C H A P T E R 1 7
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━Para maintindihan mo ang sinasabi ko." Hinarap niya ako. "Si Miles ay may gusto sa kuya mo."
Napakurap na lang ako sa gulat. Napakamot ako sa ulo dahil wala akong mahanap na dahilan kung bakit nila tinago iyon.
"Bakit kailangan I sekreto pa ang bagay na iyon?" Umayos ako ng upo. "Eh pwede naman sabihin ni ate Miles na may gusto siya kay kuya, di'ba?"
Bumuntong hininga ito saka sinuklay ang sariling buhok. "Para tuloy akong may kaharap na bata," bulong nito nanlaki naman ang mata ko.
"May bata!?" Tumingin-tingin ako sa paligid. Ng walang makitang bata agad ko siyang hinarap. "Nasaan?"
Nasampal niya ang sariling noo saka bumuga ng marahas na hangin. Nagtaka naman ako sa kinilos niya.
"Ate ano yang ginagawa mo?" nakangiwing tanong ko. Halata na kasi ang frustasyon sa mukha niya kaya nagtaka ako sa kinikilos niya. Patuloy pa rin ang paghahanap ko ng bata sa paligid. Baka kasi natakot lang kay ate Finley kaya nagtago.
"Walang bata." Napanguso ako sa sinabi ni ate, umasa pa naman ako.
"Eh bakit sinabi mo kanina na may bata?" Bumagsak ang magkabila kong balikat dahil sa kadismaya.
"Hay nako Callis, ini-istres mo ko." Ginulo niya ang sariling buhok saka patalon na humiga sa malambot kong kama.
"Ini-istress kita? Paano?"
Pinikit niya lang ang mata niya, kaya hindi na ako nagtanong pa. Sa halip ay dahan-dahan akong sumandal sa headboard ng kama. Mabuti na lang at hindi nanakit ang likod ko kaya medyo maayos na ako nakakakilos.
"Minsan sa buhay hindi mo kailangan sabihin ang nararamdaman mo para sa isang tao." Biglang sabi ni ate sa kalagitnaan ng katahimikan namin.
"Paano naman po malalaman ng tao ang tunay mong nararamdaman para sakaniya kung hindi mo iyon sasabihin?"
Lumingon ito saakin. "By expressing what you want to say to someone." Umiwas ito ng tingin saakin. "Kung hindi niya pa maramdaman iyon aba't ang tanga niya." Para itong galit at may sinasabihang isang tao.
Napatango na lang ako. "Ang talino mo, ate."
Nakangising tumango naman ito. "I know, right."
Akmang magsasalita pa ako ng may biglang nagbukas ng pinto. "Finley! Callis!"
Agad kaming umayo ng upo ni Ate ng marinig ang sigaw ni Jornet palapit saamin, takang tinignan naming siya.
"Bakit ka ba sigaw ng sigaw d'yan!?" Mataray na tanong ni ate. Hanggang ngayon ay mataray ang pakikitungo niya kay Jornet kahit na close na sila sa isa't-isa.
"Gumawa ng gc sina Karia!" Patalon na umupo ito sa tabi ko kaya nahampas ko ang likod niya ng mahina, takang tumingin ito saakin.
"Magdahan-dahan ka, masakit." Pagtutukoy ko dito sa likod ko. Napa 'o' naman ang bibig niya kaya masuyong hinaplos ang likod ko.
"Sorry, did I hurt you too much?" May pa guilty sa boses nito kaya agad akong umiling sakaniya.
"Don't worry, hindi mo naman ako nasaktan ng sobra." I smiled sweetly. He softly creased my cheeks.
"Just tell me if your back hurts, okay?"
I nodded. "I will, I promise."
"Tama na yang sweet conversation niyo d'yan." Napalingon kaming dalawa kay ate na ngayon ay nakatutok ang mga mata sa phone. "Tignan niyo na lang yung gc ng ginawa ng tukmol."
Biglang kumunot ang noo ko, lagi na lang akong pinagtataka ni ate sa mga sinasabi niya. "Sinong tukmol, ate?"
Napasabunot na lang si ate sa sarili, saka niya siniko si Jornet. "Ikaw 'nga magpaliwanag d'yan. Kanina pa 'yan ganiyan."
Mahinang natawa si Jornet. "Give me your phone."
Agad ko namang kinuha ang phone ko saka binigay sakaniya. Nagpi-pindot pa siya doon bago ibigay saakin.
Napaayos ako ng upo ng makita ang mukha nila curly hair at light blue haired sa screen.
Kiria: Magaling na ba si Callista?
Rion: Is Callista okay now?
Hindi maiwasan ng puso kong matunaw sa nabasa, talagang concern sila sa kalagayan ko.
Finley: Healing palang ang likod niya.
Kiria: Satingin mo kalian gagaling yung likod niya?
Jornet: Siguro mga isang linggo pa.
Rion: So long.
Callista: Okay lang ako!
Napalabi ako. "Na late ng pagsend."
Mahinang natawa si Jornet, dahilan para mapanguso ako.
Rion: Good to hear that, Callis.
Finley: Callis agad? Feelings close lang?
Rion: Di ako nag fe-feeling Ms. Finley. Close na talaga kami ni Callis, right Callis?
Callista: Yes! Close na kami ni curly hair.
"Curly hair, huh?"
Napatingin ako sa dalawa dahil sabay silang nagsalita, ngunit hindi nila yata napansin iyon. Sa halip ay nakatitig lang sila saakin.
"Kailan mo pa tinawag tong gungong na to na curly hair?" Masungit na tanong ni ate.
"Sinong gungong, ate?" Marahas siyang bumuga ng hangin.
"Si Rion."
Napatango ako. "Noong nakita natin siya sa park."
"So, sabay mo silang tinawag na light blue haired at curly hair?" Ngiting aso ako tumango.
"Di'ba that time, hindi natin alam ang mga pangalan nila, kaya iyon muna ang tinawag ko sakanila."
Nakangiwing tumango si Finley.
Karia: Callista, kumikirot pa ba yang likod mo?
Callista: Hindi na po.
Kiria: Ang galang mo masiyado, magka edad lang naman tayo.
Mahinang natawa si Jornet. "Kiria is right." Tumingin ito saakin. "Di'ba magka edad lang din kayo n Finley.
Nakangiting tumango ako. "Yes.
"Eh bakit tinatawag mo pa din siyang ate?"
"Kasi sabi saakin ni Lolo lahat ng tao ay dapat ginagalang kahit pa mas bata sayo ito, mag ka edad lang kayo, o mas matanda sayo."
"Eh paano kung yung taong ginagalang mo ay hindi naman karapt-dapat igalang?" tanong ni ate habang naka krus ang mga braso nito.
"Wala naman pong taong hindi ka galang galang eh. Sadyang hindi lang nila alam gumalang kaya hindi rin nila ginagalang ang mga tao sa paligid nila."
Napatango silang dalawa. "It makes sense."
Finley: Pero teka bakit ba gumawa ng gc?
Kiria: Sasabihin ko sana sainyo na sa susunod na lunes na tayo maglilinis sa putang*nang Resort na yun.
Finley: Thanks for reminding us. Pero bakit ba mukhang galit na galit ka doon sa Resort na yun.
Kiria: Hindi lang ako sa Resort galit, saka ko na ipapaliwanag kapag may lakas na ko.
Napabuntong hininga si Jornet. "Ayokong pangunahan siya pero kaibigan nila dati ang may ari ng Resort na yun."
Napatango kaming dalawa ni Ate. "Eh bakit galit na galit siya doon sa may-ari nun? Eh kaibigan niya naman pala dati?"
"I have no right to answer that."
BINABASA MO ANG
I Met You (Complicated Life Series #4)
Teen FictionIsang dalagang isip bata ngunit, matalino ang pag-iisip. Pinadala siya ng kaniyang lolo sa New York upang doon tuparin ang pangarap na maging nurse. Ngunit paano kung isang araw, madamay siya sa isang gulo? At wala siyang kamalay-malay na iyon ang m...