C H A P T E R 1 3
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━Napasandal na lang ako sa pader ng bigla kong naramdaman ang kirot.
"Masaki ba?" Tumabi saakin si light blue haired.
Nakangiwing tumango ako. "Masakit, sobra."
Bumuntong hininga ito. "Sabi ko naman kasi sayo na- Ouch!"
Napalingon ako kay light blue haired ng bigla itong dumaing. Lumaki ang mata ko ng makita pa ang isang lalaki na hinila ang buhok ni light blue haired patayo.
Akmang tatayo ako ng bigla akong nakaramdam ng matinding kirot sa likod ko.
"Let me go!" nanggagalaiti na sa sigaw si light blue haired, ngunit hindi nasindak ang lalaki sakaniya. Sa halip ay mas diniinan niya pa ang pagkakahawak sa buhok nito.
"I don't want to."
Akmang sisigawan ko na ito ng bigla akong nakaramdam ng hapdi sa anit ko. Ngayon ko lang napagtanto na sinabunutan pala ako ng kung sino man. Kahit nanakit ang likod ko ay pinilit nito akong tumayo.
Kagat labing tumayo ako.
"And do you really have someone with you?" tanong ng lalaking may hawak saakin. Mas lalo akong napadaing ng shinake niya ang ulo ko.
"I'm not with her 'nga kasi! Masiyado bang maliit ang-" Agad siyang napatigil ng bigla siyang sinampal ng malakas ng lalaking may hawak sakaniya.
"Shut up!"
Ng inangat nitong muli ang ulo nagulat na lang ako ng makitang mapula na ang pisngi niya. Nanubig ang mata ko ng makitang nahihirapan na ito.
Lumingon ako sa paligid. Nagbabakakasali na baka dumating na sila Ate, ngunit mas lalo akong nanlumo ng makitang nakaluhod sa sahig si curly hair.
"Curly hair," bulong ko, ngunit mukhang narinig niya dahil lumingon ito saakin. Ngi-ngitian ko na sana siya ng biglang humigpit ang pagkakasabunot saakin kaya malakas akong napadaing.
"Stop pulling her hair!" Galit na sigaw ni light blue haired.
Akmang sasampalin niya na naman siya ng lalaki ng may biglang sumipa sa likod ng lalaking hawak kay light blue haired, dahilan para madapadapa ito sa sahig. Nagulat na lang ako ng maramdamang gumaan na ang ulo ko.
Nakita ko na lang nakadapa na rin ang isang lalaki sa sahig.
"Callis!"
Bago pa ako makalingon kung sino ang tumawag saakin agad na akong sinalubong ng yakap ng taong iyon.
Ng maamoy ko ang pamilyar na pabango ay agad akong gumanti sa yakap niya.
"A-Ate..."
"Nandito na ako Callis..."
Nanubig ang mata ko ng hinaplos ni Ate Finley ang buhok ko. Akmang hahagurin niya ang likod ko ng napadaing ako.
"A-Ate w-wag mong h-hawakan 'yan."
Nanghihinang humiwalay ako sa yakapan naming. Nag-aalalang tumingin ito saakin.
"Anong nangyari sayo!?"
Bumuntong hininga ako. Akmang magsasalita pa sana ako ng bigla kong makita ang isang lalaki na may dalang kahoy at mukhang hahamapsin niya si Ate. Kaya mabilis akong akong umikot papihit sa pwesto ni ate.
Ngayon ay magkapalit na kami ng pwesto. Bumuntong hininga ako upang ihanda ang sarili. Hinawakan ko ng mahigpit ang magkabilang balikat niya.
Sinipa ko ng patalikod ang lalaki, dahilan para kumirot ng Malala ang likod ko. Kaya yumuko ako upang hindi mapansin ni ate ang matinding pagkirot ng likod ko.
Ng maramdaman kong tumama sa mukha niya ang sapatos ko agad ko itong sinipa ng malakas. Agad kong binaba ang nakataas na paa at nangihinang sinandal ko ang noo ko sa balikat nito.
"C-Callis.." Hingod niya ang buhok ko na para bang sinasabing 'magiging okay din ang lahat.'
Tumango-tango ako saka dahan-dahang humiwalay sakaniya. "O-Okay lang ako"
Kahit ang totoo ay hindi talaga ako okay dahil sobrang nanakit ang likod ko dahil sa ginawa ko.
"You're so shit!"
Agad akong napalingon sa gawi ni Jornet. Nanlaki ang mata ko ng makitang nakapatong na ito sa isang lalaki habang walang humpay niyang sinusuntok ang lalaki sa mukha.
"J-Jornet!" sigaw ko upang makuha ang atensyon niya, ngunit para itong bingi. Patuloy pa rin ang pag suntok niya sa lalaki na para bang punching bag na ang tingin nito sakaniya.
Pumuputok ang mga ugat nito sa buong braso dahil sa galit. Maski ang ugat niya sa leeg ay halatang-halata na rin, sobrang dilim na din ang mukha niya.
"J-Jornet!" Napa daing na lang ako ng palihim ng maramdamang kumirot ang likod ko dahil sa pagsigaw ko.
"Fvck you!" Agad akong napalingon sa gawi ni light blue haired ng sumigaw ito. Mas lalong nanlaki ang mata ko ng makitang nakapatong din ito sa lalaking hawak-hawak siya kanina.
"Matuto kasi kayong maghintay!"
Napalingon ako sa gawi ni curly-haired. Napabagsak na lang ang magkabilang balikat ko ng makitang ganun din ang pwesto ni curly hair.
"Ate anong gagawin natin?" nanghihinang tanong ko. Bumuntong hininga ito at pinagkrus ang braso.
"That's just what suits them." I let out a deep breath.
"Have you called guards?" I asked. I closed my eyes when I felt the pain in my back. I think it's swallowed up now.
"Yes, they are going here."
Napatalon ako sa gulat ng marahang hinagod ni Ate ang likod ko. Magaan ang kamay niya kaya hindi ako nasaktan ng hagurin niya iyon.
"Masakit pa ba?"
Halata ang pag-aalala sa mukha nito. Mukhang nahalata niya na siguro sa kinikilos ko kanina pa. Kaya hindi na ako makakapag sinungaling sakaniya.
"Pretty much."
Napa daing na lang ako ng malakas ng bigla niyang tusikin ng daliri ang likod ko. Kagat labi ko siyang hinarap.
"Why did you do that, ate!?"
She shrug. "Just checking?"
Napangiwi na lang ako sa sinagot niya at nilingon ko ulit ang pwesto nilang tatlo. Napa buntong hininga na lang ako ng makitang walang pagbabago sa mga pwesto nito. Ang tanging pagbabago lang ay ang mga mukha ng tatlong lalaki.
Alam kong hindi magandang matuwa kapag may nakikitang nahihirapang tao, ngunit hindi ko maiwasang matuwa dahil sa mga mukha nila ngayon. Kung kanina ay sobrang tapang ng mga mukha nilang nakaharap saamain.
Ngayon ay para silang mag nabugbog na sisisw dahil sa galit ng tatlo. Maiintindihan ko pa kung bakit nagalit sina light blue haired at curly hair dahil alam kong may atraso sila sakanila.
Ngunit kay Jornet ay hindi ko matukoy. Siguro ay dahil galit na talaga siya sa tatlong lalaki? Sobrang naguguluhan talaga ako.
Tumitig ako kay Jornet na hanggang ngayon ay pumuputok pa rin ang mga ugat niya sa braso at leeg dahil sa galit. Ang kaninang madilim na mukha ay mas lalong dumilim ng sa hindi maipaliwanag na dahilan.
Ang lagi kong nakakasamang Jornet na palabiro, clingy, sweet ay nawala na para bang bula. Sana ay hindi ko pa ulit makita ang ganyang itsura niya.
Dahil hindi ako sanay.
Bigla silang napahinto ng may narinig na mga pito. Nakahinga ako ng maluwag ng makita ang mga guards na palapit sa kinaroroonan namin.
Ligtas na kami.
BINABASA MO ANG
I Met You (Complicated Life Series #4)
Teen FictionIsang dalagang isip bata ngunit, matalino ang pag-iisip. Pinadala siya ng kaniyang lolo sa New York upang doon tuparin ang pangarap na maging nurse. Ngunit paano kung isang araw, madamay siya sa isang gulo? At wala siyang kamalay-malay na iyon ang m...