Kabanata 107

13.1K 556 235
                                    

Kabanata 107:
Obedient

Helix and I were silent when we arrive at the hospital. Pagkatapos kong umiyak sa bisig niya ay hindi na ako nakapagsalita. I lost my voice. Hindi rin naman siya umimik at mukhang pinakiramdaman rin ako.

Nasa harap muli ako ni Xerox. Dalawa lang kami ni Helix ngayon rito sa loob ng kwarto dahil nang dumating kami rito ay kasambahay ang naabutan namin. The maid said that Xerox's parents went home to bring supplies for him here.

Nakatuko ang dalawa kong kamay sa gilid ng kama. Nakapalumbaba na nakatingin kay Xerox. We're embraced by the deafening silence. Mahinang tunog lang mula sa aircon ang sumusubok na bumasag noon.

I am staring at Xerox soft features now. Bago ang suot niyang damit. And the nurse just came here to monitor his condition. Lumapit si Helix sa tabi ko. He hold the picture frame in the side table. Iyong litrato ni Amethyst. I look at him.

My eyes dropped on the other picture frame. My chest heaved on seeing the new photo. It was Xerox and Amethyst together. Nakaakbay si Xerox kay Amethyst na hawak ang braso niya. Nakangisi silang dalawa habang nakatitig sa camera.

They are both wearing school uniform.

"He's really close to her sister same as how he's closed to you." ani Helix at dahan dahang binaba ang picture frame. Nakatingin ako sa kanya.

"Kaya ganoon na lang siya talaga ka miserable noong nawala siya. I think until now Xerox can't still heal his wounded heart. Sobrang lala noong nangyari." mahina ang tinig niyang sinabi.

"Ako nga na nakasaksi lang ng nangyari hindi pa rin gumagaling hanggang ngayon kaya paano pa siya?" tanong ko kay Helix.

Parehas kaming huminga ng malalim roon.

"Xerox was so devastated that time because it make us all remembered the horrible things that happened in the past. Para bang naulit iyon sa kanya. But this time, iyong babae niyang kapatid ang nawala."

Napatitig ako sa kanya dahil roon. Ito na naman iyong sinasabi nila na karumal dumal na nangyari noong nakaraan. Ilang beses ko na iyong narinig mula sa kanila. And now, I am really curious about it.

Ano bang nangyari sa nakaraan at bakit parang tinatago nila at iniiwasan nila iyong sabihin sa akin?

"Horrible things?" I ask Helix. Nakahilig siya sa side table. Ang dalawang kamay ay nakahilig sa magkabilang gilid.

May nangyari bang insidente rati?

He look at the deep of my eyes that his stare pierce through my soul. Tumikhim siya at iniwan niya akong tulala sa pinakawalan niyang mga salita.

"You're not the first girl who entered the school Raiven. Meron pang nauna sayo." sa baritono niyang tinig sinabi. I process the words he said and when it finally sank on my mind, I gasped harshly.

The chair shriek on the sudden move of it in the floor. Napatayo ako bigla sa sobrang gulat. Namimilog ang mata ko.

"H-Hindi ako ang unang babae na pumasok sa Olavarrio?!" I ask. Tumango si Helix roon at umawang ang labi ko.

"Yeah. Merong babaeng pumasok roon noon."

"Kailan iyon nangyari?" kumunot ang noo ko. Hindi ako makapaniwala. I never heard that a girl before me entered Olavarrio. I have a reason why I enter Olavarrio. Pero iyong mga babaeng nauna sa akin, ano ang dahilan nila?

"I was just grade 7 student that time. It was five years ago. She's a grade 12 student just like you."

"Kung ganoon nasaan na siya ngayon? Anong nangyari? Is she graduated now from Olavarrio?" doon siya biglang natahimik sa tanong ko. A cold silence embrace us suddenly.

Ruling The Last Section (Season 2- COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon