Chapter 9
Kai Pov
"Oh, yan tshirt magbihis ka." tinapon ko ang isang tshirt ko at shorts kay Priam na nakaupo sa sofa habang nagpupunas sa buhok niyang basang-basa sa ulan. Ang tshirt at ang shorts ay lumipad sa hita niyang nakabukas.
He leisurely check my tshirt and shorts. Tumaas ang kilay ko dahil sa ginawa niya. At bago pa siya makakomento pa ay nagsalita na ako. Nilagay ko sa baywang ko ang dalawang kamay ko habang taas pa rin ang kilay ko.
"Wag kang mag-inarte dito Priam. Wala ka sa pamamahay mo kaya kung ano ang ibibigay ko sayo ay yan na ang pagtiisan mo Lacsam-"
Nagpakawala siya ng hininga. "Kai," huminga ulit siya ng malalim. Bat ba parang nahihirapan ang taong ito! "Hindi lang makapaniwala-"
Naningkit ang noo ko at pinutol siya. "Hindi makapaniwala na ano!"
"God! Kai patapusin mo muna ako." argumento niya. "Hindi lang ako makapaniwala na makakasuot ako ng damit mo. Up until now," mahinang saad niya pero sa kabila ng malakas na ulan sa labas ay narinig ko pa rin iyong sinabi niya. "Pero wala bang mas malaki pa nito Kai?" Inirapan ko siya.
"Hoy! Lacsamana, unang una sa lahat wala ka sa pamamahay mo! Pangalawa, 'yan lang ang damit ko na pinakamalaki kaya pagtiisan mo. Saka kung ayaw mo, hala sige! Magtiis ka sa dyan."
"Kai, pwede mo namang sabihin sa akin na wala kang ibang tshirt na mas malaki pa dito. Pinapahaba mo lang sinasabi mo."
"Ah, papalag ka pa talaga-"
Pero hindi ko na matuloy ang sasabihin ko nang maghubad siya sa harap ko. What a damn scoundrel!
"Ano ba bakit ka naghuhubad dito may cr ako dito, oi!" Galit kong saad sa kanya.
"Kai, what's wrong? Puro tayo lalaki, kong ano ang may roon ako may roon ka rin. So what's wrong with that?" he argued.
"Magbibihis ka sa cr o aalis ka sa pamamahay ko!" pagpapapili ko sa kanya sabay tinuro ko ang pintuan na pinasukan niya kanina.
"Fine." pagsuko niya at pinanood ko siyang tamad na naglakad papuntang cr. Pagkapasok ni Priam sa cr ay agad akong umupo sa single na sofa. Pinugpog ko ang tuhod ko dahil nanginginig iyon. What the fuck! Katawan lang iyon. Ganun din ang katawan ko nga lang wala akong katawan na may pandesal. Napa-ismid ako sa sarili ko. Maputi pa nga ako doon, e.
Iwan ko ba kung bakit kapag nakikita ko si Priam ay basta na lang kumakabaog ang ang puso ko. Siguro dahil iyon sa galit. Oo, sa galit siguro. Nang kumalma ang panginginig sa tuhod ko ay tumayo ako at pumunta sa kusina. Habang wala siya ay naisipan kong pagtimplahan siya ng kape. Ang lakas pa rin kasi talaga ng uwan. Kanina ang init-init tapos biglang uulan ng ganito. Tamang-tama naman ng paglabas niya doon sa cr ay nakaupo na ako at ang kape niya na tinimpla ko ay nasa kahoy na center table.
"Iyan kape." nginuso ko ang kape.
"Para sa akin..." panatanong na saad ni Priam sa akin.
"Malamang sa malamang." pilosopong sagot ko sa kanya.
"Thank you." pasasalamat niya ako kinuha ang tasa ng kape. Ingat na ingat siya doon.
Tumango lang ako sa kanya. Nakatingin ako kay Priam habang hinihipan niya iyon kape. Pero ako na ang napangiwi sa kanya ng makita ko siyang ngingiti habang hinihipan niya iyong kape. Jesus! Nababaliw na ba itong Lacsamana'ng ito. Sana pala nilagyan ko ng lason iyong kape niya! Anong nginingiti ng lalaking ito! Pinagtatawanan ba ako nito? Pinagmasdan ko ang tshirt ko na hapit na hapit sa katawan niya tapos iyong short ko na mahigpit din sa kanyang hita mabalahibo. Ang laking tao naman nito!
BINABASA MO ANG
He Who Conceive |✔
General Fiction[BxB, MPREG] An ordinary night but turned out to be the nightmare of Makaio when unexpected thing happened. He slept with her stepsister's ex-boyfriend. But what shocked him the most was the news that he is pregnant. WARNING: Contains strong languag...