Chapter 8
Loureen's POV
Naka-pants lang ako at simpleng white na T-shirt. 'Yun lang din naman ang mga damit 'ko. Mga pants lang at mga T-shirts.
"Ready ka na ba?" tanong sa'kin ni mama.
Sa totoo lang, hindi 'ko rin alam kung bakit pumayag ako na lumabas kasama si Raffa ngayong araw. Bigla 'ko lang talaga na-realize na ito na siguro 'yung matagal 'ko nang pinagdadasal. 'Yung opportunity na makalabas mula sa pagkakakulong 'ko dito sa bahay. Ito na siguro 'yung paraan ni Lord para magkaroon ng ibang direksyon 'yung buhay 'ko. Maybe it's already time to go out from my comfort zone. It's time to get a life.
"Ready na po." Nag-smile ako. Alam 'ko kasing worried din si mama sa kung anong pwedeng mangyari sa'kin ngayong araw.
"Basta lagi mong tatandaan 'yung palagi 'kong sinasabi sa'yo ha?" Paalala ni mama sa'kin. Pa-ulit ulit naman 'yung sinasabi sa'kin ni mama kaya hinding-hindi 'ko makakalimutan 'yun.
Wag pangunahan ng takot. Ang takot ay nasa isip lang ng tao.
"Yes ma." Sagot 'ko.
"Sige na. Naghihintay na sa'yo si Raffa sa ibaba. I'm proud of you bebe 'ko!" Cheer up sa'kin ni mama. Nangingibabaw talaga sa akin 'yung kaba at 'yung tensyon. Hindi 'ko alam kung anong mangyayari. Baka mag-pass out ako nito sa sobrang kaba.
Bumaba ako sa sala. Doon nakita 'kong naghihintay ang isang lalaking naka-itim na polo shirt, naka-denim na pants at Lacoste na sapatos. Mukha siyang decent na tao. Maputi ang mga balat at makinis. Nasa 5'10 ang height at maganda ang tindig ng katawan. Matangos ang ilong, malalim at bilugan ang mga mata, mapula rin 'yung labi niya at may dimple kapag nakangiti.
"Lou." Tawag niya sa'kin. Kailangan 'ko pang tumingala para lang makita 'yung mukha niya. Hindi naman sa maliit ako. Umabot naman ng 5'2 ang height 'ko, pero sadyang matangkad lang talaga siya.
"Raffa." Tawag 'ko rin sa kanya habang nakangiti.
"Shall we, Ms. Sunshine?" tanong niya sa'kin while extending his left arm. Humawak ako sa braso niya.
"Okay." Sagot 'ko. Naglakad na kami papalabas.
"Ang lamig ng kamay mo ha? Nervous?" tanong niya sa'kin. Tumango lang ako.
"Don't be." Banggit niya.
Nakalabas na kami ng gate ng bahay namin, at gulat na gulat ako sa nakita 'ko. Isang napaka-gandang sasakyan ang bumungad sa mga mata 'ko. Isang puting sasakyan na may kakaibang design.
"Sa'yo 'to?" Gulat 'kong tanong sa kanya.
"Yup. It's an Audi A8." Hindi pa rin ako makapaniwala sa nasa harapan 'ko ngayon. Sobrang ganda at elegante ng sasakyan na ito. Bigla akong nahiya sa itsura 'ko. Mukha akong alalay sa itsura 'ko.
"Oh, bakit ka biglang sumimangot?" Tanong niya sa'kin.
"Hindi naman ako bagay sumakay dyan." Sagot 'ko.
Hinawakan niya 'yung dalawa 'kong malamig na kamay.
"Believe me. You're perfect for this." Banggit niya. Bigla akong nakaramdam ng kiliti sa tiyan 'ko. Ito ba 'yung sinasabi nilang kilig? Pakiramdam 'ko tuloy eh napaka-ganda 'ko sa sinabi niya. Pero kung titignan, sobrang simple ng itsura 'ko compare sa mga usual na taong sumasakay sa kotse na tulad nito.
Pinagbuksan niya ako ng pinto sa may passenger's seat. Hindi mapakali 'yung mata 'ko. Ang ganda ng loob ng sasakyan. Leather na black 'yung mga upuan sa loob at sobrang luxurious ng dating.
"Ang ganda ng sasakyan mo." Compliment 'ko sa kanya.
"Mas maganda ka." Sagot niya. Ngumiti lang kami pareho. Alam 'ko naman na biro lang 'yun pero nakakataba ng puso. First time na may nagsabi sa akin na maganda ako bukod kay mama. Kahit na sabihin pa natin na biro lang 'yun. Jokes are half meant.
"San pala tayo pupunta?" tanong 'ko.
"Saan mo ba gusto?" tanong niya din sa'kin. Pero sa mall lang naman ang pinaalam niya kay mama eh.
"Sa mall 'yung sinabi mo kay mama 'di ba?"
"Yes. But we can change plans whenever we want to." Kinabahan ako sa sinabi niya. Saan niya ba ako dadalhin? Lou, kalma ka lang. Wag pangunahan ng kaba. Nasa isip lang yan.
"Ha? Eh kailangan 'ko umuwi ng 9 PM."
"I know. Eh 1 PM palang naman eh. And besides, Tagaytay is just an hour away from here." TAGAYTAY? Tama ba 'yung pagkakarinig 'ko? Tagaytay?
"Pupunta tayo ng Tagaytay?" Excited 'kong tanong sa kanya. Almost 10 years na rin ata simula noong huli 'kong punta sa Tagaytay kasama si mama.
"Pero teka, kailangan 'ko ipaalam kay mama 'to."
"No need. Sinabi 'ko na kanina habang naliligo ka." Sagot niya. Napalagay 'yung pakiramdam 'ko sa sagot niya. Ang tanging nararamdaman 'ko lang ngayon ay yung saya. Para bang wala na akong dapat pang intindihin na problema dahil na-solusyunan niya na lahat bago'ko pa man maisip.
"Pwede 'ko bang buksan 'yung radio?" Paalam 'ko sa kanya. Medyo awkward kasi dahil wala naman akong ma-kwento sa kanya. Aminado ako sa sarili 'kong medyo nahihiya pa rin ako sa kanya.
"Sure." Pinindot niya 'yung maliit na LCD screen at biglang tumugtog 'yung kantang City of Dream by Alesso.
"Pwede mo ilipat kung hindi mo gusto 'yung kanta."
"Hindi. Okay na 'yan. Ang ganda nga eh." Sagot 'ko sa kanya.
Sa isang oras na byahe namin papuntang Tagaytay, hindi kami gaanong nakapagusap dahil sa lakas ng tugtog. May naka-built in din na mga speakers sa kotse niya. May mga moment na nagkakatinginan kami tapos matatawa nalang kami sa isa't isa.
"We're here!" sigaw niya.
Dumaan muna kami sa isang Starbucks. Malamig pa rin ang hangin kahit medyo tirik ang araw.
"Dito ka lang. Ako na ang o-order. What do you want?" tanong niya sa'kin. Nakakahiya man sabihin pero hindi 'ko rin kasi alam kung ano ba 'yung mga drinks ng Starbucks. Ngayon nalang ulit kasi ako nakalabas after two years.
"Hindi 'ko kasi alam kung anu-anong drinks ang available dito." Nahihiya 'kong sagot.
"Seriously?" Gulat niyang tanong. Tumango lang ako.
"Okay. Dito ka lang. Wag kang aalis." Sinundan 'ko lang siya ng tingin. I feel so comfortable with him and I have no idea why. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Pero still, hindi 'ko dapat ipahalata sa kanya na gusto 'ko itong ganito. Na gusto 'kong kasama siya.
Wala pang 10 minutes, nakabalik na sa table namin si Raffa kung saan ako naghihintay.
"This one is for you." Banggit niya habang inaabot 'yung frappe na color green. Tinikman 'ko ito at mukhang masarap naman.
"Masarap. Anong tawag dito?" tanong 'ko sa kanya.
"It's green tea."
"Ah. Eh 'yung sa'yo?" tanong 'ko ulit.
"Caramel Machiatto for iced." Mukhang masarap din 'yung sa kanya. Kaso walang whip cream tulad ng akin.
"Pwede 'ko bang tikman?" tanong 'ko sa kanya. Halatang nagulat siya sa sinabi 'ko.
"Alin? 'Yung akin? Sure." Inabot niya sa'kin 'yung iniinom niya. Medyo mapait 'yung lasa pero masarap din.
Nakaka-relax din 'yung ambiance ng coffee shop na 'to dahil bukod sa nasa mataas na 'yung location niya, wala pa gaanong tao.
"Ang sarap din ng sa'yo." Banggit 'ko. May mga inorder din siyang cookies at cheesecakes.
"I'm glad you liked it. Anyway, bakit nga pala ayaw mong ituloy 'yung studies mo?" tanong niya sa'kin. Dito ako kinakabahan eh. Sa mga tanong na hindi 'ko alam ang sagot. O ayoko lang sagutin. O nahihirapan lang siguro ako sagutin. O ayoko lang na may makaalam.
"Ah eh, hindi pa kasi ako ready. Siguro someday." Halata sa mukha niya na nagtataka siya sa sinasabi 'ko.
"Bakit naman hindi pa ready?" tanong niya ulit. 17 years old palang ako noong last 'kong punta sa school. It's been two years. Now that I'm turning 20 years old, bakit nga ba hindi pa rin ako ready?
"Hindi 'ko alam eh. Nasanay na rin kasi ako na kasama 'ko lagi si mama sa bahay. Wala kasi siyang kasama eh." Sagot 'ko. 'Yun nalang ang pinaka-afe na reason na naisip 'ko.
"You're turning 20 right? Halos mag-the three years na rin. Ano bang pinagkakaabalahan mo sa bahay niyo?"
"Books. Reading books, listening to music." Sagot 'ko. Ngayon 'ko lang na-realize na medyo ang boring ng buhay 'ko dahil all these years, umikot lang sa libro at music ang buhay 'ko. Walang social life o kahit ano.
"What kind of books?" Tanong niya ulit.
"Books with romantic story, mostly. Pwede rin 'yung mga fiction and futuristic na stories" Sagot 'ko.
"Eh sa music?" Curious niyang tanong. Bakit ba ang dami niyang tanong?
"More on instrumental." Maikli 'kong sagot.
"Such as?"
"Piano, violin. 'Yung medyo orchestra type. Basta 'yung wala gaanong lyrics."
"Wow. Pero may mga gusto ka rin na kantang may lyrics?" tanong niya ulit. Hmm. Anu-ano bang mga lyrical song ang gusto 'ko?
"Music Box by Regine Spektor. Somehwere Over The Rainbow pero 'yung female version."
"How about movies?"
"The Legion, Knowing, Heaven is for Real, pwede rin 'yung A Walk to Remember." Sagot 'ko.
"Ikaw ba?" tanong 'ko.
"I love playing basketball." Sagot niya. So, sporty pala siya? Sobrang magkalayo 'yung hilig naming dalawa.
"I love movies. All kinds of movie." Sagot niya ulit.
"Wala ka bang girlfriend?" Bigla 'kong tanong sa kanya. Maski ako eh nagulat sa tanong 'ko. Weirdo talaga ako minsan.
"Wala." Cold niyang sagot.
"Bakit naman wala?" tanong 'ko ulit.
"Busy sa mga business." Kaya pala mukhang mayaman siya. Dahil sag a business nila.
"Family business?"
"Nope. Sa'kin lang." Sagot niya. Nagulat ako sa sagot niya. Imposible. 22 years pa lang siya. Imposibleng magkaroon siya ng mga mamahaling sasakyan at business in his early age.
"Listen. I am a very possessive kind of person, Loureen. What's mine is mine. Only mine." Speechless ako sa sinabi niya. Sobrang seryoso ng mukha niya. Nakalimutan 'ko bigla kung ano 'yung itsura ng maamo niyang mukha."Okay po. Tahimik nalang ako." Ngumiti lang ako habang nakatingin sa cheesecake na nasa table. Hindi 'ko kayang tumingin ng diretso sa kanya. Sobrang intimidating ng presence niya.
"Pero last Saturday.." Banggit niya. Last Saturday? 'Yun yung first day ng FHL Organization 'di ba? Saka birthday niya nun.
Tumingin lang ako sa kanya. Naghihintay ng susunod niyang sasabihin.
"I asked God to give me something that would change my life somehow. My life is getting quite boring." Napaisip ako bigla sa sinabi niya. Imposible naman na ako 'yung ibigay ni Lord sa kanya dahil napaka-boring 'ko rin na tao.
"..and I think it was you. That's why I'd like to know you better."
"Hindi ako 'yun. Boring din ang buhay 'ko. There's nothing about me. Walang ka-adventure adventure buhay 'ko." Explain 'ko sa kanya.
"Edi lagyan natin ng adventure." Nagulat ako sa sagot niya. Ano bang pinagsasabi niya?
"Ha? Ano bang sinasabi mo? Hindi pa natin gaanong kilala ang isa't isa. I don't even know if you're interested in me."
"I am. I'm interested in you."
BINABASA MO ANG
The Beginning
Romance"My life, if I were to describe it, is full of surprises. A life changing surprises."