Minsan talaga, mas mabuting huwag na nating subukang intindihin pa ang mga bagay-bagay. May mga katanungan na mas mabuting hindi na hanapan pa ng kasagutan.
Pero minsan naman, kahit hindi naman talaga natin hinahanap ang sagot, kusa itong pumupunta sa atin.
Kagaya ng tadhana.
December, 2021
Whenever I'm with Lance, I never felt alone.
Sobrang seryoso si Lance na nagdadrive ng sasakyan. Parang nakaglue ang mata niya sa harapan. I know I've said this before, but Lance has this certain charm whenever he's serious. Plus, today, he's wearing a tuxedo. Although medyo naka-loose 'yung necktie at upper button, maybe to make himself comfortable. Still, hot.
"Let me concentrate on driving, will you? Alam kong gwapo ako na hawak-hawak itong manibela. Pero kung tititigan mo ako ng ganyan baka maaksidente tayo," mapagbirong sabi ni Lance na saglit na ibinaling ang tingin sa akin nang huminto kami sa crossroad dahil sa red light.
"Eyes on the road, idiot."
I rolled my eyes, trying to hide the fact that I blushed dahil nahuli niya lang naman akong nakatitig sa kanya habang nagda-drive. Mahinang tumawa si Lance na nagpatuloy sa pagdadrive dahil lumipat na ang traffic light sa kulay green.
Puno ng awkwardness na inilipat ko ang tingin sa harapan namin. Pero matapos ang ilang minuto ay hindi ko napigilan ang isang tipid na ngiti ang kumawala sa mga labi ko.
I'm an idiot.
Dahil magchri-Christmas na in less than thirty minutes, hindi naman na nagkalat ang mga sasakyan sa kalsada. Wala ring traffic, dahil karamihan ng mga tao ay mga nasa kanya-kanyang bahay na naghahanda para sa noche buena. Kaya naman agad kaming nakarating ng bahay at diretsong nagpark sa garahe.
Pagkababa namin ng sasakyan ay saka lang muling nagsalita si Lance.
"Nandito rin si Kuya Kris?"
Napahinto ako saglit. I'm glad that Kuya is spending Christmas eve with us, kaso ang masaklap kasama niya ang saksakan ng kapal ng mukha na cheater na si Aby. Nagpatuloy ako sa paglalakad papuntang main door ng bahay at sinabayan naman ako ni Lance.
"Yep, with Ate Aby."
Hindi ko alam, pero siguro ay hindi ko na naitago pa yung hint of bitterness sa pagbigkas ko sa pangalan ni Aby dahil biglang nagreact si Lance.
"I've been wanting to ask you this, Scar. Is there some kind of conflict between you and Ate Aby?"
Kasalukuyan kaming nasa harapan na ng main door ng bahay. Inilabas ko muna sa purse ang susi ko at ipinasok iyon sa keyhole.
"Long story short, I just can't vibe with her," sagot ko na binuksan na ang pintuan. Luckily, hindi naman na nagtanong pa si Lance tungkol kay Aby. I guess he understands na ayaw ko talagang gawing laman ng usapan ang babaeng 'yun.
Pumasok kaming dalawa at dumiretso agad sa dining area. Doon ay sinalubong kami ng readyng-ready na noche buena. Nandoon si mommy at si Aby na naglalagay ng finishing arrangements sa mesa. Naka-apron silang dalawa, seems like they had a quality mother-daughter time.
"I'm back, mom. I brought Lance with me," mahinang pag-anunsyo ko ng presensya namin ni Lance.
"Buti naman at nakaabot ka, anak, on time para sa noche buena," nakangiting sabi ni Mommy. "Lance, anak, ikaw rin. It's too bad na hindi makakapunta ang Daddy mo dahil sa isang overseas branch."
Nangunot ang noo ko sa sinabi ni Mommy. Why is it that Lance never tells me anything? Kagaya na lang nito, na wala pala talaga siyang kasama this Christmas.
BINABASA MO ANG
the time we were in love
RomanceMag-ex si Ren at Scarlet. They dated way back in college dahil hindi sila mahal ng mga taong totoong mahal nila. So they decided to keep each other as substitutes. They made a promise, "if one of us makes it to the one we really love, this contract...