“Hanggang kailan tayo magiging ganito?” Nahinto ako sa paghakbang ng dahil sa sinabi niya.

“Hanggang kailan natin tatratuhin ang isa’t isa ng ganito?” Napapikit ako na wari pinipigilan ang emosyon ko sa mga tanong niya. Pumunta siya sa harapan ko.

“Hanggang kailan tayo magpapanggap na parang hindi natin kilala ang isa’t isa at parang hinid tayo nasasaktan?” Naninikip ang dibdib ko sa mga sinabi niya. At bigla nang init ang ulo ko. Bakit sa akin niya tinatanong iyan. Di ba siya ang may gusto nito? Bakit kung magtanong siya parang ako ay maykasalanan.

“Nahihirapan na ako, Ran”-Alek.

*Punch*

Sinuntok ko siya sa tyan.

“Nahihirapan? GAGO KA PALA EH! HINDI KO KASALANAN KUNG NAHIHIRAPAN KA MAN KASE GINUSTO MO IYAN!” singhal ko.

“Ang kapal naman talaga ng mukha mo para sabihin nahihirapan ka? Matapos ang ginawa mo sa akin. Matapos mo durugin ang puso ko. Sabihin mo sino mas nahihirapan dito?” hindi siya umiimik. Tinulak ko siya.

“Sabihin mo! Ano hindi ka makapagsalita kase alam mo na mas ako ang naghihirap sa sitwasyon na ito, kase ang tanga ko dahil nahulog ako sa isa tao na hindi ako sinalo!”  traydor na mga luha ito. Lumabas na naman. Kaasar. Mas lalo ako nainis kase hindi na naman siya nagsalita. Tahimik lang siya. I smirk

“Tinatanong mo kanina kung hanggang kailan tayo magiging ganito di ba?” ngayon dahan dahan niya inangat ang mukha niya at nagkatinginan kami. Nagulat ako nung makita ang hirap  at pagod sa pagmumukha niya. Pero hindi ko iyon pinansin.

“habang buhay na tayo ganito!” iniwan ko na siya. Hindi naman niya ako hinabol. Hindi ko na siya nilingon. Nakasalubong ko pa si Julie sa daan. Wala ako pakialam. Dumiretso na ako sa trabaho.

***

“Ay  sorry po. Sorry po” paulit ulit na paghingi ko ng sorry sa customer na aksidente natapunan ko ng juice. Nagalit siya sa akin. Buti na lang dumating si sir Xavier, ang boss ko at siya ang nakipag usap sa customer.

“Ito ang una beses na nagkamali ka. Magaling ka empleyado, Ran. Hiling ko lang na maging alerto ka sa trabaho, okay” nahihiya ako napatango kay sir, buti na lang napaka bait niya.

“Mag break ka muna doon” muli ay tumango ako. Wala nga ako sa sarili. Sino ba naman ang hindi mawawala sa sarili after ng nangyari kanina. Tinignan ko ang wall clock. Malapit na mga alas dyes ng gabi.

I sigh. Napatingin ako sa babae katabi ko ng makita ko parehas kami napabuntong hininga. Muli ay nagbuntong hininga ako at siya din. Nagkatiniginan kami at natawa pareho.

“fifteen minutes na lang at magp-perform ka na” tinignan niya ang relo. Matapos noon ay nagulat ako nung mayluha pumatak galing sa mga mata niya.

She's Courting Me [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon