Niño Sandoval's POV
Mangha akong napatingin sa paligid habang binabaybay namin ang daan patungong talon. Ang sabi ni Don Hades ay may kalayuan raw iyon kaya in-enjoy ko nalang ang mga nakikita ko. May mga tauhang kumakaway sa amin sa tuwing may madadaanan kami. Abala ang lahat sa pagtatanim at pag aani ng mga natira sa bagyo. Ang sabi ng Don ay ipapamigay niya raw iyon sa mga kabarangay.
"Grabe, ang laki pala talaga ng nasasakupan niyo, Don Hades." Hindi ko alam kung ilang ulit ko na iyon sinabi ng paulit-ulit.
"Yeah. Kasi halos kalahati ng Barangay na 'to ay nasa pangalan ko." Sagot niya. Mabagal lang ang takbo ng kabayo namin dahil ang sabi niya ay gusto niyang ma-enjoy ko ang tanawin.
"Oo nga po, narinig ko noon. Grabe sobrang laki pala talaga!"
"Kulit mo." Tumawa ito at pinisil ang ilong ko. "Halos ilang taon ko rin itong pinaghirapan. Dugo't pawis ang tinaya ko dito."
"Kaya maraming humahanga sa iyo dahil sa mga nakamit mo sa buhay."
"Isa ka ba doon?"
"Oo naman po. Bakit hindi diba? Isa kayo sa hinahangaan ko noong highschool palang ako. Kahit hindi kita nakikita noon, may nararamdaman parin akong paghanga sa inyo."
"Talaga?" Mangha niyang tanong. Tumango ako.
"Opo. Saka kahit na iba-iba ang sinasabi nila tungkol sayo, hindi parin nabawasan ang paghanga ko sa inyo."
Saglit itong natahimik pero kalaunan ay muli na namang nagtanong.
"Ano ba ang mga naririnig mo noon tungkol sa akin, Niño?"
Nagkibit-balikat ako. "Marami, kagaya ng kung gaano kayo ka sungit sa mga trabahador ninyo. Sabi rin nila na mabilis kang magalit at ayaw mo sa walang masagot pag tinatanong mo."
Dati, palagi kong naririnig sa usap-usapan ang Don sa tuwing bibili ako sa may tinadahan. Kadalasan ay tungkol sa mga trabahador na napatalsik sa hacienda nito dahil lang sa kaunting mali na nagawa nila, o di kaya'y pag hindi maganda ang araw ng Don.
"At naniwala ka sa kanila?"
Umiling ako. "50/50 lang po."
"Totoo ang sinabi nila, Niño. Dati ay napakasama ng ugali ko, at alam ko iyon sa sarili ko. Ayoko kasi noon sa mga mabagal mag trabaho dahil para sa akin ay may masasayang na perang darating kung sakaling mabagal kang magtrabaho. Lahat ng nasa utak ko ay pera. Lahat ng galaw ko noon ay tungkol sa pera pati mga desisyon ko sa buhay. Kaya hindi ako nakapag-asawa hanggang ngayon dahil ayokong may sagabal sa plano ko. Pero no'ng dumating ka, nagbago ang lahat."
Hindi ako nakapagsalita dahil sa huli niyang sinabi. Hindi ko rin inasahan ang rason niya kung bakit hanggang ngayon ay wala pa itong naging asawa. Akala ko ay gusto lang nitong mag enjoy sa buhay.
Nagpatuloy ito.
"Noong narinig ko ang pangalan mo kay Nay Simang ay may kung anong emosyon ang dumaan sa puso ko. Akala ko noon ay wala lang iyon pero dumaan ang isang gabi na ikaw lang ang nasa-isip ko. Ini-stalk pa nga kita sa FB and that time, mas nahulog ako sayo. Inutusan ko si Nay Simang na i-report sa akin ang galaw mo dahil gusto kitang makilala. At no'ng sinabi niyang pupunta ka sa hospital ay agad kitang pinuntahan." Natawa ito.
YOU ARE READING
Sweet In His Forty [BXB] ✓
RomanceSa edad na kuwarenta, nagawang palakihin ni Hades Villanovan ang maliit na sakahan ng kaniyang ama. Naging isa siya sa pinakamayaman sa bansa. Puro business ang nasa utak niya at wala ng iba pa. Para sa kaniya, mas importanti ang pera kaysa sa anuma...