FIXED THE BROKEN SOUL
PROLOGUE
Mula sa di kalayuan ay tinatanaw ko ang isang lalaking nakaupo sa harap ng bartender stool dito sa bar. Halatang wala na sa wisyo ang lalaki dahil sa pag gewang ng katawan nito sa tuwing nagtatangka itong tumayo. Kanina ko pa siya napapansin mula pa pagpasok ko dito. Hindi ko alam pero sa kanya agad napokus ang paningin ko mula ng pumasok ako. Nakaitim itong tuxedo at nakalilis ang banda sa dulong braso. Gulo gulo ang buhok at halatang may pinagdadaanan.
Sinimsim ko ang hawak kong mojito habang hindi inaalis ang tingin sa lalaki.
Nakita ko itong tumayo at pasiring siring na naglakad, tinungo nito ang labasan ng bar at tuluyan ng nakalabas. Hindi naman ako nagdalawang isip na sundan ito kahit hind naman dapat, nakaramdam kasi ako ng pag aalala para rito. Mabilis kong inubos ang iniinom ko at dali daling lumabas para sundan ang lalaki.
Hindi ako nga nagkamali. Nakita ko itong nakasandal sa isang itim na sasakyan at halatang hindi na kayang gumalaw o alalayan pa ang sarili. Malamang sa malamang ay hindi na nito kaya pang ipagmaneho ang sarili dahil sa lagay niya. Sandali kong inilibot ang mga mata sa paligid, madilim at maraming tambay sa tabi, kung iiwanan ko siya rito ay tiyak kung mapagdisiskitahan siya ng mga iyon.
Hindi na ako nag dalawang isip na lapitan sya.
Tumikhim muna ako dahilan upang maagaw ko ang atensyon niya.
Unti unti syang nag angat ng tingin habang namumungay ang kanyang mga mata. kahit medyo madilim dito ay kitang kita ang mahahaba nyang mga pilik, mapupulang labi at matangos niyang ilong. Napailing naman ako.
" Nica!" Namamaos ang kanyang boses habang may binibigkas na pangalan. Pangalan na hindi pamilyar sakin.
" Nica, Please don't leave me, Choose me please, I love you, please stay," May pagmamakaawang sambit nya.
Dahil sa mga narinig ko hindi ko na kailangang isipin kung bakit sya naglasing ng subra. Broken hearted, Hindi ko akalain na sa panahon ngayon ay may lalaki pa palang iiyak dahil sa isang babae.
" Hey! Are you alright?" I asked him pero wala akong narinig na tugon muli rito senyales lang na nakatulog na ito. Nilibot kong muli ang paningin sa lugar, delikado dito at baka mapagtripan pa ito ng lasing kaya nagpasiya akong iuwi muna siya dahil hindi ko rin naman alam kung san siya nakatira. Muli kong tiningnan ang lalaki, hindi ko siya kilala pero may parte sa puso kong nagsasabi na dapat tulungan ko siya.
" Aray!" Napaigik ako ng mauntog ang ulo ko sa sasakyan ko habang ipinapasok doon ang lalaki, subrang bigat nito at pakiramdam ko ay mababalian ako ng mga buto, Isinuot ko ang dalawang paa nito paloob. Nakahiga ito sa backseat ng aking sasakyan, pakiramdam ko tuloy ay gumagawa ako ng krimen dahil palinga linga ako sa paligid at tinitingnan kung may nakakakita sakin. Napabuntong hininga ako, nag aalala kasi ako kung sakaling may mangyaring masama sa kanya, nakakakonsensya naman.
Umikot ako sa driver seat at nag umpisang magmaneho.
Pagkarating sa condo ay tinawag ko ang security guard para magpatulong sa pagbuhat. Inalalayan nya ako sa lalaking ito hanggang sa bukana ng condo ko.
Pinunasan ko lang ito at hindi na pinaltan ng damit. Siguro naman ay sapat na ang pag uwi ko sa kanya para hindi sya mapahamak at saka ang akward nun para sakin.
KINABUKASAN ay maaga akong nagising dahil may pasok ako sa opisina. Isa akong accountant manager sa Galvez Company.
Binisita ko ang guestroom at nandun parin ang lalaki habang nakadapa. Hindi ko man aminin ay halata ay maganda nitong pangangatawan dahil bakat sa t shirt nya. Tinagkal ko kasi kagabi ang tuxedo nya at tanging t shirt lang ang itinira para mas maging komportable sya. Iniwan ko na ito at nagtungo sa kusina.
Nagluto ako ng agahan at nagtimpla ng kape. Gusto ko mang gisingin na ang lalaki kasi paalis pa ako ay inaatake naman ako ng hiya.
Habang sumisimsim ng kape ay narinig ko ang mga yabag mula sa hagdan . Nagmumula ang mga yabag na ito sa estrangherong lalaking dinala ko dito kagabi, tumayo ako at lumabas ng kusina.
Nakita ko syang naglalakad na pababa ng hagdan .
" Hey!" tawag ko sa atensyon nito.
"Are you alright? Kumain ka muna. Saka ko ikukuwento kung bakit ka narito," Bahagya kopang ikinaway ang mga braso ko at bahagyang ngumiti sa kanya.
Bumaling lang ito sakin bago dire diretong lumabas ng condo ko. Naiwan akong nakanganga at napasapo nalang sa noo.
" Ay ganun? Wala man lang ' Thank you' kahit labag sa loob," Umiling iling ako bago bumalik sa kusina, ano pa nga ba ang aasahan ko.
Tinagkal ko na sa isip ko ang lalaki tutal ay hindi ko naman siya kilala.
_____
Naiiyak akong tumingin sa kanya"Alam mo yung masakit? Iyon ay yung ako yung palaging nandito pero hindi mo ako magawang piliin, binuo kita eh, binuo kita noong mga panahong wasak na wasak ka pero hindi ko akalaing yung taong binuo ko ang siya ring wawasak sakin, ang sakit pala,"
I fixed him.. I fixed his broken soul.
A/N: Hi guys, this is my new story. Kung saan tatawa kayo.. Malulungkot.. Iiyak at masasaktan....Suportahan nyo po sana.
Comment NEXT !!
Vote and share
If you have a time visit my other works
BINABASA MO ANG
Fixed the broken heart
RomanceLexella is a loving daughter and a simple woman who works as a financial accountant at Galvez Company. David Galvez, on the other hand, is a serious, jaw dropping and handsome man who many women admire. He hasn't had a girlfriend since breaking up w...