Chapter 7

12 4 0
                                    

C H A P T E R 7
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━

Biglang sumakit ang sentido ko ng bigla kong makita ang magulong sala.

"Ate." Pilit kong pinakalma ang boses upang hindi ito ma takot saakin. 

Lumingon ito saakin. "Bakit?" Takang tanong nito habang hawak ang ginagamit pang pukpok sa inuukit na bato. 

Napapikit na lang ako ng makita ang mga gamit niya ay nakakalat ang mga piraso ng mga bato ay nagkalat. "Ang kalat."

Mahina siyang natawa. "Lilinisin ko mamaya, wag ka na maistress d'yan."

Napangiwi na lang ako. Aakyat na sana ako ng bigla akong makarinig ng doorbell kaya agad akong pumunta sa pintuan.

"Oh, why are you here, Jorden?" Binuksan ko ng malaki ang pintuan upang makapasok siya. Bumaba ang tingin ko sa hawak niya, nanlaki ang mata ko ng may nakitang orange.

"Orange!" Agad kong kinuha ang supot ng orange sa kamay niya at pinagmasdan iyon.

"You like it?"

Agad akong tumingin sakaniya. Saka humigikgik. "I like it so much."

Tumalon-talon ako sa tuwa at na napigilang yumakap sakaniya. "I really miss this!"

Pagkatapos ng yakapan naming agad na kaming pumasok. Kung kanina ay naiinis ako sa kalat ngayon ay nasa tabi na ako ni ate at sinusubuan siya.

Ilang buwan na rin kami nandito sa New York. Gusto naming maglibot sa iba't-ibang lugar pero hindi naming magawa dahil lahat kami ay busy. Siguro I prioritized muna namin ang study naming kaysa sa paglilibot namin.

"Kailan kaya tayo makakalibot ulit?" Pagod na sumandal si ate sa sandalan ng sofa kaya agad kong hinilot iyon.

"Kailan ba kayo free?" tanong ni Jornet habang humihigop ng sabaw.

"Ikaw kalian ka free?" balik na tanong ni ate . Umayos ito ng upo at tinignan kami ng pareho.

"Mas busy kaya kayo saakin, parehas pa talagang med ang kinuha niyo." Ngumiwing sumandal ito muli sa sofa. 

Parehas kaming napatawa ng mahina. "Madami kasing tinuturo saamin, siguro buong taon tutok kami sa libro." 

Napatango ako sa sinabi ni Jornet.

"I agree." Tinaas ko pa ang kamay ko na para bang nag recite.

"Hays, gusto kong pumunta sa mga park." ate hissed.

"Your favorite place is the park?"

Parang batang tumango ito. "Sobra-sobra!"

Sinubuan ko ito ng orange at agad niya namang tinggap iyon. Para siyang senorita, dahil habang nagkwe-kwentuhan kaming tatlo ay minamasahe at sinusubuan ko siya.

Natigil ang malakas naming tawanan ng biglang may malakas na nag ring na phone. Nagkatinginan kami ni ate, chicken wing ang ringtone kaya alam kong kay Ate iyon.

"Ate kunin mo." Ako naman ngayon ay nakasandal sa sofa.

"Ikaw na, tinatamad na ako eh." Napanguso ako. Akmang tatayo na ako ng biglang tumayo si Jornet.

"Ako na kukuha."

Hindi niya na ako hinayaan pa makasagot at agad na siyang naglakad palayo.

"Maasahan naman pala 'tong lalaking 'to." Agad ko siyang siniko sa tagiliran.

"Grabe ka naman makalalaki sakaniya, may pangalan kaya siya." Pinandilatan niya ako ng mata.

"Parehas lang naman yun."

Agad akong umayos ng upo at humarap sakaniya. "Mas proper kayang tawagin ang tao sa pangalan kaysa sa mismong gender nila."

Humarap din siya saakin at nag Indian sit sa harap ko, ganun na rin ang ginawa ko.

"Wala namang masama kung tatawagin ko siyang lalaki ah!"

"May masama doon Ate!" Lumunok ako. "Sige 'nga tatawagin kitang babae kaysa sa ate Finley."

Bigla itong napangiwi. "Sabi ko 'nga panget pakinggan yun." Bumalik ito sa dating pwesto kaya ganun din ang ginawa ko.

"Wag mo kong tatawagin ganun, Callista." Mahina akong natawa.

"Opo babae."

"Callista!"

Mas lalo akong natawa ng malakas ng makitang nanalaki ang mata nito. Ngunit natigil ako ng biglang nanubig ang mata nito, hindi mo lubusang malaman kung sino ang mas isip-bata saamin.

Agad ko siyang niyakap at hinagod ang likod niya. "Shh, I'm sorry. I will not do it again."

"P-Promise?" Palihim akong natawa dahil sininghot nito ang sipon hudyat na umiiyak siya.

"Promise, wag ka nang umiyak ate."

Tumango ito saka humiwalay sa yakapan namin. Pinigilan kong matawa dahil sa itsura ng mukha niya, para itong nanakawan ng candy.

"A-Ah nnandito po sila."

Agad kaming napatingin kay Jornet na hawak-hawak ang phone. Agad kaming nagkatinginan ni Ate ng malalaki ang mata. Akmang tatakbo na ako papunta kay Jornet ng maunahan na ako ni Ate.

"A-Ah hello, bro?"

Bigla na lang siyang napapikit at nailayo ang phone sa tenga niya. Bigla akong nilukob ng kaba.

"A-Ah sige bro."

Nagmamadaling tumabi ito saakin, agad naman akong tumingin sa screen.

"Bakit binaba?"

"Mag fa-face time raw." Halata ang panginginig ng mga kamay nito. Maski ang mga labi nito ay naginginig kaya hinagod ko ang likod nito.

Kahit na kinabahan din ako.

"Sorry guys." Sabay kaming napalingon kay Jornet.

"Sorry saan?" Kunot noong tanong ko. 

Umangat naman ang tingin niya saakin. "Sorry, kasi ako ang dahilan kung bakit magagalit ang mga kapatid niyo." Saka yumuko ulit.

Nagkatinginan kami ni ate at sabay kaming bumuntong hininga.

"Wala kang kasalanan, Jornet." Lumapit ako dito at umupo sa harap niya. Ngayon ay nakatingala ako sakaniya. "Choice naming papasukin ka sa buhay namin k-"

"Kung hindi kita sinasamahan noon ay baka hindi kayo mahihirapang magpaliwan-"

"Kung hindi mo nakita noon si Callis baka ngayon ay nasa mental hospital na yan." Saka umupo sa tabi ko. Ngayon ay kaming dalawa na ang nakatingala sakaniya.

Tumango na lang ako sa sinabi ni Ate. "Oo 'nga naman." Masuyong hinawakan ko ang kamay niya. "Kaya wag ka ng magsorry okay?"

Napipilitang tumango ito.

"H-Hello Bro." Pinilit ni ate na pasiglahin ang mukha at boses niya kahit na kinakabahan na siya. Bumuntong hininga ako, nagbabakasali na mawala ang kaba sa dibdib ko, ngunit mas lalong lumakas iyon ng marinig ko ang seryosong boses ni Kuya.

"Nasaan si Callista Niran?" Napalabi ako ng maring ko ang buong pangalan ko.

Binigay ni Ate saakin ang phone, nanginginig ang kamay na inabot iyon.

"B-Bakit mo ko hinahanap, kuya!?" Ginamit ko na agad ang puppy eyes ko. Malay mo naman hindi siya magalit kapag ginamit ko iyon.

"Don't use your puppy eyes on me, Callista." Napanguso na lang ako ng hindi gumana ang puppy eyes ko sakaniya.

"Sinong nagpapasok sa lalaking sumagot ng tawag kanina!?"

Napakagat na lang ako ng labi ng bahagya niya akong sinigawan. Napapikit ako dahil naramdaman ko na nanubig ang mata ko.

"I'm sorry, Calli." 

Napadilat ako ng marinig ko ang palayaw ko na tinawag niya saakin noong bata kami.

Nagulat na lang ako ng bumagsak ang luha na kanina ay pinipigilan ko. Maagap ko itong pinunasan ang luhang tumulo upang hindi makita ni kuya, baka sisihin niya ang sarili niya. 

I Met You (Complicated Life Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon