Chapter 5
Loureen's POV
"Please don't cry. Do you want me to drive you home?" Nagaalalang tanong ni Raffa sa'kin. Paano ba naman kasi, gabi na pero wala pa rin si mama.
"Sabi niya kasi susunduin niya ako ng 5 PM eh." Sagot 'ko habang nagpupunas ng luha sa mata gamit 'yung panyo na pinahiram sa'kin ni Raffa.
"Don't you have any cellphone?" tanong niya sa'kin.
"Wala eh. Kailangan bang meron?" Natawa siya bigla sa sagot 'ko.
"Kawawang bata. Bakit wala kang cellphone? Sobrang strict naman ng parents mo." Pangaasar niya sa'kin. Hindi naman strict si mama eh. Sa totoo lang, si mama nga ang nag-pu push sa'kin na lumabas ng bahay. It's just about my situation.
"Wag ka na umiyak. Tara, I'll drive you home. 7 na rin kasi." Hinila ako ni Raffa papunta sa kotse niya.
"Safe ba ako diyan? Hindi mo ba ako sasaktan?" tanong 'ko sa kanya.
"Alam mo para kang bata. Of course. Don't worry." Niyakap niya ako bago pumasok ng sasakyan. Gumaan 'yung loob 'ko sa yakap niya. Maybe he knew that I needed it.
Wala pang 5 minutes ay nakarating na kami sa bahay. Hindi pa bukas 'yung ilaw sa garden. Bakit wala pa rin si mama? Eh half-day lang naman sila tuwing Saturday ha?
"Wow. Nice house." Banggit ni Raffa.
"Wala pa rin si mama." Malungkot 'kong banggit. Bakit kaya wala pa rin si mama? Nagaalala na ako.
"Gusto mo bang samahan muna kita habang -" Hindi. Hindi 'ko siya pwedeng papasukin sa bahay. Lalo na at wala pa si mama.
"Wala akong susi ng bahay namin eh. Nakalimutan 'ko magdala ng duplicate." Diretso 'kong sagot. Bakit ba kasi sa dinami-dami ng makakalimutan 'ko, 'yung duplicate pa ng susi ng bahay? Hindi 'ko rin naman kasi expected na ganito ang mangyayari sa first day 'ko sa organization. Hindi 'ko expected na hindi ako masusundo ni mama.
"Okay. Ganito nalang. I'll stay here with you until your mom arrives. Para sure na safe ka."
Nag-stay kami sa labas ng bahay. Mabuti nalang at may baon na chips at bottled water si Raffa sa loob ng kotse niya. Ilang minuto rin ang lumipas at hindi pa rin dumadating si mama.
Ilang minutes palang kami sa labas ng bahay namin pero marami na agad kaming napagkuwentuhan. 22nd birthday niya pala ngayon pero he still chose to attend the organization. Siya rin pala ang founder ng FHL Organization. Siya at 'yung bestfriend niyang namatay. He refused to talk about his bestfriend at naintindihan 'ko naman kung bakit. Naging kumportable agad ang loob 'ko sa kanya. Madali siyang makisama sa ibang tao.
"Bakit Raffa 'yung name mo?" tanong 'ko sa kay Raffa.
"Shortcut ng Raphael. Ikaw? Bakit Loureen?" tanong niya sa'kin. Nakaupo lang ako sa bench made of cement sa may kapitbahay namin.
"Mahilig daw kasi si mama sa louboutin na sapatos noon. Eh wala daw siyang pambili ng ganun kamahal na sapatos kaya she named it after me." Sagot 'ko.
Maya-maya ay may pumaradang itim sasakyan sa harap ng bahay namin. Alam 'kong si mama na 'yon kaya tumayo na ako agad. Sumunod sa akin si Raffa.
"Be sorry! Nag-OT kasi ako. Sayang bayad!" Sigaw ni mama pagka-labas ng sasakyan. Niyakap 'ko siya agad.
"Kahit na! First day 'ko ngayon eh. Hindi mo manlang ako naalala?" tanong 'ko kay mama.
"May pasalubong naman ako sa'yo na cake be. Wag ka na magalit!" sigaw ni mama habang tinuturo 'yung cake. Sa sobrang excitement namin ni mama sa isa't isa, hindi 'ko na naalala na may kasama pala ako.
"Ay, si Raffa po pala." Pakilala 'ko kay mama.
"Oh, mabuti naman at may kasama ka habang wala ako. Tara sa loob. Kainin natin 'tong cake!"
"Oh, no thank you. I need to go na rin. Thank you." Sagot ni Raffa. Habang naka-bulsa ang mga kamay.
"Anong I need to go? Paano naman 'tong uwi 'kong cake kung kami lang ni Lou ang kakain?" malungkot na banggit ni mama habang nag-ma make face.
"Saktong-sakto 'di ba? Birthday mo ngayon oh!" sigaw 'ko kay Raffa. Tumawa lang siya at kinurot ako sa pisngi.
BINABASA MO ANG
The Beginning
Romance"My life, if I were to describe it, is full of surprises. A life changing surprises."