Before you read this chapter, just check first for the third installment of this series. Entitled LAST NIGHTFALL. HOPING FOR YOUR SUPPORT![Kabanata 27]
ANG mga sinabi niya, hindi ko makuha. Anong ibig niyang sabihin na siya mismo ang may pakana ng lahat kung bakit nangyari ito lahat sa 'kin.
Anong pakana? Anong siya ang dahilan?
“Cine, gising na!” Agad kong naimulat ang aking mga mata ng marinig ang sigaw ni Mama. Napabalikwas ako ng bangon at agad sinuyod ng tingin ang kabuuan kung saan ako naroroon.
Bakit ako nasa kwarto ko?
Ang natatandaan ko ay nasa bubongan kami, kasama si Vince. Hindi ko na rin matandaan ang mga sinabi niya. Pero may konting parte naman ako, na natatandaan sa sinabi niya. 'Yung huli nga lang.
Ano ang iyong kahilingan?
Anong ibig sabihin niya no'n?
Ano siya, genie? Parang gusto niya ayang tumira sa fantasy.
Pinili ko na lamang na iwaglit 'yon sa aking isipan at nag-ayos na lang sa sarili. Kinuha ko ang ibang gamit na gagamitin ko sa pagligo. Pagkatapos ay dumeretso na ako sa banyo, pakanta-kanta pa akong naligo.
Pagkatapos ng lahat, agad akong bumaba sa sala. Naabutan ko si Mama roon na may kausap. Nang tuluyang makababa. Parang gusto ko na tuloy bumalik sa aking kwarto.
“Cine!” Tawag nito sa 'kin nang makita ako. Agad ding nabaling ang tingin ni Mama sa 'kin. “Narito na pala si Francine, sige ingat.” Tinapik niya ang balikat ni Kirby at tiningnan ako. Pero hindi naman nagtagal 'yon at dumeretso na siya sa kusina.
“Anong ginagawa mo rito?” Mariin kong tanong sa kanya, ramdam kong natigilan siya. “Have you forgotten? First day of class natin ngayon, tapos hindi ka pa kumain ng breakfast.” Ngumiti ito sa 'kin na ikinagulo ng aking isipan. First day of class?
Malapit na nga ang closing ceremony namin, tapos first day of class? Ginagago ba ako nito?
“At saka, bakit hindi ka naka-uniform?” Taka niyang tanong habang sinuyod ng tingin ang suot ko, natural pambahay ang suot ko kasi akala ko walang pasok. Tapos sasabihin niyang first day of class ngayon?
“Pwede bang tumigil ka sa kakatanong. Ang aga-aga, nakakairita.” Mainit ang ulong tugon ko.
Narinig ko naman ang tawa na mas nakapagpataas ng dugo ko. Nagmamaang-maangan lang ba siya at nagpapanggap na wala siyang nagawang kasala — oh, wait. Ibig sabihin, kung bumalik ako sa time na first day of class pa so malayo pa 'yong time na sinaktan niya ako.
So it means, hindi niya maalala ang ginawa niya sa akin?
“May nagawa ka bang kasalanan sa 'kin?” Pagtatanong ko sa kanya na ikanatigil niya. “Like?” Naguguluhang tanong nito sa 'kin.
“Nevermind.”
Hindi ako pumayag na pupunta sa school na walang breakfast. Gugutumin ko lang ang sarili ko. Kaya sumabay na rin siya sa pagkain, kaso pa-special siya. Cereal kasi ang kinain niya, pati fresh mil ko kinuha. Kung naalala lang niya ang ginawa niya sa 'kin, kanina ko pa siya pinaalis.
Magkasabay kami ngayong naglalakad papunta sa school. Kahit na naninibago ako na kasama ko siya, ilang months na rin kasi no'ng nakakasama ko siya.
Pero, to be honest. Parang naniniwala na ako na may kumokontrol sa 'min. Bakit naman sa kakilala o sa akin mismo lang nangyayari ang mga gan'to. Kung pinaglalaruan ako, anong nakain niya para gawin 'to lahat?
Baka kapag makita ko si Vince sa school, masasagot lahat ng katanungan ko. Tama!
Agad akong nagmadali sa paglalakad at panay naman ang reklamo ni Kurba sa 'kin. Bakit daw ako biglaang nagmadali.
Wala na akong time para makipagdaldalan sa kanya. Wala na rin siyang pakialam sa mga whereabouts ko. Sino ba naman siya? Bestfriend ko? Hindi na feel. Simula ng lahat, nawalan na ako ng gana na makasama siya.
Parang ang hirap magtiwala muli sa taong sumira ng tiwala mo.
It's hard to trust again, after them breaking your heart.
Hindi gano'n kadali. Hindi kasi pwedeng bumalik ka na naman sa past tapos paniniwalaan mo na naman siya. Nakalimutan ko na rin palang tanungin si Mama kung totoo bang first day of class namin ngayon, pwede ko namang itanong sa mga kaklase ko kung totoo ba.
Nang nasa gate na kami. Hindi ko na binalingan si Kurba at dumeretso sa classroom namin. Hindi ko naman siya kailangan ngayon. For those months that passed, parang nasanay na rin akong wala siya.
Pero dumepende na rin naman ako sa ibang tao, hindi nga lang si Kurba kundi kay Vince. Pero isa rin siya, hindi ko rin siya makuha minsan. Pati na rin sa sinabi niya, kailan ba 'yon nangyari?
Feel na feel ko talaga na totoong nangyari 'yon, pero ang ibang details hindi ko maalala. Alam ko ring bumalik na naman ako sa past pero hindi sa kinaunahang panahon. Kundi sa lifetime ko naman.
Hingal-hingal akong napasandal sa lintuan ng classroom namin. Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga, nag-enhale at exhale rin ako para bumalik na ako sa normal breathing. Pagkatapos agad akong pumasok sa classroom at hinanap si Vince.
Na-realize ko rin na hindi pala 'to ang classroom namin. Nasa taas pa pala, sa kakaisip ko hindi ko napansin. Shet, nakakahiya. Agad din akong umakyat papunta sa taas.
Nakasalubong ko na naman si Arra pero hindi ko na siya napansin. Pansin ko rin na para itong naiirita. Namumula rin ang mukha niya. Ang aga pa naman, ah?
Nang makapasok sa room ay prenteng nakaupo si Kurba sa kanyang arm chair. Pinagtaasan ako nito ng kilay.
“Ba't ang tagal mo?” Nang-uusisat na tanong nito sa 'kin pero hindi ko siya pinansin at sinuyod ko na lang ang bawat sulok ng classroom. Bakante ang upuan kung saan dapat si Vince.
“Ito ang section natin, hindi ka rin tumingin sa list. Alam mo na bang dito ang classroom natin?” Kuryoso nitong tanong sa 'kin, hindi ko namalayan na lumapit na pala ito sa 'kin. Hindi ako nakasagot, gan'to na ba ako kahalata?
Naka-focus din kasi ako para malaman ang katotohanan kaso hindi rin pala ako naging maingat sa mga ginagawa ko. Dapat pala na maging maingat ako, habang inaalam ang katotohanan.
“Ah, may nakapagsabi lang sa 'kin.” Napakunot ang noo nito sa 'kin at tumawa. “Wala akong alam na may kaibigan ka na pala, bukod sa 'kin.”
Sa loob-looban ko, gusto ko na siyang sapakin. Parang nandidiri na ako kapag nakakausap ko siya, e. Naaalala ko lahat ng mga ginawa niya sa 'kin. Pero wala akong magagawa.
Wala rin akong maisip na dahilan kung bakit ako bumalik sa past. Pero, kung bumalik ako sa past at wala si Vince. So posible na namang nasa present siya ngayon?
Nawala lahat ng mga tanong sa aking isipan ng makita si Vince na papasok pa sa classroom. Agad ko naman siyang nilapitan pero natigilan ako ng makita ang mukha niya, para siyang namumutla.
Hindi niya rin ako pinansin at nilagpasan na lamang. Wait, hindi ko na talaga alam ang mga nangyayari.
Vince, sino ka ba talaga?
I know votes and comments aren't that important but can you tap the star and leave a comment? Thanks in advance!
BINABASA MO ANG
Last Requiescence | ✓
Historical FictionLast Series #1 | COMPLETE Si Francine Paglinawan ay isang babaeng nag-aaral pa lamang sa haiskul, pero ang hindi niya maintindihan kung bakit palagi na lang siyang dinadalaw ng mga panaginip na hindi niya alam kung anong koneksyon nito sa kanyang bu...