"Damn! She's really Lorraine! The number one socialite in the capital!"
Si Lorraine Maxwell lang naman ang pinakasikat na babae sa buong capital dahil kahit saang big events ay nandoon siya. Dinaig niya pa nga ang mga artista sa entertainment industry! Syempre bilang nag-iisang prinsesa ng pamilyang Maxwell na siyang nangunguna sa ranggo pagdating sa business world ay malaki ang importansya niya sa bansa.Pero dahil doon ay hindi siya masaya sa buhay niya. Why? Dahil halos lahat ng mga anak na nasa noble class family ay gustong makuha ang loob niya dahil lang sa 'benefits'. Pakiramdam niya lahat ng tao sa paligid niya ay "fake" kaya wala siyang tinuturing na kaibigan sa lahat ng nakakasalamuha nito.
At 'yon ang dahilan niya kung bakit naka-nerd disguise siya ngayon. Sa totoo lang, ang istorya ng buhay niya ay parehas lang sa mga nababasa kong libro sa kabilang mundo. Yung tipong magpapanggap na nerd tapos magugulat ka mayaman pala! So yun nga, ang gusto niya ay maging malaya siya sa mga taong mapang-abuso kuno at makahanap ng tunay na kaibigan.
Hindi na rin ako nagtaka na nandito siya sa AIA nag-aaral, dahil kahit side character lang 'tong si Lorraine ay binigyan pa rin siya ng author ng detailed na description. Pareho kay Heavenhell ay mahina din siya pagdating sa physical pero nabiyayaan ng utak.
Matalino siya pagdating sa business management, economics at accounting, dahil bata pa lang ay tinuturuan na siya ng lolo at ng daddy niya. But the sad thing is that the treatment between the two are so different!
Napaka-importante ni Lorraine sa pamilyang Maxwell yung tipong lahat ng gusto nito ay ibibigay nila, samantalang si Heavenhell ay kabaliktaran non. Sa novel ay protektadong-protektado si Lorraine, habang marami namang kahaharapin na kapahamakan si Heavenhell at halos lahat ng banta sa kaniya ay dahil sa pamilya niya.
Kaya huwag na kayong magtaka kung bakit galit na galit ako sa pamilyang Caventry dahil sa mga susunod ay hindi na ako magtataka na marami nang nakatutok na baril sa ulo ko. Tsk!
Napailing na lang ako at huminga nang malalim. Sa susunod ko na iisipin ang ibang problema na haharapin ko dahil sa ngayon ay kasalukuyang binubully ang prinsesa. Buti nga pinayagan 'to ng daddy niyang mag-disguise ehh! Matutuwa ako kung si Lord Caventry ay supportive din kay Heavenhell.
Lumapit na lang ako sa dalawang babae na maputi pero walang ganda, at tsaka pinigilan ang kamay ng isa na balak sampalin si Lorraine. Gosh! Kilala niya ba ang sasampalin niya? Hindi niya naman sigurong mabaon sa lupa nang maaga no?
"What?!" Galit na tumingin sa'kin ang babae na mukhang susugod sa giyera. Seriously? Hindi ko alam na kahit sa naturiang "School of Geniuses" ay may mga bully pa rin. Damn!
"What are you doing? Don't you know that according to Rule no. 37 of AIA Rules and Regulation book, that bullying is not allowed here inside the school?" nakataas-kilay kong tanong.
"W–who are you?! How dare you intervene with our business! Do you know who I am, huh? I am from Gong Family---"
"The heck I care with your Gong gong family!"
"Y--You! It's Gong family!"
"Shut up! In this school, your status is nothing. You got it? Since you're too stunned and quiet, then I'll assume that you understand what I've said. So now, go scram before I report you to the council!" Tuloy-tuloy kong sabi at hindi na sila binigyan pa nang pagkakataon na magsalita dahil sinamaan ko na sila ng tingin.
BINABASA MO ANG
Reincarnated as a Stupid Daughter of the Mafia Boss
ActionCarnelia Manelli, isang anak ng Major General ng military at sikat na Fashion Designer na sina Jared at Kacey Manelli. Dahil dito, hindi naging madali ang buhay niya simula pa ng ipanganak siya. Bata pa lang ito ay pinasok na siya sa loob ng militar...