo yung yun sa amin so.. tipid pa sa pamasahe.

nakatambay lang naman ako sa sala namin tsaka kasama ko dito sina mommy and daddy. hinihintay ko nga si jaxvier dito.. maaga pa lang naman.

"wala pa ba si baby boy?" tanong ni daddy sa akin. natawa naman ako sa tawag niya kay jaxvier. 'baby boy' talaga tawag nila kay jax. gusto din naman ni jax.

tsaka daw para matchy kami ni jaxvier. -.- baby girl tawag sa akin ng parents ko. hinayaan nalang namin.

"wala pa siya, dad. baka mamaya nandito na yun." sagot ko sa kanya at napangiti lang naman siya. tsaka naman nagsalita si mommy.

huminga siya ng malalim, "you know, baby girl? jaxvier improved and became better for you. ngayon, naramdaman namin na mas minahal at prinotektahan ka niya. masaya akong tinutupad niya na talaga ang pangako niya sa amin at lalo na sa'yo."

"and of course, masaya akong hindi ka niya na sinaktan ulit. nakikita ko ang sobrang saya niyong dalawa ngayon. ang sayang makita na wala kayong problema." dagdag niya.

napangiti naman ako sa mga sinabi ni mommy. napapaisip din ako at biglang pumasok sa isipan ko si jaxvier. oo nga naman. he improved a lot. tsaka.. alam niyo naman siguro yung dati na sinaktan at niloko niya ako.

pero hindi ko alam kung deserve ko ba siya or ano. kasi alam niyo? bumawi talaga siya ng sobra sa akin at talagang pinapasaya niya ako. laging masaya yung puso ko. to the fact that.. nasasanay na akong kasama siya lagi at parang hindi ko na kaagad nakakaya pag hindi ko siya nakikita. oo, sobrang mahal na mahal ko talaga si jaxvier.

"i know, mom. masaya din naman ako kasi mas naging totoo na siya sa'kin ngayon. pinapangarap ko nga sana habang buhay na kaming masaya ni jaxvier. kasi ang sobrang saya talaga sa pakiramdam kapag pinapaligiran lang kami ng kasayahan." nakangiting sambit ko sa kanila.

ningitian ako ni daddy, "we can't predict future. pero sana si jaxvier na talaga hanggang sa huli, baby girl 'no? gustong-gusto ko siya para sa'yo kasi may tiwala na talaga ako sa kanya."

"kaya nga, dad eh. gusto ko din talaga makasama si jaxvier. sana nga.. siya na." sabi ko.

"tupadin niyo, wag kayo sumukong dalawa. alam naman namin na mahal niyo ang isa't isa." nakangiting sambit ni mommy.

"andito lang kami ni mommy mo para sumuporta sayo." daddy.

yes, yun din ang mga sinabi namin. magtutulungan kami sa pangarap naming dalawa. hanggang ngayon talaga, nakakatrauma pa din yung mga nangyari dati. pero kahit ganon, may tiwala na ako kay jaxvier ngayon.

"opo, mom and dad. thank you po talaga." nakangiting sambit ko sa kanila at ningitian lang nila ako ng pabalik.

pagkatapos, may narinig kaming kumakatok sa main door namin.

"baka si jaxvier na yan." sabi ko at sinenyasan naman nila ako na pagbuksan siya ng pintuan at napatango lang naman ako.

mabilis naman akong pinagbuksan yun ng pintuan at nung nabuksan ko na ang pintuan, nakita ko naman kaagad si jaxvier. nung nagtama naman ang tingin namin sa isa't isa, sinalubong niya naman ako kaagad ng mahigpit na yakap. niyakap ko naman siya ng pabalik.

shems~ ang bango niyaaaa!

napabitaw din kami sa isa't isa. ningitian niya naman ako, "good morning, babe." bati niya sa'kin.

innocent | nininiWhere stories live. Discover now