Chapter 22

10 5 0
                                    

C H A P T E R 2 2
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━

So mag kakaibigan sila dati? Kung ganun bakit ayaw ni light blue haired na umapak dito sa pagmamay-ari nila?

"S-Salamat po." Putol ni light blue haired sa kalagitnaan ng katahimikan. Nginitian naman siya ni lo.

"Walang anuman."

"Kung paboritong lugar ito ng matandang senyora, bakit parang napabayaan na ito?" sabi pa ni ate habang ang mata ay nililibot ang buong paligid.

"Noong nagkasakit ang matandang senyora ang masigla, malinis, payapang resort na ito ay napabayaan na. Dahil ang lahat ng Miller ay binabantayan ang matandang senyora, bukod doon ay kailangan din nilang ingatan ang pamilya nila dahil nanganganib sila ngayon."

Lahat kami ay napatango, namuo naman ang maraming katanungan sa isip ko. Kahit pinipilit kong huwag sabihin ay parang pinipilit ako na sabihin iyon.

"Kami po ba? Ay este ang mga Niran po ba may mga kaaway din po?" tanong ko at napatingin naman si lo sa gawi ko.

"Dati ay nadamay kayo sa gulo ng Miller. Hindi ko na maalala kung anong trahedya ang nangyari sa Niran, pero ang naisisigurado ko ngayon ay ligtas ang Niran, kayo."

Nakahinga ako ng maluwag dahil sa naging sagot niya. Wala saaking sinabi si lo, na ganito, ang tanging sinabi niya lang ay ang nawalay kami ni kuya sakaniya dahil kinuha kami ng nanay namin ng walang paalam.

"Di'ba mayaman naman po sila?" tanong ni Ate na para bang intriga na intriga sa mga tanong.

"Oo iha, sobrang yaman pa sa inaakala mo." Napakurap naman ako dahil doon.

So ang iniisip kong may baul sila na pera ay mas higit pa dun ang pera nila? Ibig sabihin ay umuulan ng pera ang mga Miller?

"Eh bakit kami pa pagli-linisin dito?" Pinag krus niya ang mga braso niya saka sumandal sa upuan. "Pwede naman silang magbayad ng mga tao na maglilinis dito."

"Hindi ganun kadali iha."

Lahat kami ay natahimik dahil sa sinabi ni Lo, anong ibig-sabihin niya doon?

"What do you mean, po?" Si light blue haired na ang pumutol sa katahimikan. Bumuntong hininga muna si lo bago magsalita.

"Dahil hindi sila nagpapasok na ng mga hindi nila kakilalang tao, at hindi na pwede basta bastang pumasok ang mga tao dito, maski na rin ang torista."

Bigla namang kumunot ang noo ko. Kaya pala wala ng mga tao dito, litaw pa rin naman ang ganda ng resort kahit na madumi ang paligid. Mas lalo kong nakita ang paligid dahil sumisilip na ang araw.

"Eh hindi rin naman nila kami kilala- ay mali." Umiling-iling pa si ate at inayos ang pagka-kaupo. "Kami lang palang dalawa ni Callis ang hindi niyo kilala ng lubusan. Bago lang ho kaya kami dito."

Mahinang natawa si lo. "Malaki ang tiwala ng mga Miller kay Leti, ang prof na nagpadala sainyo dito."

Nanunuyang tumawa si light blue haired. "Sa matandang yun? May tiwala siya?" Hinampas niya pa ang sariling binti kakatawa. Natigil lang iyon ng bigla siyang hawakan ng mahigpit ni Jornet sa bewang at may kung anong binulong sakniya dahilan para mamula ang pisngi nito.

"Hoy bakit ka d'yan namumula?" May disgusyo sa mukha ni ate habang nakatingin kay light blue haired.

"Kinikilig yata siya ate," sabi ko at sumandal sa balikat ni curly hair, naramdaman ko na nanigas siya. Inangat ko ang tingin sakaniya.

"Okay lang ba?" Ang tinutukoy ko ay ang pagsandal ko sa balikat niya. Para itong natauhan at wala sa sariling tumingin saakin.

"A-Ah, uh. It's okay." Pinat pa niya ang ulo ko kaya nakangiting tuumango ako sakaniya.

"H-Hindi kaya ako kinikilig!" defensive na sigaw ni light blue haired. Kumunot naman ang noo ko. Hindi ako pwedeng magkamali.

"Ganyan lagi ang expression ni ate Ruby kaya niyayakap siya ni kuya Finn," saad ko pa at inaalala ang lambingan nila ate at kuya.

"Ang galing mo Callis." Nakangiting aso inilahad niya nag kamay niya para makipag-apir saakin. Kaya malakas na inapiran ko iyon.

"At sino naman ang kuya Finn at ate Ruby mo!?" May pagha-hamon sa boses nito kaya napanguso ako.

"Mag kaisntahan mo po sila lig- este ate Kiria." Ngumiti ako ng malawak saknaiya upang hindi niya mapansin ang muntik ko ng matawag sakaniya.

"Don't tell me, kaibgan mo rin ang mga iyon." Halos mamewang na ito sa harap ko. Kung hindi lamang nakahawak ng mahigpit si Jornet sakaniya ay sigurado akong namewang na ito sa harap ko.

"Kaibigan ko 'nga po sila." Ang tono ng boses ko ay para bang sinsabing 'anong problema doon?'

"Why do you keep calling them ate and kuya?  Pare-parehas lang naman kayo ng edad." May frustasyon sa boses nito.

"Kasi 'nga magalang siya." Si ate na ang sumagot at pinag krus niya ang hita niya. "Hindi katulad mo." Halos pabulong na sabi niya, ngunit sapat upang marinig ko.

"May sinasabi ka?" taas kilay na tanong ni light blue haired kay ate. Innosenteng tumingin ito sakaniya at umiling.

"Wala akog sinasabi." Pinaningkitan pa ni light blue haired si ate na para bang pinaghihinalaan niya pa ito.

"Hay nako mga kabataan 'nga ngayon," umiiling pa na saad ni lo saka sumimsim sa iniinom.

"Hanggang saan po ba ang lilinisan namin lo?" magalang na tanong ni curly hair.

"Hanggang doon sa dulo iha." Tinuro niya pa ang dulong bahagi ng resort, dahilan para maalis ko ang ulo ko sa balikat ni curly hair at sundan ang tinuturo ni Lo.

Napangiwi na lang ako ng wala akong makita kundi hamog at mukhang mahaba rin iyon kaya hindi na ako nagtaka kung ilang araw kami dito.

"Pati po ba yung mga cottage at kwarto doon-" Tinuro ni Jornet ang isang malaki at mataas na building sa hindi kalayuan saamin. "-Ay lilinisan namin?"

Umiling si lo. "Ako ang maglilinis d'yan."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "Ikaw ho mag-isang maglilinis d'yan?"

Tumango ito saka tumayo. "Oo iha, hindi niyo kakayanin kung buong resort na ang lilinisin niyo."

"Salamat po lo!" Humagikgik pa si light blue haired na para bang tuwang-tuwa sa narinig.

"Walang anuman iha pero bakit nakakandong ka sa binatang iyan? Magkasintahan ba kayo?"

Mahinang natawa si ate habang si curly hair naman ay napailing na lang. habang ako ay tinitigan lang ang dalawa. Mukha 'nga silang magkasintahan, wait, sila na ba? Pero ang sabi saakin dati ni Jornet ay wala siyang girlfriend, baka secret lang niya yun.

"Naku hi-"

"Opo magkaisntahan po kami."

Mas lalong lumakas ang tawa ni ate dahil sa inusal ni Jornet at ganun din si curly hair. Habang ako ay napasinghap na lang sa hangin, habang si light blue haired ay hindi makapaniwalang nakatigin kay Jornet.

"Hoy ano-"

Biglang yumakap sa bewang niya si Jornet kaya nanigas ito. "Masyado lang po talaga niyang ayaw mahiwalay saakin kaya po kumandong siya saakin."

Natatawang umiling si lo. "Sana ay magtagal kayo iha at iha. Naalala ko tuloy noon ang aking asawa, ganyan na ganyan siya. O siya maiwan ko na kayo, pasilayin niyo muna ang araw bago kayo magtrabaho."

At doon umalis na si lo.

I Met You (Complicated Life Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon