XVI

203 22 12
                                    

No offense intended for indigenous people in this chapter. 


I stared at the faint light of the moon from Eris' penthouse until it completely disappeared. Bright light coming from the opposite direction meant that the sun was gradually turning up too. The evening lights from other buildings simultaneously turned off and the daylight dome opened. The daylight dome covers the whole city to protect people from the UV rays, an artificial replacement for the ozone layer which has been completely destroyed years ago. Or so what Eris told me.


Seeing buildings stand from the ground reminded me of the Malthus Building at Xintara, some were as tall as the Malthus Building, most were taller. The only floating facilities were runways for planes, the research facility by Hexagon that's studying how to clean the thick clouds, and the military fortress which has been rumored to counter Hexagon's so-called extraterrestrial attacks but couldn't even detect the ship Casimir and I used when we entered Earth's atmosphere.


Speaking of Casimir, I haven't seen him since the day we found out that we were genetically engineered—or whatever it was. Iniwasan ko na isipin 'to pero hindi mawala sa isip ko na may malaking posibilidad na may buhay ako bago ko nalaman ang Xintara at kilala ko ang Project Malthus at si Casimir.


"Damn, bakit ang aga mong nandito sa labas? Hindi ka na naman ba natulog?" Lumabas na si Eris mula sa kuwarto niya, suot-suot ang pajamas niya at ang fluffy shoes niya na may kung anong extinct na animal ang design nito. 


"I tried. Couldn't even rest my eyes for five minutes." Tumayo na ako mula sa duyan na inuupuan ko at umupo sa isang kitchen stool para panoorin si Eris na maghanda ng pagkain niya. Sinubukan kong kumain minsan pero sinuka ko lang ito. Ang nag-iisang bagay na hindi tinanggihan ng katawan ko ay ang kung tawagin ni Eris ay biyaya ng Diyos.


"Oh," abot niya sa akin ng tasa na may lamang biyaya. Hindi ko alam kung ano ang totoong tawag dito pero alam kong hindi biyaya ang talagang pangalan nito. 


"Kulang ba sa creamer?" Tanong niya mula sa pantry.


"Medyo mapait kumpara sa dating timpla mo. I like it this way though. Siguro 'wag mo na lagyan ng creamer next time?" I heard her chuckle.


"Sarap, 'di ba? Biyaya talaga ng Diyos." Lumabas na siya sa pantry at dala-dala ang mga kailangan niya para sa pagkain niya.


She's on her annual leave and it starts today so she let me stay in her penthouse rather than sulk inside Project Malthus' hideout. She said that we'll get busy during the duration of her leave so I couldn't help but think about what we were going to do.


"Nakabili na pala ako ng hair dye, tutulungan kiting kulayan ang buhok mo pagkatapos kong kumain. Sigurado ka ba na gusto mong kulayan ang buhok mo? Hindi ba't parang importante ang mga buhok para sainyo?" Aniya saka sumimsim sa biyaya niya. Napahawak ako sa buhok ko na hindi pantay ang pagkakagupit.


"Ginupitan ko na ang buhok ko, ini-braid pati. Sigurado na ako." 


Naalala ko ang Final Test ko kasama ang 6 Codes. Ang buhok ko lang ang palatandaan nila kung sino ako, maaaring mangyari ulit 'to dito sa Earth, mas lalo na pagkatapos sabihin ni Casimir na masyadong importante ang buhok ko para sa akin.

CSMR: Data Unknown Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon