Parang tanga tapos si Kuya nakikisama pa.
"Pahingi ako kahit isa lang." Tumingin ako sa kanilang dalawa.
"Ayoko nga. Bumili ka ng sa 'yo," pang-aasar pa ni Darius sa akin.
Kaagad na sumama ang tingin ko sa kaniya. Buti sana kung nakakalabas ako kaso hindi. Tipong hahawakan ko pa lang ang doorknob ay magtatanong na agad si Mama o kaya mga men-in-black.
Saglit akong tumigil. Bumalik sa isip ko ang nangyari. May binaril no'n si papa. Silang dalawa ni Kuya, may dala-dala silang baril at nakatutok sa mga lalaking bumaril sa akin.
Galit na galit si Papa at noong panahon na 'yon ay parang hindi ko siya kilala. Ibang iba si Papa, 'yong itsura niya... handang pumatay ng tao. Si Kuya naman ay ganoon rin. Nakita ko rin ang galit sa mata niya noong nakita niya ang nangyari sa akin. Kahit kita ko ang pagiging emosyonal niya ay nakikita ko rin ang galit sa mata niya.
Hay, duda talaga ako sa discussion na ginawa ni Mama sa mga hamog, e. Tapos parang matagal nang nag-uusap at nagkakilala si Mama at Phoenix sa paraan ng pag-uusap nila.
Alam kong may sikretong malupit silang tinatago at dahil sa sobrang lupit hindi ko malaman-laman.
May something... malalaman ko rin 'yan! Itago niyo sa bato! Malalaman ko rin ang sikreto nila!
Kumurap ako at tumingin ulit sa dalawa kong kapatid.
"Dali na, pahinga lang, ang damot niyo."
Tumingin si Darius sa akin at mapang-asar na dumila sa akin. Parang bata, ah, Darius?! Hmp!
"Mama, tignan mo 'yong dalawa, o! Ayaw ako bigyan ng kinakain nila. Akala mo naman mamamatay kapag hindi ako binigyan!" Sumbong ko kay Mama.
Bahagya namang napatigil si mama dahil sa sinabi ko. Hindi rin siya papayag na pakainin ako no'n? Grabe naman kung gano'n. Gutom na gutom na kaya ako. Hay, gusto ko ng lollipop.
"I missed the word 'mama' from you, Darlene," ngumiti si Mama.
Napatigil naman ako.
"Miss ka na rin daw niya," sagot ko.
Sarili ko ang tinutukoy ko. Miss ko na si Mama, sobra ko siyang miss kaso akala ni Mama ay binabara ko siya kaya nanahimik siya at nakatingin sa akin. Nagsalita ako para maliwanagan siya.
"Hindi kita binabara, ah?" Huminga ako ng malalim. "Miss na kita, 'Ma."
Mas lalo yata siyang hindi nakapagsalita dahil sa sinabi ko. Si Darius tuluyang napatigil sa pagkain at si Kuya nakatingin lang din sa amin. Hindi ko kasi pinapansin si Mama, pinansin ko lang siya noong kinausap niya ako kanina. At sa nakikita ko naman mahal niya ako kaya hindi ko na kailangan humingi ng pagmamahal mula sa kaniya.
"I missed you, too," sagot ni Mama at handa na akong yakapin pero hinarang ko ang dalawang kamay ko.
"Baka masaktan ako. May sugat pa ako, o." Ngumiti ako at dahan dahang sumandal sa headboard ng hospital bed.
"Next time na lang," aniya sabay ayos ng buhok ko bago hinalikan ang noo ko.
"Ang arte mo, Darlene," sabi ni Darius.
"Ikaw kaya mabaril!" Umirap ako. "Dami dami kasing pwedeng barilin ako pa naisipan. Bakit hindi na lang si Darius?"
Masama ang tingin sa akin ni Darius. "That's foul!"
"Okay, stop now," awat na ni Mama.
"Joke lang," mahina akong tumawa.
Akala ko mananatili pa rin sila rito kaso hindi. Umalis na si Kuya at Darius pero iniwan nila ang pagkain nila. Tinago ko agad sa bag ni Mama ang lollipop dahil sure akong mambuburaot na naman sila Harvey ng lollipop ko.
YOU ARE READING
The Girl in Worst Section (Completed)
Teen FictionSoon to be Published Darlene isn't a typical high school student. She always gets in trouble in her previous School in her grandmother's province. She used to be expelled in every School she went to, not until her father decided that she would stud...
Chapter 40
Start from the beginning