Kabanata 9

110K 5K 4.7K
                                    



Kabanata 9:

Tulala ako habang nasa canteen, iniisip ko pa rin ang nangyari noong nakaraan araw. Walang pasok kahapon kaya hindi kami nagkita-kita ng aking mga kaibigan, hindi ko sinabi sa kanila ang nangyari nang gabing iyon. Ni hindi ko alam kung dapat sabihin ang nangyari na 'yon.

Walis tambo kissed me! That oily man!

Hindi ko alam kung paano kami nakabalik sa bus basta ang alam ko ay naging tahimik na ako pagkatapos. Ni hindi ko nga magawang magalit sa sobrang gulat.

Mas nakakagulat dahil hindi ako galit, I don't feel disgusted or anything. Dapat ay magalit ako, that was my first kiss!

"Hey, you don't like the food?" Napaangat ang tingin ko kay Luigi na kasama ko nga pala.

Nagka-chat kami kagabi at inaya niya akong mag-lunch. Parang hindi naman talagang direktang pag-aya, tinanong niya kung saan ako kakain at sinabi kong sa canteen, sinabi niyang siya rin tapos inanunsyo niyang sabay na kami at pumayag ako dahil nakakahiya naman, parang bayad ko na rin sa ibinigay niyang ticket para sa fieldtrip.

"Ah, gusto! Ang sarap nga e, may iniisip lang ako," naiilang na sabi ko saka sumubo ng binili niyang shawarma salad.

Hindi ko alam pero kahit ilang beses na kaming nakapag-usap ng ganito ay hindi pa rin ako sanay. Ganito ba talaga kapag gusto mo ang isang tao? Nakakailang? Parang may nakaharang na pader sa gitna? Baka ganito nga.

"Stop thinking of me while I'm here with you," sabi niya habang nakangisi.

Pilit na ngumiti ako. Bakit hindi ako kinikilig? Dapat kiligin ako, jusko Perisia, si Luigi 'yan! 'Yong lalaking gustong-gusto mo, talented at gwapong si Luigi!

"A-Ah, hahaha."

"Anyway, your friends told me something." Tumigil siya sandali, pinanuod niya ang aking emosyon. Kumunot lang ang noo ko dahil iniisip ko na kaagad kung anong pwedeng sabihin nila Niel at Vena sa kanya. "Alam ko na, Peri," seryosong dagdag niya, pansin ko ang haba ng kanyang pilik-mata nang pumikit siya.

Binasa niya ang kanyang natural na pulang labi, hindi kagaya kay Bry na bitak-bitak.

"Alam ang . . . alin?" takang tanong ko, sumimsim ako sa aking baso.

Nakakailang ang paraan ng kanyang tingin.

Hindi na ako nagtataka sa mga tingin ng ilang estudyante na dumadaan at nakatambay rin sa canteen. Sino ba naman hindi mapapatingin na ang isang Luigi Haven Pietro ang kasama ko sa lamesa?

Sumandal siya sa kanyang upuan, hindi niya kasama ang mga kabanda niya at gano'n din naman ako. Hindi ko sinama sila Niel at Vena pero sigurado akong nandyan lang sila sa gilid-gilid.

"You like me." Hindi iyon patanong, halos maibuga ko ang iniinom ko dahil sa sinabi niya, gulat akong napalingon sa kanya. He looked satisfied because of my reaction. "Sinabi nila sa akin no'ng field trip, actually nadulas lang sila. You like me since last sem and they mentioned all your efforts. I really appreciate that, Perisia," nakangiting sabi niya.

Hindi ako kaagad nakapagsalita, ano bang sasabihin ko? Thank you po Kuya? Salamat sa wakas! God bless?

Pinilit kong mangiti pero nauwi iyon sa pagngiwi, bahagya pang kumibot ang aking labi.

"I-I don't know what to say," pag-aamin ko, nahihiya ako at hindi ako magtataka kung namumula ang mukha ko sa hiya.

Loka talaga sila Niel! Anong nadulas? Sigurado akong sinandya nila. Wala naman akong balak umamin kay Luigi ng mga pinaggagawa ko noon, crush ko siya pero hindi ko naman iyon sasabihin.

Professor's Hidden SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon