Kabanata 14

1.8K 38 0
                                    


Kabanata 14

Sobrang lamig ngayon dito sa korea -4 at iilan lang na damit na pang lamig ang nadala ko malay ko bang malamig ngayon dito.

Bukas ng umaga at pauwi naming pilipinas at may tatlong araw akong walang pasok. Sinulit ko ang korea, ano-ano kinain naming mga Cabin crew.

Humiwalay ako dahil may nakita akong korean store bumili ng ilang pang grocery para sa apartment ko at sa tita ko. Sabi ko hindi na ako gagasto pero saan dinala pera ko dito, pero okay na rin at least sa pag kain.

Nilanghap ko ang simoy ng hangin na malamig. Sa susunod nag dadala nako isang kabinet na puro jacket na makakapal.

••••••••••

Ngayon umaga ang flight namin pauwi may pasehero naman papuntang pilipinas. Pagod ako walang tulog.

••••••••••

Pag uwi ko galing airport naligo at nag ayos ng bahay wala si tita siguro may pinuntahan.

Habang nag lilinis may narinig akong pamilya na pangalan sa t.v kaya lalo ko nilaksan. Nang makita ko ang pangalan agad ko sinearch.

Sya. Sya iyong nasa litrato sa bahay namin sa cavite sya yun, yung mayaman.

"Is it true that you have a missing child?"

"Yes, that's true. I have a child. I have a child in the Philippines who I have not seen for 26 years."

May ilalan pang nag tatanong sakanya pero hinarang na ng mga bodyguard nya ang mga reporter.

26 years ng nawawala edi magkasing tanda kami ng anak nya.

Sa sobrang curious ko igogoogle ko na sana kaso may biglang kumatok.

"Sandali." sigaw ko.

"Nandito kana pala Aki. Sorry at hindi mo ako nadatnan na nandito kana pala."

"Okay lang po nag linis nalang din po ako para hindi mabagot."

"Adobong isda ang iluluto ko alam kong paborito mo yun."

"Grabe yung balita ngayon 26 years nya ng hindi nakikita yung anak nya sa 26 years na yun mag kasing tanda kami ng anak nya."

"Baka siguro nawala o pinaanpon?"

"May kilala po ba kayong Leonardo Carter? Kase yung pangalan nya pamilya sa litrato na nakita ko sa bahay natin sa cavite syang sya yung nakita ko sa t.v kanina."

"W-wala akong kilalang g-ganun."

"Sa tingi-"

"Sabing wala diba hindi mo sya kilala tandaan mo." sabay lakad nya paalis sa kusina.

Sino ba sya? Leonardo Carter?

••••••••••

Sa tatlong araw na day off ko hindi naganda ang pakirandam ko.

Kung mag kikita man kami wag na sana hindi ko kayang makita sya.

"Heyyy beautiful." pagbibigro ni Anton isa din sa cabin crew na nakasabayan ko mag training.

"Siraulo."

"Chismis ko si kapitan ex mo piloto ngayon."

"Hindi ko sya naging boyfriend. Ok?"

"Wow. Talaga ha? Halos balik daw yan sayo ng college pa kayo."

"Alam mo napaka chismoso mo."

"Totoo kay-"

"Totoo na chismoso ka."

"Hoy!  Hindi ha."

Ngumiti nalang ako at diretso ang lakad papunta sa eroplano. Rush-hour ngayon madami nag silalabasan ng bansa.

"Aki, ipinabibigay sayo ni Capt."

"Sinong Capt?"

"Captain Ladesma."

"Pakisauli at pakisabi narin na hindi ko tatanggapin baka mamaya may lason pa yan."

"Grabe pag ex na talaga wala na." he chuckled.

"Gago kaba anong ex, hindi ko naging ex yan."

"Sus. Sige sabihin ko ayaw mo pero eto sulat galing din sakanyan."

Aki

Let's meet when we arrived in Manila. We need to talk. Okada Manila, 7pm.

Captain L.

Let's talk? Ulol.

Dream HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon