CHAPTER XXXV

7.6K 166 2
                                    

MIKHA'S POV

"Ang ganda naman dito" Nakangiting usap ni Aiah sa tabi ko habang titig na titig sa simbahan na nasa harap namin ngayon. Nandito kami ngayon sa labas Vigan Cathedral, totoo ngang maganda at kahit na sino may mamamanga sa simbahan.

"Gusto ko, kung ikakasal man ako, gusto ko sa simbahan ako ikasal, yung bang parang lumang luma na dahil sa tagal tas ang tibay tibay pa rin kaso malabo sa atin yon dito sa Pilipinas"  Seryosong sabi niya pa "Pero sana ganon din tayo no? tatagal, tatanda tas matibay pa rin" Nakangiti naman akong tumango. "Tapos, gusto ko kumpleto family and friends ko, maraming bulaklak, simple na may pagka elegant. Pero syempre ang importante dapat mahal ko at mahal din ako ng taong pakakasalan ko" Nakangiting dagdag pa niya.

"Noted" Patango-tango ko pang sagot, natawa naman siya at humarap sa akin. "Paano mo naman nasabi na ikaw pakakasalan ko? Aber!" Tanong niya sa akin. Napaisip naman ako at humarap din sa kaniya. "Kasi mahal mo ko at mahal na mahal kita, ayy ewan basta ang alam ko lang, gusto ko, kung dumating man ang araw na ikasal ka, gusto ko ikaw ang pinaka masayang tao sa araw na yon, ako man ang mapapangasawa mo o hindi" Nakangiting usap ko sa kaniya. Napangiti naman siya at hinawakan ang mukha ko.

"At araw-araw kong ipagdadasal na sana ikaw yon" Nakangiting usap niya, napangiti naman ako at hinalikan ang noo niya.

"Aiah! iwan mo naman muna yan si Mikha!

"Bo! Sayong sayo yan jusko!"

Natawa naman kami pareho ng biglang sumigaw ang dalawang kaibigan namin kaya napailing na lang naman ako at pinasunod na sa kanila si Aiah.

"Nandiyan na wait!" Agad naman siya tumakbo palapit kina Sheena at Stacey na panay na ang pose kaka picture. Agad ko naman nilabas ang Gimbal Stabilizer Camera na binili ko para irecord din ang masasayang araw ko na kasama si Aiah.

"Pansin ko lang ah, sa atin lahat dito, ikaw lang halos ang hindi naglalabas ng cellphone o ng camera, sayang oh! ang gandang kuhanan, pang remembrance"

"Anong magagawa ng mga pictures? kung doon sa mismong moment hindi ako nakafocus"

"Ang ibig kong sabihin, huwag mong hintayin ang isang bagay na maging memories na lang bago mo pa sabihin sa sarili mo na sana pala sinulit mo na lang"

"Hi Love! Hindi ko alam kung matutuwa ka o matatawa ka kasi kinain ko lahat ng sinabi ko sayo noon hahaha" Panimula ko habang vinivideohan ang Vigan Cathedral. "Malamang wala ka ngayon sa tabi ko kaya ko nagawa to. Gusto ko lang na malaman mo na kahit wala ka sa tabi ko, ikaw pa rin ang nasa isip ko" "Sounds corny pero wala, ganon talaga e" Nakakatawang dagdag ko pa, finocus ko naman ang camera sa mismong harap ng Vigan Cathedral. "Hindi ko kakalimutan ang mga gusto mong mangyari sa kasal mo. At ipagdarasal ko rin na sana itong magandang gwapo na mukhang to" Usap ko pa at hinarap sa mukha ko ang camera na dala dala ko. "Ang babaeng pakakasalan mo" Nakangiting dagdag ko pa.

"Hindi ka lang pala piloto, vlogger ka na rin" Natatawang usap ni Jhoana sa tabi ko, napangiti na lang naman ako at tinabi na ang camera na hawak hawak ko.

"Para kay Aiah lang, sa sitwasyon na meron kami, lahat hindi sigurado, siguro kung meron man, tong nararamdaman lang namin, pero alam naman natin na hindi pa rin sapat yon" Usap ko habang nakatingin kay Aiah na masayang nag uusap usap kasama nila Sheena at Stacey.

"Pero willing ka naman siyang ipaglaban diba?" Tanong sa akin ni Colet, napangiti naman ako. "Oo naman, ngayon lang ako nakaramdam ng ganto, ipaglalaban ko to kung kinakailangan" Nakangiting sagot ko, tumango naman siya at ngumiti.

"Kaya lang ako yung kinakabahan ngayon" Kabadong kabado talaga sabi niya habang hawak hawak ang dibdib niya, natawa naman ako habang takang taka pa rin tumingin sa kaniya si Jhoana.

"May family outing kasi ang pamilya nila Aiah at Sheena, e pinasama siya" Sagot ko kay Jhoana.

"E ikaw?" Takang tanong sa akin ni Jhoana. "Bro, bago pa lang kami ni Aiah, ayaw naman namin madaliin pareho. Kung ipapaalam man namin, siguro uuntiin untiin na lang muna namin pamilya niya" Sagot ko, tumango naman sila pareho.

"Goodluck bro, sana matapos ang outing niyo ng okay kayong lahat don" Natatawang usap ni Jhoana kay Colet. Napailing naman kami parehas ni Colet at sabay na iniwan si Jhoana sa pwesto niya

"Matagal tagal pa naman ang outing niyo, medyo busy daw sched ng kuya ni Aiah kaya huwag ka na muna kabahan, tandaan mo, ako pa rin talaga ang dapat na mas kabahan dito" Pagpapakalma ko sa kaniya, natatawa naman siyang tumango.

"Sino kaya unang ikakasal sa atin tatlo no?" Biglang tanong sa amin ni Jhoana habang lilingon lingon siya sa buong simbahan

"Gustuhin ko man na ako, kaya lang ang dami pa namin kailangan ayusin ni Aiah" Sagot ko, taka naman silang nagkatinginan at sabay na tumingin sa akin. "Bakit?" Takang tanong ko sa kanila.

"Hindi pa rin ako makapaniwala na kasama ka na namin pag usapan tong gantong bagay" Napapailing na nakangiting usap ni Colet.

"Usually kasi tahimik ka lang pag pinag uusapan namin si Sheena at Stacey pero ngayon may Aiah ka na" Dagdag pa ni Jhoana, tumango naman si Colet bilang pang sang ayon.

"Hmm, yeah may Aiah na ako kaya may nagtetext na sa akin na miss na niya ako" Nakangiting sabi ko sa kanila habang binabasa ang text ni Aiah. Agad naman kaming sumunod sa kanila sa loob ng simbahan at doon ko nakita ang magandang ngiti ni Aiah. Hindi naman ako agad lumapit sa kanila at nilabas na muna ang camera ko.

"Ang ganda ng ngiti mo" Nakangiting usap ko sa camera ko habang tinututok ito kay Aiah . "Sana mapangiti rin kita ng ganto o hindi kaya naman, sana mas malapad pa ang ngiti mo sa mismong kasal mo" Dagdag ko pa.

"I love you, My Queen"

"At ipagdadarasal ko talaga na sana, ako yung maswerteng taong mapapakasalan mo at sana kasing tagal at tibay rin tayo ng simbahan kung saan man tayo ikasal at doon ang simula ng sabay natin pagtanda" Nakangiting usap ko pa habang nakafocus pa rin kay Aiah ang camera, pinatay ko naman muna ang camera bago tuluyang lumapit sa kanila.

We Fell In love in October (MIKHAIAH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon