Going to eight months na si Klea. Itinigil ko na yung pag-b-breast feed sa kanya. Kailangan ko kasi talagang magtrabaho para masuportahan lahat ng pangangailangan niya.
Sakripisyo lang talaga.
Mahal na mahal ko si Klea kaya lahat ay gagawin ko maibigay ko lang lahat ng kailangan niya. Alam ko namang hindi siya pababayaan ng pamilya ko dahil kagaya ng pagmamahal ko kay Klea, ganoon din siya kamahal ni Mama at ng mga kapatid ko.
Finally, nakabalik na ako sa pinagtatrabahuhan ko noon. Ok naman ang pagtanggap nila sa akin. Kaya lang naninibago ako kasi namimiss ko ang anak ko. Wala naman akong magagawa kasi kailangan talaga na lumayo ako. Lahat naman ng ginagawa ko ay para sa kaniya. Alam ko naman na hindi kami pababayaan ni Lord. Alam kong may magandang plano siya para sa aming mag-ina.
June 30, 2013. Umuwi ako pero nalulungkot ako kasi naman ayaw sumama sa akin ni Klea. One week lang iyon ha. One week lang akong nawala pero gusto niya na palagi sa Lola niya.
Akala siguro niya ay si Mama ang Mommy niya. But days passed, thankful ako na back to normal na ulit kami ni Klea. Bonding namin everyday at sobrang saya noon.
Siguro kapag lumuwas ulit ako ay hahanapin na naman niya ako. Ang hirap umalis pero no choice ako.
Through God, hindi ko maramdaman na nasasaktan ako. Parang manhid? Ganoon. Siguro ay dahil nakasanayan ko na yung ganitong buhay. No lovelife at all. Happy ako kasi meron akong work tapos napapasaya pa ako ng mga ka-trabaho ko. I feel so blessed kasi ang ganda ng plano ni Lord para sa akin. Sobrang thankful ako sa lahat ng blessings na dumarating sa buhay ko.
I guess, hanggang dito na lang muna.
This is The End for now.
YOU ARE READING
My Almost | ✓
Non-FictionShe loves adventure and thrill. He's hard to love and that's the thrill. She gave everything she had for him. He's almost her man, but she doesn't deserve him. This is a true story of a teenage girl who fell in love with a wrong person.