Kabanata 172

10.7K 486 118
                                    

Ilang chapters pa 'to kaya baka mamiss niyo talaga ang last section haha. I'll update again tomorrow or on Sunday. ^_^

Kabanata 172:
Foes

Napapaigtad ako sa bawat pagkakataon na makakarinig ako ng mga naghahadaling hakbang, sigaw ng mga tauhan, at mga kalabog mula sa likod ng pinto.

Everytime I'll flinch, Ryker will flinch also. Kahit hindi niya naririnig ang mga pangyayari sa labas alam kong may ideya siya dahil sa kilos ko. Kahit nga hindi niya naiintindihan ang sinabi ni Kuya Jhomer ay alam ko na iniisip niya na may gulong mangyayari dahil binigyan ako ng baril.

Bumagsak ang tingin ko sa baril na nilapag sa sahig. Hindi ko kayang hawakan iyon dahil naalala ko iyong pagkakataon na nakita ko si Kuya.... sa kwarto niya noong gabing kinitil niya ang sariling buhay.

The trauma and fear from that night suddenly lingered in my body. Mahigpit ang yakap ko sa kapatid, kinakapitan siya para hindi ko lubos na maalala ang lahat ng madilim na pangyayari na iyon.

Mukhang nagkakagulo na talaga sa labas. Seryoso ang nangyayari. Wala akong ideya kung sino iyong nakapasok, kung gaano siya kadelikado na banta sa amin. Noon, may nagtatangka na talaga sa buhay ni Papa pero hindi ganoong kaseryoso at agad naman nilang naliligpit o naayos.

Ngayon sa tingin ko ilang oras na yatang namomroblema ang mga tauhan mula noong dumating ako. Nag-angat ng tingin si Ryker sa akin nang mapasigaw ako nang makarinig ng putok ng baril. My whole body tremble and I froze.

Takot ako sa tunog ng baril dahil may trauma iyong hatid sa akin.

Naramdaman ko na lang ang mga maliit na daliri ni Ryker sa pisngi ko. Napasinghap ako at bumagsak ang tingin sa kanya. Doon ko lang namalayan na umiiyak na pala ako nang punasan niya ang luha sa pisngi ko.

"Please don't cry." he said through sign language. Pagpapatahan ang sinabi niya pero hindi ko alam kung bakit mas lalong nag-init ang mga mata ko roon. I slowly nodded on him and try my best to keep my tears at bay.

I caress his hair as he stared at me. Para bang binabantayan kung hihinto nga ba ako sa pag-iyak. Hindi dahil sa takot ako kaya umiiyak ngayon, kundi dahil sa ala-ala na pilit sumasagi sa isip ko.

Kahit pilit kong huwag alalahanin kusa iyong dumadaan sa isip ko.

Hinaplos ko ang pisngi ni Ryker.

Patindi ng patindi ang tensiyon sa likod ng pinto. I don't know what's happening. If they're already chasing or haunting the man who sneak here.

Ang sabi ni Jhomer na tanging pagkikilanlan ng lalaki ay may tattoo sa braso at kahit alam ko na ligtas kami rito sa loob ng kuwarto dahil may high security lock sa pinto ay hindi pa rin ako panatag.

Paano kung bihasa at magaling ang nakapasok at mabuksan ang pinto? Anong nangyayari sa aming dalawa ni Ryker? Wala pa rin akong ideya kung nasaan si Mama. Iniisip niya ba kami ngayon at nag-aalala rin ba siya ng sobra?

I can hear the sound of gunshots behind the door. I know that what's happening outside is serious.

Mukhang nagkakapalitan na sila ng putok ng baril. Kung ganoon, ganoon kahirap hulihin ang kung sino mang nakapasok rito sa loob.

Ayaw na ayaw ni Papa na may nagpapaputok ng baril dito sa loob ng bahay, at hinding hindi iyon babaliin ng kahit sinong tauhan.

Hindi ko alam kung dumating na ba si Papa at dumodoble ang tensiyon. Pero kung narito siya baka natuldukan na agad ang problema.

I don't know if the man is really skilled, na ang mga tauhan ni Papa ay nahihirapang hulihin siya. Bakit ba sa lahat ng oras na mangyayari ito ay kung kailan wala pa si Papa sa bahay?

Ruling The Last Section (Season 2- COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon