C H A P T E R 1 6
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━Iika-ika ako naglalakad sa walang katao-taong hallway. Sabi ko na 'nga ba eh. Ganto talaga ang mangyayari saakin.
"Teka lang saglit pahinga," sabi sa sarili at naupo mismo sa kalagitnaan ng hallway. Wala na akong paki kahit pa may dumaan, sila na mag adjust saakin.
Isang linggo na ang nakalipas. At sa isang linggo na iyon ay sobrang daming nangyari. Puro photoshoot buong hapon at tuwing gabi naman ay umaatend ako sa acting school. At kapag may free time naman ako ay gumagawa ako ng sculpture, kumbaga stress reliver ko iyon.
"Miss!"
Napalingon ako sa likod ko. Nanlaki ang mata ko ng makita ang malaking mega box na nakalutang at babagsak sa pwesto ko.
Sa sobrang bilis ng pangyayari ay tanging nagawa ko lamang ay pumikit at damahin ang sakit na matatamo ko dito.
Ngunit napadilat na lang ako ng wala na akong narinig na anumang ilaw. Nanigas ako ng makitang sobrang lapit namin ng lalaking 'to sa isa't-isa.
Nakatitig lang ito saakin kaya kahit ayaw ko ay napatitig na rin ako dito. Ngayon ay malinaw saakin na may grado ang salamin nito at hindi ito dry skin. May maliit na pimples din ito sa noo ngunit nahalata ko na fake lang ito.
Hindi ko maiwasang magtaka. Bakit kailangan niyang gumamit ng ganyan? May tinataguan ba siya? O sadyang trip niya lang mag ganyan?
"Are you okay, miss?"
Napakurap ako ng ilang beses ng marinig ang influence niyang boses. Halatang sanay na sanay na ito mag english ngunit kung makikita ang pisikal na anyo niya ay masasabi kong pang-mahirap ito.
"Are you done checking me?"
Napa-angat ako ng tingin sakaniya. Ng magtama ang mga mata naming dalawa biglang kumabog ng mabilis ang puso ko na para bang kakawala ito ano mang oras sa dibdib ko.
Napalunok ako ng ilang beses saka tumango. Ngayon ko lang napansin na nakayakap pala siya sa bewang ko dahil para tumaas lahat ng balahibo ko sa katawan.
Dapat ay itutulak ko siya at makakaramdam ako ng pagka irita sakaniya. Ngunit bakit parang mas gusto kong naka dikit lang ang mga makikisig niyang braso sa bewang ko.
Ngayon ay naiirita na ako sa sarili ko. Imbis na humiwalay na ako agad sakaniya ay pinagpapantasyahan ko pa siya.
Nagpekeng umubo ito kaya agad na akong tumayo. Napangiwi na lang ako ng maramdamang kumirot ang paa ko. Napansin ko na naka heels pa pala ako.
No hesitation, I took off my heels. I feel the coldness of where I stand but I just ignore it.
Nakita kong pinipulot niya ang mga nalaglag na gamit kaya tinulungan ko na siya.
"Sorry, nakaharang kasi ako doon. Sana hindi na nalaglag yan." Nakagat labi ko sabi. Sa totoo lang gusto kong sampalin yung sarili ko dahil sa inasal ko.
Akala ko ba sila mag aadjust? Bakit ako ngayon yung naga-adjust? Just wow Finley.
"It's okay but-" He looked down to my feet. "-Barefoot?" He looked up at me. "Ngayon lang ako nakakita ng isang modelo na nakapaa."
Isinipit ko ang buhok ko sa likod ng tenga ko. "At least I'm unique."
Tumawa lang ito. Hindi ko maiwasang mabighani sa mala tiles ang puting ngipin niya. Hindi ko na matukoy kung mahirap siya o mayaman.
"Anong trabaho mo dito?" Bigla naman ito napatigil sa pagtawa at tumitig saakin.
Napalunok ako ng maramdaman ang panglalambot ng tuhod ko sa hindi malamang dahilan. Ano na namang nangyayari saakin aber?
Tinaas nito ang hawak. "I'm personal assistant." Napatango ako, ngunit kumunot din ang noo.
"Eh bakit mukhang mayaman ka?" Bigla namang kununot ang noo niya saka tinignan ang sariling damit.
"Mukha pa ba akong mayaman?" Takang tanong nito. Napa palakpak naman ako ng malakas saka nginisian siya.
"So mayaman ka talaga?" Namewang ako sa harap niya at mas lalong nilawakan ang ngisi. Napakamot naman siya ng batok saka tumingin sa paligid na para bang nagmamasid.
"I will explained to you." Binaba niya ang hawak na box. Nanlaki na lang ang mata ko ng bigla niya akong hawakan sa wrist at hinila kung saan.
Imbis na magpumiglas ay hinayaan ko lang siya na dalihin kung saan. Hindi ko lubos maisip kung bakit ako nagpapahila sakaniya. Dati naman ay ayaw na ayaw kong may humihila saakin at mas lalong hindi alam kung saan kami papatungo. Ngunit itong lalaking 'to ay hinayaan ko lang na hilahin ako kung saan. What's wrong with me!?
Natagpuan ko na lamang ang sarili ko na nasa garden. Binitawan niya ang wrist ko saka hinawakan ang magkabila kong balikat, saka pinaupo sa bench.
Napatitig na lang ako sa ginawa niya. Ngayon ay nakatingala ako sakaniya dahil nanatili itong nakatayo. Pati na rin ang dalawang palad niya ay nakalapat sa magbila kong balikat.
Sa hindi malamang dahilan bumalik na naman ang malakas na kabog ng dibdib ko. Napalunok ako ng ilang beses ng makitang nakatitig lang ito saakin na para bang sinusuri ang bawat sulok ng mukha ko.
Hindi ko maiwasang makaramdamn ng hiya at pagkabalisa kung meron bang dumi ang mukha ko or may pimples ba ulit na tumubo? O kaya dry face na ko. Dati pa naman ay hindi ko kinahihiya ang sarili kung may kung ano d'yan sa face ko.
But now, I don't know.
"Can you help me?"
I blink many times. "W-What kind of help?"
Gusto kong sapakin ang sarili dahil nautal pa ko doon. He just asking! Why do you need to stutter, Finley!?
Umupo na siya sa tabi ko kaya awtomatikong iniharap ko sakaniya ang katawan ko. Bumuntong hininga ito saka diretsyong tinignan ako.
"Make me look like a poor man." I blink many times. Why did he need to do that?
"Bakit kailangan mong gawin yun?" takang tanong ko sakaniya. Mukhang ayaw niya pa sabihin kaya tinaasan ko siya ng kilay.
"Why would I explain to you t-"
"You should explained to me why do you need to look like a poor man. Mamaya may masama kang balak kay Lovie eh. Am I right? P.A ka niya d'ba?"
Napipilitang tumango ito, saka pagod na sumandal sa sandalan ng upuan.
"Fine. I will explain to you."
BINABASA MO ANG
Chasing You (Complicated Life Series #5)
Teen FictionIsang dalagang halos tingalain ang sarili. Ika 'nga niya "Mamatay ka sa sarili mong kagandahan bago mamatay ang ibang tao sa kagandahan mo." Pinangako niya sa sarili na uunahin niya muna ang career bago ang love life. Ngunit sadyang sinusubukan siya...