Chapter 40

43.7K 923 153
                                    

Chapter 40: Dash's condition

Hanggang ngayon hindi ako maka-get over sa boses ni Phoenix. Grabe, ang ganda ng boses niya. Tapos iyong sinabi niya ay hindi ko makalimutan. Hinding-hindi ko na yata 'yon makakalimutan. At saka, pwede na siyang sumali sa The Voice.

Nakakainlove, gago.

Hindi lang rin pala gitara ang kaya niyang tugtugin, marunong rin siya mag-drum, sinabi niya sa akin. Mayroon din siyang music room sa bahay niya at napupuno 'yon ng mga instruments. Gusto ko siyang makita mag-drum at sana turuan niya rin ako ng walang kapalit. Pero sina Trevor kaya? Marunong din kaya sila? Kung oo, dapat gumawa na sila ng banda.

At saka... alam niyo ba... tabi kami natulog? Syempre, hindi. Hindi naman detail, eh.

"Gusto ko ng lumabas sa kinginang hospital na 'to," sabi ko habang pinagmamasdan si Mama sa tabi ko.

May binabasa siya sa laptop at may mga papel rin sa tabi niya. May dala-dala siyang bag na maganda, sinubukan kong tingnan ang nasa loob no'n pero kinuha niya sa akin. May kumikinang na bagay sa loob ng bag na 'yon. Ginto kaya 'yon?

"Kailan ba ako lalabas?"

Sinilip ko ang ginagawa ni Mama kaso hindi ko maintindihan. May nabasa akong Black Forum at may mga linya linyang nakalagay sa ibaba.

May illegal kayang ginagawa si Mama?

Inayos ni Mama ang coat niya bago mag-angat ng tingin sa akin. "Kapag sinabi na ng Doctor kung kailan ka lalabas."

"Nakakabagot sa putanginang hospital na 'to." kinuha ko ang cellphone ko sa tabi ko at nag-facebook.

Mabuti na lang talaga wala sila Phoenix rito kaya walang nag-lilista. Nakakapagsalita ako ng maayos dahil wala sila. Nakakainis, akala ko nawala na sa isip nila ang pisteng deal na 'yon. Nadagdagan ng walo ang nasa listahan nila bago sila umalis.

Panay tuloy ang asar ng mga hayop na 'to. Kailangan raw isa sila sa groomsmen at kailangan bongga ang kasal. Tsk, Asa sila! Walang kasal na mangyayari.

Napatingin ako sa pinto nang bumukas. Nandito na pala ang mga kapatid ko. May dala dala silang pagkain. Pinatong nila 'yon sa lamesa.

"Ang papangit niyo," puna ko.

"Nanggaling talaga sa 'yo 'yan, ah," sabi ni Darius at umupo sa sofa kung saan naupo si Kuya.

Humalik muna silang dalawa kay Mama at bumati bago ipukaw ang tingin sa akin.

"Seryoso, ang pangit niyo lalo na si Darius."

"We're twins so that means you're ugly too?" Tinaasan ako ng kilay ni Darius.

"Ganda ko kaya." Hinawi ko pa ang buhok ko at ngumisi.

"You two are both ugly, so shut up," sabat ni Kuya.

Masama ko siyang tiningnan pero agad napawi dahil may nilabas siyang lollipop na chupa-chups. Yey, favorite ko 'yon!

"Pahingi!" Nilahad ko ang kamay.

"I told you, Kuya, hihingiin niya ang lollipop na 'yan," parinig ni Darius.

Kinuha ni Darius ang isang supot ng mcdo at nilabas ang fries at ice cream. Hindi binigay ni Kuya ang lollipop at kinain lang. Iyong tingin nilang dalawa parang nang-iinggit! Ay hindi, nang-iinggit talaga sila!

"Lollipop and Cadbury chocolate is my childhood. What about you?" Tumingin si Kuya kay Darius.

"Anything but my really childhood is fries and ice cream." Nang-aasar na tumingin si Darius sa akin.

The Girl in Worst Section (Completed)Where stories live. Discover now