Chapter 7

50.8K 1.2K 215
                                    

Chapter 7: Stalker

Sobrang ikli ng binigay ni Tricia na skirt, hindi ako sanay ng ganito dahil hindi rin naman ako ni Kuya hinahayaan na magsuot ng ganito ka-iksing skirt. Sobra ang hiya at ilang ko kanina nang pumasok ako dito sa room. Nakatingin silang lahat sa akin at halos pasadahan na ako ng tingin. Nakakailang lalo na noong tumitingin-tingin sa akin si Phoenix.

Iba talaga ang tingin nitong si Phoenix, e, matutunaw ka talaga.

Panay ang sorry ni Harvey sa tabi ko pero hindi ko siya pinapansin. Naiiyak ako! May video sila habang tinatapunan ako ng slime. Mukhang balak pa yata nilang i-post at gusto talaga yata nila akong mapahiya.

Sobrang lakas ng tawa ni Harvey kanina, parang anytime ay gugulong na siya sa sahig tapos ay sorry lang? Traydor! Akala ko pa naman friends kaming dalawa. What a traitor! Parang ang sarap tuloy kantahin 'yong Traitor ni Olivia Rodrigo!

"Sorry, natawa lang talaga ako," mahina siyang natawa.

"Sorry na rin," ngiti ni Arvin, natawa pa.

"Darlene, sorry," sambit ni Dash. Hinatak niya si Harvey palayo sa akin para umupo.

Napairap ako sa kanila. Napansin kong tumatawa ang iba at may pinapanood, alam kong ako ang pinapanood nila!

Nag-palumbaba ako at sumimangot. Napagtripan na naman ako. Napatingin ako kay Phoenix na nasa pinto na nakatingin at nakangisi sa akin.

Nag-taas ako ng gitnang daliri sa kaniya. "Fuck you," bulong ko at sa tingin ko ay naintindihan niya.

Mas lalo lang siyang ngumisi, isang kindat lang ay parang natutunaw ako! Nakapamulsa siyang tumalikod paalis. Hindi naman ako makagalaw sa ginawa niya.

Ang lakas pa makangisi tapos ang lalaki na 'to! Malayo na nga ako sa kaniya! Lumipat pa! Nakakainis! Ang lakas niyang mang-bwisit.

Dumating ang Teacher namin pero wala pa siya. Kung kailan nasa kalagitnaan ng pagtuturo ay doon siya dumating. Diretso lang ang pasok niya sa likuran at walang pakialam sa Teacher.

Napagalitan siya pero parang wala siyang pakialam o wala talaga siyang pakialam. Hindi ko na siya pinansin.  Nakinig ako sa tinuturo nang may matutunan naman ako kaso kahit ano ang kinig na gawin ko ay wala dahil math ang subject! Ayoko ng math!

Uulitin ko, ayoko ng math! Ayoko.

Nakakailang scratch na ako. Hindi talaga ako nag-sosolve, nagsusulat lang ako ng mga kagaguhan sa papel ko.

"Ano ang ginagawa mo?" Tanong ni Harvey.

"Nagsusulat ng kung ano-ano."

"Akala ko pa naman nagso-solve ka. Kokopya sana ako." Napahikab siya.

Ngumiwi ako. Sa akin talaga siya kokopya? Baka maging zero ang score namin. Sinubukan ko i-solve 'yong nasa board kaso hindi kaya ng utak ko. I mean kaya naman hindi lang siya compatible ngayon.

Mabuti na lang at lumabas ang Teacher kaya makakasigaw ako ng hinanakit tungkol sa math. Ang sakit! Sobrang sakit sa ulo ng problema niya. Grabe ka math, ang dami mong problema tapos dinadamay mo pa ako.

"Putanginang math 'to! Lagi na lang may problema! Kingina!" Inis na sigaw ko kaya napatingin sila sa akin. "Tangina, ang sakit na ng ulo ko," dumukdok ako sa armchair. Pansin kong nanahimik ang mga hamog kaya nag-angat ako ng tingin. "Tingin-tingin niyo?"

Umiling naman silang lahat at humarap sa pisara. Dumukdok ulit ako at saglit na pumikit. May sagot na naman ako sa ilang numbers at may score na ako kung sakaling mag-check.

The Girl in Worst Section (Completed)Where stories live. Discover now