Chapter 26

7 5 0
                                    

C H A P T E R 2 6
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━

Pagkatapos naming kumain agad na rin kaming naglinis. Kaming mga babae ay naglilinis sa mga kwarto ng hotel. Mabuti na lang din at wala ng mga gagamba na lumilibt-libot sa mga kwarto, puro alikabok na lang.

"Hoy gaga, tumayo ka d'yan!"

Agad akong napatigil sa pagwawalis ng marinig ang iritadong sigaw ni light blue haired.

"Wait lang kasi! Kanina pa tayo naglilinis, wala man lang pahinga!" Reklamo ni ate habang nakahinga sa kama na kakalinis lang.

"Jusko dai! Nakaka limang kwarto palang kaya tayo, Finley Amirah Jones!" Marahas na umupo si ate sa kama.

"Nakakapagod kaya!" Ginulo niya ang sariling buhok sa pagka frustasyon.

"Alam ko." Nanghihinnag tumabi si light blue-haired sa tabi ni ate.

"Tignan mo-" Humiga si ate sa tabi ni light blue-haired. "-Humiga ka rin."

Napabuntong hininga na lamang ako saka pinagpatuloy ang pagwawalis.

"Hindi ka ba hihiga dito, Calista?"

Napatigil naman ako sa pagwawalis saka nilingon si ate na prenteng nakahiga sa kama.

"Tapusin ko na muna ito, ate."

Nagkwentuhan lang silang dalawa habang ako ay nagpatuloy sa paglilinis. Pagkatapos kong maglinis agad akong napaunat. Tumunog ang iba kong buto dahilan para mapangiti ako.

"Tara na dito, Callis." Tawag saakin ni ate at tinapik-tapik pa ang pwesto sa tabi niya. Agad naman akong umiling sakaniya.

"Ako na bahala sa kabilang kwarto ate, magpahinga na lang muna kayo d'yan." Walang sabi-sabing umalis na ako sa harap nila. Pagod na ako at gustong-gusto ko ng mahiga ngunit kailangan naming matapos 'to kaagad upang makauwi na rin kami agad, at hindi na magtagal dito.

Pumasok ako sa katabing kwarto na pinuntahan ko kanina. Dahan-dahan ko iyon binuksan.

Napangiwi na lamang ako ng makitang sobrang kalat ng kwartong iyon na para bang dinaanan ng isang malakas na bagyo.

Isinara ko na ang pintuan saka ako nagsimulang pumulot ng mga gamit na sira-sira at mga nalaglag.

"Ay palaka!"

Napatalon ako ng maramdamang may likido at taka ko itong tinitigan. Dahil 'nga nasa bandang gilid ako ng kama kung saan ay hindi natatapatan ng araw kaya hindi ko ito nakita ng mabuti.

Kumunot ang noo ko saka tinignan ang daliri ko. Nanigas na lamang ako sa kintatayuan ko ng makita ko ang maliit na pulang likido na dumikit sa daliri ko.

Bumuntong hininga ako saka dahan-dahan inilapit ang daliri ko sa ilong ko upang amuyin iyon upang matukoy kung dugo 'nga ito o hindi.

Nakahinga ako ng maluwag ng matukoy na hindi iyon dugo, kundi paint lamang. Pinagpatuloy ko na ang pagpupulot ko ng mga gamit.

Mas lalo kong nakita ang maraming natapon na pintura kaya napangiwi ako. Hindi ko alam kung paano ko ito lilinisin dahil 'nga ay namuo na mga pintura sa gilid nito. Namewang ako at nag-iisip kung paano ko ito malilinisan.

Ng makaisip ng paraan pinagpatuloy ko ang paglilinis sa ibang parte ng kwarto. Namuo ang gatla sa noo ko ng may nakitang pulang pintura na nasa baba ng cabinet na kahoy.

Napakurap ako ng makitang tuyo na ito. Napasampal na lang ako sa sariling noo dahil hindi ko na alam kung paano pa ulit lilinisan iyon, at halata na mahirap na iyon tanggalin.

Mas lalong kumunot ang noo ko ng makitang pati ang cabinet ay meron rin pintura. Halatang nangagaling doon ang pagtulo ng pulang pintura, napakamot na lang ako sa ulo ko.

Hindi ko miwasang mapa-isip, bakit nasa loob ng cabinet ang pulang pintura. 

Lumingon ako sa pwesto na kung saan ko unang nakita ang pulang pintura. Mas lalo akong nahulog sa malalim ng pag-iisip ng pulang pintura lamang ang tanging kulay na nakikita ko. Sino ba ang dating tumuloy dito?

At kung artist man siya bakit kulay pulang pintura lamang ang dinala niya. Ngunit wala akong nakitang paint brush kahit saang sulok ng kwarto. Ano ba ang nangyari dito sa loob ng kwarto?

Nilingon ko ulit ang cabinet. Bigla na lamang tumaas ang mga balahibo ko sa katawan ng makita ang cabinet. Para akong nasa horror movie dahil sa itsura ngayon ng magulong kwartong iyon.

Humugot ako ng hangin, saka nagpasiya na maglakad papuntang cabinet. Bigla akong napaupo sa sahig ng may maapakan na kung anong bagay.

"O-Ouch..." Napangiwi ako ng maramdaman ang pagsakit ng pang-upo ko. Tumingin ako sa sahig upang makita ang bagay ng sanhi ng pagbagsak ko.

Napakurap ako ng may nakitang bracelet, siguro ito ang nagpabagsak saakin. Kinuha ko ang bracelet at tinitigan iyon. Napahanga na lang ako sa ganda nun, mas lalong nakadagdag ang ganda nun sa mata ko dahil kulay kahel iyon. May kahel na puso sa gitna nun at ang palibot naman nito ay mga maliliit na beads na puti ay kahel.

Hindi ako mahilig sa mga accessories ngunit parang ngayon ay gusto ko na ito, dahil ito sa bracelet na nasa harap ko ngayon. Ngunit, kanino kaya ito?

Tumingin ako sa paligid, nagbabakasali na may bagay ako na makikita na nagpapahayag kung sino ang nagmamay-ari doon. Ngunit napanguso na lang ako ng walang makita.

Tinitigan ko pa ulit ang ganda ng bracelet na iyon. Kung iiwanan ko ito dito ay masasayang lang ang ganda nito. At kung ku-kunin ko ito, baka biglang magalit ang nag-mamayari nito kapag nakitang suot-suot ko ito.

Sa sobrang gulo ng-isip ko, hindi ko na alam ang pipiliin ko.

"Callista!"

Agad kong tinago ang bracelet kung saan at lumingon sa pintuan. Nandoon ang nag-aalalang si ate Finley kaya kumunot ang noo ko.

"Bakit ganyan itsura mo?"

Hindi ito nagsalita, sa halip ay nilapitan niya ako at tinulungan akong tumayo. Ng nakatayo na ko agad niyang pinagpag ang binti ko.

"May nakita ka ba dito Callis!?" Biglang sulpot ni light blue haired. Halatng hindi ito mapakali kaya mas lalo akong nagtaka sa kinikilos ng dalawa.

"Bakit ba mukha kayong hinahabol ng kung ano mga ate?" takang tanong ko. Tumigil sila sapag libot ng tingin sa kwarto saka ako hinarap.

"May sinabi kasi si Lo na-" Biglang napatigil si light blue-haired sa pagsasalita ng makakita siya na kung ano sa likod ko.

Agad naman akong lumingon doon, at doon ko ulit nakita ang nakakatakot na cabinet. Kung hindi ko lamang alam na pintura lang ang pula na likod dito ay baka mapagkamalan ko na talaga itong dugo.

Nilingon ko ulit sila. Halos hindi sila gumagalaw sa pwesto nila at hindi makapaniwalang nakatitig lamang sa cabinet. Alam ko na kung ano ang nasa isip nila.

Kaya agad kong hinawakan ang magkabilang balikat ni ate at bahagyang niyugyog iyon.

"Red paint lang 'yan, ate. Huwag kayong mag-alala." Agad naman silang nagising sa katotohanan.

Magsasalita na sana ako ng bigla akong hinila ni ate. "Tara na."

Lumingon pa ulit ako sa kwartong iyon, hinahanap ng mata ko kung saan ko nailagay ang bracelet. Ngunit wala na akong nakitang anino ng bracelet na iyon kaya nagpahila na lamang ako kina ate na may seryosong mukha. 

I Met You (Complicated Life Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon