CHAPTER 34

26.1K 1.2K 210
                                    

Chapter 34





Kai Pov

"The issue that Priam is gay. That my cousin is dating a man. Whom is  you."

She sighed.

"A-ano na ang nangyayari sa kompanya niya?" Tanong ko kay Nelanie.

"Ngayon iyon ang inuwi ni Priam sa Manila dahil malaki ang nawalang pera sa kompanya niya. Maraming mga trabahong natigil dahil sa issue. May iba na shareholder nagbabadya nang i- pull out ang mga shares nila. Ang ibang contruction on halts din. His company is struglling right now. The profits drastically decreasing each day," tumingin siya sa akin at ngumiti. "But that's part of business Kai. Don't worry Priam can handle this."

Kinagat ko ang ibabang labi ko at bahagyang niyuko ang ulo ko. "W-wala ba akong maitutulong kay Priam. Wala akong alam sa negosyo. Wala akong alam kung paano iyan, Nel. Hindi ko alam kung papaano ko tutulungan si Priam." Uminit ang sulok ang mata ko. I want to help. I want to help Priam in times like this pero wala akong alam. When Nelanie is speaking it feels like the company is near to it's bankruptcy.

"Just be by his side that's the best thing you can do right now. Your my cousin's strength Kai at kapag nasa tabi ka niya walamg hindi gagawin ang pinsan ko. I knew him and also my brother is there."

Pagkatapos naming mag-usap ni Nelanie ay umalis siya dahil pupunta na naman siya sa resort at ako naman ay kinuha ko ang cellphone ko. I need to know what's happening. Sa pagtira ko kasi dito sa isla. Para na ring nakalimutan ko na ang buhay ko doon sa Manila. Nasanay na ako sa buhay ko dito. Sa buhay na tahimik. Sa buhay na walang problema. Sa buhay na walang inaalala kung hindi ang sarili ko lang. Sa sobrang pagkasanay ko muntik ko nang makalimutan ang mapanakit na mundo.

Nang may nakita akong isang article may larawan iyon ni Priam at... iyong kasama niyang lalaki ay ako iyon pero blurred. Kahit na hindi iyon klaro alam kong ako iyon dahil sa suot ko. Ang larawan ay iyong pumunta kami nang mall dalawa tapos may iba't ibang larawan na rin iyon. Pero ang mukha ko ay naka-blur.

Bakit ang laking bagay sa kanila na may kasamang lalaki si  Priam. Bakit ang laking bagay sa kanila na may kahawak siya nang kamay? Porket ba lalaki ang kahawakan at kayakap niya ganito na agad? Ganito ba talaga ang mundo. Pwede namang hindi isali ang personal na buhay sa trabaho. Even if Priam or someone out there na may ganitong sitwasyon kay Priam. He or they can be professional on there work.He can work separately. Hindi naman napuputol ang pagiging professional dahil lang sa gender identity or sa sexual orientation. Pero ngayon sa mga nababasa ko sa social media inuulan ng harsh comments si Priam.

Tapos iyong mga na-link na babae sa kanya noon lumalabas na rin ang mga issues doon. Priam's debauchery before resurface. I wiped my tears while reading those mean and harsh comments. I knew that Priam has a reputation that he needs to take care of dahil isa siyang businessman. Isa siya sa kilalang businessman sa bansa. Pero di ko aakalain na dadating ang puntong ito. Nawala ang mga nagawang mabuti ni Priam. Nawala na ang mga nagawang mabuti niya dahil sa nangyayari ngayon. Namawawala ang respeto nila sa isang tao dahil sa bagay na ito.

Kahit na sinabi noon ni Priam na wala siyang paki sa mga sasabihin ng mga tao sa kanya. Paano naman iyong mga tao na umaasa sa kompanya niya? Paano naman ang mga taong nagtatrabaho doon sa kompanya niya. Ang mga pamilya nila.

Nag-ring ang cellphone ko. Tumatawag si Priam. Pinunasan ko ang luha ko at tumikhim.

"Hello."

"Kai, nag-lunch na ba kayo ni Nel?"

Iyong boses niya parang walang nangyayaring delubyo sa kompanya niya.

He Who Conceive |✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon