CHAPTER 6

41.3K 1.7K 239
                                    

Chapter 6


Kai Pov

Sa gabing iyon ay umiyak ako ng umiyak hindi ko kasi matanggap ang sinabi sa akin ni papa. Hindi ito pwede lalaki ako kaya papaano ako nabuntis? Tapos isang beses lang naman siguro ang nangyari sa amin ni Priam. Pumasok sa isip ko ang mukha ni Priam. Naiumpog ko ang ulo ko sa unan ko. Dahil ito sa kanya. Pero naisip ko... kasalanan ko rin. May kasalanan din ako dahil kung hindi ako pumunta doon wala sana ito. Kundi dahil sa kagustuhan kong makaalis dito sa bahay ay hindi sana ako magkakaganito.

Pero hindi ko naman alam na may mangyayari pala sa amin at si Priam pa! Tapos hindi ko rin alam na maaari pala akong mabuntis, na isa pala akong bearer. Noon sa klase namin nung highschool ay may narinig akong kwento sa teacher namin na may mga lalaki daw na pupwede daw'ng mabuntis pero tinawanan lang namin iyon. Dahil alam kong imposible na mabuntis ang mga lalaki. Sabi ng teacher namin bearer daw ang tawag sa mga lalaking may kakayahang magdalang tao. Minsan din daw ay tinatawag itong mga blessed man o miracle man pero mas kilala ang mga lalaking nabubuntis sa tawag na bearer. Pero isang araw daw ay pinagpapatay ang mga bearer pagdating ng mga espanyol sa bansa noong 1521 dahil mga anak daw sa demonyo ang mga lalaking ganoon. Dahil ang babae lang daw ang may kakayahang magbuntis.

Kaya mula noon nagtatago na daw ang mga bearer at kapag nahuhuli daw ay walang awa itong pinagpapatay na parang mga hayop. Kaya mula noon ay unti-unti nang nawawala ang mga bearer at naging tahimik na ang mga ito hanggang sa kasalukuyang panahon ay parang naging mitolohiya o gawa-gawa na ang mga bearer.

Hindi ko alam na ako pa mismo ay isang bearer. Tapos ako ay isang anak ng isang bearer. Si papa Gino ay isang bearer at ako ang naging anak niya. Hindi pala totoo ang sinasabi niya na namatay ang ina ko sa panganganak sa akin. Alibi niya lang iyon.

"Makaio, hindi... hindi totoo na namatay ang ina mo dahil sa panganganak niya sa iyo." Ani ni papa matapos niyang sabihin na maaari daw akong mabuntis.

Pinalis ni papa ang luha sa pisngi niya at ngumiti sa akin. "Siguro dapat mo nang malaman Kai na... na isa akong bearer. Ako ang nagbuntis sa iyo, Kai at ang nagdala sa iyo sa loob ko ng siyam na buwan."

Tinanong ko si papa kung sino ang ama ko pero sabi niya ay isang koryano daw. Hindi rin niya naman sinabi sa akin kung ano ang pangalan. At hindi ko na rin pa inungkat iyon dahil ang nalaman ko ngayon ay halos ikamatay ko.

Gusto kong sisihin din si papa na hindi niya sinabi sa akin ang katotohanang ito dahil kung siguro alam ko ito baka hindi ito nangyari. Pero wala na akong magagawa. Nandito na. Hindi pa man kumpirmado pero alam ko na... nararamdaman ko na na buntis ako. Dahil sa mga nararamdaman kong mga sintomas. At sa kasamaang palad maaaring si Priam pa ang ama. Siguro tamang sabihin na siya talaga ang ama.

Ngayon ay nasa harap kami ni papa sa isang obstetrician clinic. Malapit ng mag alas otso at kinakabahan ako dito sa labas ng clinic. Katabi ko si papa. Hinihintay kasi namin ang obstetrician maaga kasi kaming bumyahe dito ni pala. Pagkaalis sa bahay nina Jia at tita Jade ay umalis din kami ni papa at pumunta dito sa clinic.

"Wag kang kabahan anak." Si papa at hinawakan ang kamay ko.

Tumingin ako kay papa na ngayon ay pilit akong nginingitian.

"Alam kong mahirap tanggapin iyan anak. Pinagdaanan ko iyan pero kinaya ko. Kaya nga gusto ko na bantayan ka, kaya ayaw kong umalis ka ng bahay pero nangyari pa ito. Nangyari pa ang kinakatakutan ko. Ayaw ko na magaya ka sa akin Makaio pero nandya-dyaan na iyan... kung... kung gusto mong ipakuha iyan hindi kita pipigilan anak."

"P-pero pa wala pa naman pong kasiguraduhan na buntis ako."

"Sa sinabi mo at nasaksihan ko kahapon anak. Sapat na iyon. Sapat na iyon para masabi kong buntis ka nga..."

He Who Conceive |✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon