Kabanata 177:
Intention"G-Ganito ba?" kinakabahan kong tanong kay Jaydiel nang igalaw ang manubela. Mahigpit ang hawak ko sa kambyo. He's teaching me how to accelerate the speed of the car.
Hindi ako makapaniwala na kakabahan ako sa unang subok ko nito. Noong unang beses nga na makahawak at magpaputok ng baril, hindi naman ako ganitong kinabahan.
At ngayong magmamaneho lamang at wala namang kahit anong nakaharang sa malawak at diretso pang daan ay kinakabahan. My heart is racing. Iniisip ko na sa kaba kaya ganoon. Jaydiel is on the passenger seat while I am in the driver seat.
Hindi pa talaga ako lubos na marunong sa pagmamaneho kaya naman kanina tinuruan niya pa ako kung paano ang tamang paraan roon.
"You should know how to drive first, making sure you won't have an accident before you race. Kapag sigurado ka nang hindi maaksidente, puwede ka nang sumalang sa mga ganitong buwis buhay na laro." iyon ang sinabi niya bago kami magsimula.
And I don't know if that his motivational words because I am not motivated at all. It's even the reason why I become nervous and anticipated now.
Paano ko naman masisiguro na hindi ako makakaksidente? Iniisip ko pa lang na magpapatakbo ng mabilis, pakiramdam ko mababangga na agad ako sa mga gilid na barindilya. Lalo na at hindi ko pa makontrol nang ganoon ang manubela.
"Yeah, just pull the gear stick slowly and move the steering wheel... like this." turo niya sa akin. He moves closer so he can demo what I should do.
"Iyon naman ang ginagawa ko pero bakit iba ang resulta?" tanong ko. Sinusunod ko naman ang lahat ng sinasabi niya pero ang nagagawa ko ay hindi ang inaasahan. Ngumuso ako.
He chuckled. Napabaling ako sa kanya. He run his hands on his long silky hair. It's in a half bun now. Ang tuktok noon ay bahagyang pawis. Habang ang dulo noon ay bahagyang lumalagpas sa kanyang balikat. Bahagyang sumasayaw sa marahan na samyo ng hangin.
Alas sais na kaya bukas na ang mga lamp post na nakapuwesto sa bawat gilid ng racing field. Half of his face is lighted, while half is dark because of the angle of the light. Kitang kita tuloy ang pagkatangos ng ilong at ang kanyang panga na bahagyang gumagalaw.
Madilim ang ibang parte ng paligid pero payapa naman. Tahimik at kami lamang ni Jaydiel ang narito. Mukhang wala pa rin si Silverio. Kasi kung nariyan na siya lumabas na sana ang mga tauhan niya at sinabihan ako.
Simula noong makapunta ako rito, malaya na ako na nakakapasok at labas. Lalo na at binilin ni Silverio na hayaan ako. Puwedeng puwede akong bumalik kung kailan ko gusto. Kilala na rin ako ng mga tauhan rito kaya naman hinahayaan ako.
Ngayong nakita ko si Jaydiel rito sa loob, hindi ko alam kung malapit ba sila ni Silverio na mukhang hinahayaan rin siya rito. Pero naisip ko na mahilig siyang mag race at panigurado na madalas rito. Lagi rin siyang nanalo, mukhang hindi pa nga natatalo.
Kumbaga mukhang kakilala na siya ni Silverio kaya malaya ring nakakapasok at labas.
"It's not bad, this is your first time but you easily understand what I told you. Nagawa mo rin ang iba kahit unang beses mo pa lang. Magandang pangitain iyon."
"Pangitain? Akala mo ba mamatay ako?" tumawa muli siya na para bang biro ang sinabi ko. He's been laughing the whole time, like I am a joker here that I noticed the piercing on his lips.
It's a small round silver piercing. He also has a spider bite piercing on his lips. I also see some piercing on his left ear. Halos mapuno na nga ang kanan niyang tenga habang ang isa, ay isang piraso pa lamang.
BINABASA MO ANG
Ruling The Last Section (Season 2- COMPLETED)
Teen FictionWill Raiven continue to rule the last section if they are starting lost one by one on her grasp? How can she reign the throne if there's no last section anymore?