C H A P T E R 3 4
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━Nanlilisik ang mga matang tinignan niya ako. "How dare y-"
"Wag mo kong sinisigawan!" Hinabol ko ang sariling hininga dahil sa malakas na pagsigaw. Parang nagging speaker ang boses ko dahil doon.
Natigilan siya pati narin ang dalawang lalaki na katabi ko na para bang hindi inaasahan na sisigaw ako ng ganun kalakas. Ngayon lang nila ako makikitang sumigaw sa buong buhay ko.
"Hindi na ako batang walang kamuang-muang para sigawan niyo ako!" gigil na sabi ko. Bigla itong ngumisi dahlia para mas gusto ko siyang saksakin diretsyo sa puso.
"Oh, hindi na pala ikaw yung Callista na dati ko sinasaktan at sinisigawan. Nasaan 'nga pala yung walang kwenta mong tita at ku-"
"Wag na wag mong babangitin dito si kuya!" Hindi ko na pinigilan ang sarili ko. Kinuha ko ang baril na nakapa ko kanina kay lolo na nasa tagiliran niya at agad pinutok sa hita niya.
Alam kong masama ang nararamdaman ko ngayon ngunit satisfied na satisfied ako ngayon ng makita siyang nahihirapan. Sa katunayan ay kulang na kulang pa 'nga iyan sa dinanas naming noon sa kamay niya.
"Fuck!" Sinapo nito ang tinamaan ko upang tumigil ang pagdudugo. Nanlilisik ang matang tiig niya ako.
"Napaka walang kwenta mong bata! Dapat sayo ay pinapatay!"
Tumigil ang paghinga ko ng lumabas sa bibig niya ang salitang iyon. Parang nag slomo ang pagbuka ng bibig niya. May sinasabi pa ito na kung ano ngunit wala akong naririnig dahlian ng tanging naririnig ko lang ay ang mga sigaw ko dati.
"Tama na po, nasasaktan ako."
"D'ba ang sabi ko sayo na huwag mong gagalawin ang phone ko!"
"Tama na po, tito. Nagugutom na po kasi ako kaya kinuha ko ang phone niyo para tawagan si ama."
"Patay na ang walang kwenta mong nanay! Kaya wag kang aasa na buhay pa siya!"
Umiling-iling ako. No, hindi pa patay si mama. Pinangako niya na babalikan niya kami ni kuya.
"Hindi pa siya patay!" Pinutok ko kung saan ang baril. Wala na akong paki kung sino ang matamaan, ang gusto ko lang ay mapatay ang kaharap ko ngayon.
"Yung nanay mo ba ang tinutukoy mo, Honey?" Nanlisik ang mata ko ng tanungin niya iyon.
"Tumigil ka na Hando! H-"
"Alam mo ba kung bakit ka binigay ng nanay mo sa tita mo?" nakngising tanong nito. Bigla akong nilukob ng kaba, lumunok ako upang mawala ang kung anong laway na bumara sa lalamunan ko.
"B-Bakit?" Pahina ng pahina nag boses ko.
"Dahil wala kang kwentang anak, palamunin ka lang sa buhay niya at sa-"
"Tumahimik ka Hando!" May narinig akong putok ng baril ngunit hindi ko na iyon pinansin. Nakita ko ang imahe ni Mama na nakangiti saamin ni kuya habang nasa lap niya.
Imposible, hindi kami pabigat sakaniya. Ang sabi niya ay kami ang liwanag sa madilim niyang buhay, ganun din ang sinabi saamin ni papa. Na kahit mahirap lang kami ay mahal na mahal nila kami. Ngunit paano kung lahat ng iyon ay kasinungalingan? Pa-
"Look at me Callista."
Naramdaman ko ang pagyugyog niya sa balikat ko dahilan para tignan ko siya. Sumalubong saakin ang pamilyar na tingin ng tao.
"Do you remember who I am Callista?" Mahina niyang niyugyog ang balikat ko. Tinitigan ko siya upang maalala kung sino 'nga ba siya.
"S-Sino ka?"
Niyakap niya ako ng mahigpit. Pamilyar ang amoy at presensya niya ngunit hindi ko matukoy kung sino at ano ang pangalan niya.
Hinayaan ko lang siyang yakapin ko. Ng hindi ako gumanti sa yakap niya agad siyang at tinitigan niya ako.
"Maybe it might work." Nabato na lang ako sa kinatatayuan ko ng maramdaman ko ang paglapat ng labi niya sa labi ko.
Bumilis ang kabog ng dibdib ko na para bang lalabas na ang puso ko doon. Maski ang tuhod ko ay nanghina.
Ilang minuto niyang pinatagal iyon bago humiwalay saakin, dumilat ito at tinitigan ako. Tinitigan ko ng maigi ang mukha niya upang makilala siya. Unti-unting lumalabas ang imahe na magkasama kami na nagtatawanan.
"C-Curly h-hair?"
Hindi niya na ako hinayaan pa magsalita at niyakap niya na ako agad, hinaplos niya ang buhok ko. Nanubig ang mata ko at tumingkayad upang mayakap ko siya ng maigi.
"Sorry." Isiniksik ko ang mukha ko sa balikat niya at doon hinayaan ang luha na lumabas. "Sorry because I forgot you."
Umiling siya saka hinalikan ang ulo ko. "It's okay, Callis."
Ilang minuto dina ng tinagal naming ng bigla akong nakarinig ng putok ng baril kaya agad akong humiwalay sa yakapan naming at tinignan kung saan nangaling iyon.
Nandilim ang paningin ko ng makita ko ang matandang lalaki na nasa ibabaw ni lolo habang nakikpagagawan sila ng baril. Agad akong naghanap ng bagay na pwedeng ipukpok sa lalaking ito.
"Here."
Napalingon ako kay Curly hair na ngayon ay may hawak-hawak na makapal na kahoy. Agad ko itong kinuha at walang sabi-sabing tumakbo palapit sa matandang lalaki at inisip kong nasa piñyata na palaro ako at siya ang palayok na may lamang mga barya.
"Fuck!"
Nag echo ang malakas na tunog na pagpalo ko sakaniya at ang pagsigaw niya sa sakit. Napahiga ito sa lapag, agad kong nabitawan ang makapal na kahoy at tinulungang makatayo si Lolo.
"I swear you'll die! And I wil-"
"Oh, shut up will you Hando? Oh, just fucking useless in this world." Hinawakan niya na ang braso ko. Agad ko siyang inalalayan ng makitang nahihirapan itong huminga.
"Lolo anong nararamdaman niyo?" Pinilit ko na kumalma upang hindi niya makita na nagpapanic ako dhail baka mag panic din siya.
"H-Hindi ako makahinga." Hinawakan nito ang dibdib niya. Agad akong tumingin sa paligid. Nagbabakasakali na mayroong magagamit upang hindi na siya mahirapan pa.
"Haciendio!"
Napalingon ako sa sumigaw. Napakurap ako ng makita ang matandang lalaki na tumatakbo papunta sa pwesto namin. Ng makadating sa pwesto naming agad niyang hinawakan sa magkabilang balikat si lolo. Ng matukoy kung ano ang nangyayari sakaniya agad niya akong tinignan.
"Kailangan niyo na siyang madala sa hospital."
Agad akong tumango, tinulungan niya akong buhatin si Lolo. Agad kong pinsadahan ng tingin si Curly hair.
Nilahad ko sakaniya ang palad ko at akangiting tinggap niya iyon. Nakita ko ang pagpasok ng maraming tao na naka black.
Tumingin pa ako saglit sa patalikod upang makita ang matandang lalaki. Ngunit ang inaasahan na makikita ko sakaniya ay hindi nangyari.
Nanlaki ang mata ko ng makitang nakatutok ang hawak niyang baril sa likod ni Curly hair.
No!
Walang alinlangan kong tinanggal ang braso ni lolo na nasa balikat ko at niayakap patalikod si Curly hair.
Ang tanging narinig ko na lamang ang pagputok ng baril.
BINABASA MO ANG
I Met You (Complicated Life Series #4)
Teen FictionIsang dalagang isip bata ngunit, matalino ang pag-iisip. Pinadala siya ng kaniyang lolo sa New York upang doon tuparin ang pangarap na maging nurse. Ngunit paano kung isang araw, madamay siya sa isang gulo? At wala siyang kamalay-malay na iyon ang m...