CHAPTER 3

63.9K 1.9K 26
                                    

Chapter 3

Clayton’s Pov

SABAY kaming lumabas ng Lattea ni Jersey pagkatapos kong makapagpaalam kay Ate Kris. Sinabihan ko rin siya na aabsent ako bukas at sa makalawa dahil maghahanap ako ng ibang trabaho. Naintindihan naman ni ate Kris dahil alam niyang kailangan ko ngayon ng pera. Maybe I look like a desperate person right now, but I don't care; I need money for my mother's operation.

Hindi ko sinabi kay ate Kris ang tunay na dahilan kung bakit ako aabsent dahil alam ko na pipigilan niya ako. Parang tunay na kapatid na ang turing sa akin ni Ate Kris. Ako kasi ang unang trabahante ng shop niya at noong muntik ng malugi ang shop. Ako lang ang naiwan na trabahante dahil 'yong iba lumipat na sa ibang shop. Kaya ganun na lamang sa akin si ate Kris.

Ngayon ay nakasakay ako sa kulay pulang second hand na kotse ni Jersey. Patungo kami ngayon sa ospital kung saan naka-confine si mama. Gusto niyang dalawin si mama at ako ay magpapaalam naman dito. Ilang minuto lang at nakarating na kami sa ospital.

"Ma," tawag ko kay mama pagkapasok namin. Mabuti na lang at gising si Mama. "Ma, sorry po hindi ako nakapunta rito kagabi nakatulog po kasi ako kagabi sa bahay." paliwanag ko at lumapit kay mama.

"Ayos lang anak may mga nurse naman na pumunta rito sa akin." Nakangiting sabi ni mama. Nakakalinlang ang ngiti ni mama kung titingnan mo siya ngayon. Parang wala siyang sakit na iniinda. Kung wala lang ang nakasabit sa kanya ngayon ay aakalain mong nakikitulog lang siya rito ngayon.

"Oh, Jason ang ganda-ganda mo na." biro ni mama nang makita niya si Jersey sa likod ko. Lumapit naman si Jersey kay mama. Totoong  maganda si Jersey—magandang gwapo. Kahit na bakla si Jersey ay hindi naman siya nagsusuot ng mga pambabaeng damit . Ni hindi nga siya naglalagay ng kahit anong sa mukha. Natural na magandang nilalang lang talaga siya dahil may foreign blood din kasi siya sa kanyang father side.

"Ano ka ba tita, Jersey po hindi na Jason." Nakasimangot na puna ni Jersey kay mama.

"Hahaha, sige Jersey na." Natatawang bawi naman ni mama.

Bumaling si mama sa akin. "Oh, anak kailan pala ako lalabas dito. Naku ang laki na siguro ng babayaran natin dito. Sabihin mo na sa mga nurse roon na lalabas na ako. Mabuti na naman ang pakiramdam ko." ani mama.

Malungkot akong ngumiti kay mama. "Ma, kailangan mo pang mag-stay rito at h'wag kang mag-alala sa babayaran gagawa ako ng paraan."

"Clayton, hindi mo man sabihin sa akin pero alam ko na malaki ang perang babayaran mo rito. Ayaw kong magpagamot kaya lalabas na ako rito." Heto na naman si Mama. Matigas talaga ang ulo niya minsan.

"Ma, sasama ako kay Jersey. Hahanap ako ng trabaho sa kabilang syudad dahil malaki ang pasahod doon. H'wag kang mag-alala sa babayaran 'ma ako nang bahala roon." pagsusumamo ko kay mama at tumingin kay Jersey upang humingin ng tulong.

Nakuha naman iyon ni Jersey.

"O-oo nga tita magpagaling po kayo." Pagsasang-ayon naman ni Jersey sa akin.

Binalewala lang ni Mama ang sinabi ni Jersey. "Wala akong sakit para magpagaling kaya lalabas ako rito, Clay. At papaano ang pag-aaral mo? Iiwanan mo na naman? Anak pangarap mo ang makatapos ng pag-aaral, diba?"

"Ma, hindi mo man aminin sa akin pero alam ko na na may sakit ka." Nagsimula ng mamuo ang luha sa gilid ng mata ko. "Sinabi na sa akin ng doctor.  Kaya ma . . . alam ko na po. Kaya 'wag na po kayong magmatigas. Magtatrabaho ako para sayo-"

Owned By A Mafia Boss (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon