C H A P T E R 1 0
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━Nanlumong tinignan ko ang gawi nina light blue haired.
"Bakit kailangan nandito si Nia para lang matulungan natin sila?" May pagkainis sa boses ni Jornet.
"Sa tuwing nag kakaproblema ang mga ka klase o mga nakikita naming sa paligid naming ay agad niyang tutulungan." Tumingin siya ng diretsyo kay Jornet. "Para siyang may magic sa bunganga niya na nakakapag solve ng mga problema nla."
Lumingon ito ulit sa gawi ni light blue haired. "Ayoko man aminin pero hindi ko kayang tumulong sa ibang problema ng tao kapag wala si Nia sa tabi ko."
Napabuntong hininga ako. "Ako rin."
Bumuga ng marahas si Jornet sa hangin. Gusting-gusto kong tumulong ngunit tama si ate, wala kaming lakas. Ang lalaki nila habang kami ay hanggang braso lang ata nila at wala pa si ate Nia sa tabi namin.
"G-Get off on me, plea-"
"I don't want." Nakangisi sakaniya ng lalaki. Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang kamay nito ay nasa hita ni light blue haired. Akmang itataas niay pa ang kamay niya ng may tumawag sakanilang prof.
Nakahinga ako ng maluwag ng makitang wala na ang maduming palad nito sa hita ni light blue haired.
"You're lucky today, babe." Nakngising bulong nito. Agad akong napayuko ng magtama ang mata naming ng lalaki. Hindi ko kayang matitigan ang mga mata ng maduming lalaking iyon.
Napahawak na lang ako ng mahigpit sa laylayan ng uniform ko ng marinig ko ang mahinang pagtawa ng tatlo.
Ng wala ng marinig na ingay dahan-dahan ako nag-angat ng tingin.
"Salamat at umalis na sila." Kumuha ulit si ate ng cake at sinubo iyon na para bang walang nangyari.
Kung kanina ay takam na takam pa ako sa cake ngyaon ay nawala dahil sa nakita. Pa sikreto akong tumingin kay light blue haired. Nakaramdam ako ng awa ng makitang nakayuko ito at tumataas din ang balikat nito, senyales na umiiyak ito.
Inaalo siya ng mga kaibigan niya.
"Wag mo na silang intindihin, Callis." Napatingin ako sa maaliwalas na mukha ni ate. Napatitig ako sa matangos na ilong niya.
"Wag na tayong makisama sa mga gulo." Tumingin ito saakin. "Promise me, Callis." Nilabas nito ang pinky finger. "Promise that you will not get into other people's problems."
Napatitig ako sa hinliliit niya na nakalahad sa harap ko. Hindi ako makaksigurado dahil gustong-gusto kong makatulong sa ibang tao, like what ateNia's doing.
"Callis, I know what's on your mind." Agad kong inangat ang tingin sakaniya. "Please, I'm begging you, don't get into other people's problems. Don't mess up with your life cause you're a dean lister now."
Napatitig ako sa mga mata niya. Parang sinampal ako ng katotohanan, selfish man pakinggan pero tama si ate. Dapat ay lumalayo ako sa mga problema ng mga tao dahil dean lister na ako, at baka kapag nalaman ng mga nakatataas ang kababalaghan na nagawa ko ay baka alisin nila ako.
Bumuntong hininga ako saka tinggap ang pinky swear ni ate. "Promise."
⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇
Pagkatapos ng klase ay agad akong nag-ayos ng mga gamit ko. Bumuntong hininga ako ng binuhat ko ang human sized kong teddy bear. Mas matangkad pa pala saakin ang teddy bear.
"Who gave you that?" Agad akong napalingon sa nagsalita. Napakurap na lang ako ng makita ang ka sitmate ko na nakangisi.
"Ah, my best s-" She cut me off with her laugh.
"Who? The boy one?" She has a grin on her face; that's why I winced.
"Yes." I said while nodding.
She just laughed.
"He has a crush on you." I pouted.
"Impossible," I said while shrugging.
"It's possible. Trust me, when a boy gives you a teddy bear or things that you love the most, he has a crush on you." She tapped my shoulders. "I'm just reminding you."
Ng kumarap ako ay bigla itong nawala sa harap ko. Nasaan na yun?
Bumuntong hininga ako.
Ibig sabihin si Jorten my crush saakin? Eh, ang sabi lang naman nila kanina ay surprise nila sakin iyon kasi nasa dean lister ako? Ang weird.
Niyakap ko ng mahigpit ang human sized teddy bear. Inayos ko ang pagkakahawak ko na makakita pa rin ako. Pagkatapos ay naglakad na ako papunta sa pintuan, ngunit napatigil ako ng may pamilyar na boses akong narinig.
"Let me go!"
Hindi ako nagkakamali! Si light blue haired iyon. Agad akong gumilid kung nasaan ang pader.
"We're not letting you go, babe." Tumaas ang mga balahibo ko ng marinig ang boses na iyon.
"P-Please let me go!" Tumaas na ang boses ni light blue haired.
"Shut up, dic*y head!" Napapikit ako dahil sa takot na nararamdaman.
"Tulungan niyo ako tulong-" Napadilat ako ng bigla akong nakarinig ng malakas na sampal. Napahigpit ako ng yakap sa teddy bear na para bang doon kumukuha ng Nawala na lakas.
"Shut up, or else I will f*ck you here!"
Nanubig ang mata ko sa narinig. Narinig ko ang mga yabag nila na palapit na dito kaya mas lalong humigpit ang yakap ko sa teddy bear.
Please, Lord help me, help us especially light blue haired. Please, I'm begging you.
Mas lalo kong nararamdaman ang palapit na yabag nila kaya mas lalo kong siniksik ang sarili sa sulok.
Ng tignan ko ang paligid ngayon ko lang napansin na nakasarado na pala ang buong ilaw sa room. Tanging ang kahel na araw lamang ang nagsisilbing ilaw ng room.
"I'm excited to taste this girl."
Napakagat ako ng labi ng halos sobrang lapit na ng boses na narinig ko. Hindi ako nagkakamali, nasa harap na sila ng room kung nasaan ako.
Uusog pa sana ako ng may bigla akong nasipa na kung anong bagay. Naglikha iyon ng malakas na tunog kaya napalabi ako. Palihim akong nagdadasal na sana hindi nila narinig iyon.
"Is there anyone there?"
Halos masugutan na ang labi ko sa diin ng pagkagat ko dito. Nanuyo ang lalamunan ko ng marinig kong may pumihit sa doorknob.
Dahan-dahan akong tumingin doon. Mas lalo akong nilukob ng kaba ng makitang marahas na gumagalaw iyon.
"Is there an-"
"Don't mind that bro, maybe it's just a cat."
Halos mawala ang kaba ko ng marinig ko ang pagpigil ng isang lalaki sa nagtatangkang buksan ang doorknob.
Nakahinga ako ng tuluyan ng maramdamang wala na sila. Dahan-dahan akong tumingin sa labas. Nakita ko na naglalakd sila palayo habang hawak-hawak si light blue haired na nagpupumiglas.
Napakagat ako ng labi ng nagsimulang nagdadalawang isip ang isip ko. Kung tutulungan ko siya baka mapahamak kaming pareho, kung hindi ko naman siya tutulungan baka buong buhay ko makonsensya ako.
Ilang minuto ako nag-isip, bumuntong hininga ako.
I have a decision now.
BINABASA MO ANG
I Met You (Complicated Life Series #4)
Teen FictionIsang dalagang isip bata ngunit, matalino ang pag-iisip. Pinadala siya ng kaniyang lolo sa New York upang doon tuparin ang pangarap na maging nurse. Ngunit paano kung isang araw, madamay siya sa isang gulo? At wala siyang kamalay-malay na iyon ang m...