Chapter 29

26.5K 680 183
                                    

Chapter 29

Bidding

Dama ko ang kaba ng bawat isa sa amin. Anim kaming mga babae na parang isda sa palengke na naka-display sa stage. Pinagmasdan ko ang mga suot nila na halatang kompara sa akin ay napaghandaan talaga. Tanging ako lang ang nakasuot ng leggings dahil pawang naka-dress ang mga kasamahan ko. Makakapal pa ang make up ng iba!

Ngayon ay nagsisisi na ako. Dapat talaga ay nagmadali na akong umuwi nang marinig ang panimula noong emcee patungkol sa 'Traditional Date Auction' ng bayan. Ayon sa mechanics na pahapyaw ko lang na pinakinggan, may kalayaan ang kung sinumang single na lalaki sa loob ng cultural center na mag-bid para sa isang date ng mapipili nilang babae.

I could not help myself but feel...cheap. Lalo na ngayon habang pinakikinggan ang emcee na naglilitanya at mistulang nagtitinda ng produkto.

"Lily likes to play badminton. She also likes long walks on the beach," pagpapakilala niya sa unang babae. Alam kong nag-iimbento lang siya ng mga sinasabi tungkol sa profile namin dahil impromptu lang naman ang nangyaring pagpipili sa amin para lumahok. Lalo na sa akin dahil hindi ko naman alam na may tradisyon pala silang gaya na lamang nito. Hindi lang ako sigurado sa iba kong kasamahan dahil sa kanilang mga ayos ay parang nakapaghanda naman.

"Kaya ano na, Gentlemen? Simulan na ng bidding!"

I so badly wanted to cringe. I had attended some product auctions in the past, noong namamahala pa ako ng negosyo ni Papa. Magkaiba nga ang sitwasyon doon kumpara rito dahil sosyal iyon. Nirerespeto ko naman ang paraan ng pa-auction nila dahil na rin sa alam kong maliit na bayan lang ito pero...seryoso ba talaga ito?

"Fifty pesos!" Dinig kong sigaw ng isang lalaki sa harapan.

Napangiwi ako. Seryoso? Anong date iyan? Kwek-kwek?

"One hundred pesos!" sigaw ng isa pa.

"Two hundred!"

"Two hundred fifty pesos!"

"Sold!" sigaw ng emcee.

Medyo lumakas ang loob ko habang nagpapatuloy ang bidding dahil sa presyohang naririnig. Kaya ko naman yata ito. Ang sabi nga ni Lyn ay maski 500 pesos lang, okay na.

Bigo akong nagbaba ng tingin sa suot na oversized tshirt. May magbi-bid kaya sa akin nito? Maski 300 pesos lang? Kung alam ko lang na ganito pala ang mangyayari eh sana nakapag-ayos man lang ako!

Bumalik ulit ang kaba ko nang ipinakilala na ang babae sa gilid ko. Ang bilis ng pangyayari! Tiyak na ako na ang susunod nito. Medyo maganda siya kaya na rin siguro two thousand ang pinakamalaking nag-bid sa kanya. Dahil sa tuwa ay napatalon-talon pa siya.

Mabilisan kong inayos ang buhok nang sinimulan na ng emcee ang pagpapakilala sa akin.

"The last but not the least, our lovely Rose!" Tumindig ang balahibo ko sa uri ng bulaklak na ipinangalan niya sa akin.

"Rose is very adventurous. She likes skydiving, bungee-jumping," dugtong niya na kung naka-heels lang ako ay baka natapilok pa. "Sino ba naman ang ayaw ng isang date kay Rose, hindi ba mga kabayan?!"

Okay. Please, bid for me. Please bid for me. I silently prayed. Nakakahiya kapag wala man lang ni-isang mag-bid, Diyos ko!

The Accused MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon