Patawad, Paalam- Mistula akong piping hindi makapag reklamo habang nagpapaka bulag ka.
- Binigyan ko ng halaga ang mga salitang wala ka naman palang balak na tuparin
- Isinapuso ko ang mga pangakong mapapako lang din.
- Kasabay ng pangisi mo ang pagluha ko habang patuloy na bumubuhos ang mga ala-ala nating dalawa
- "Hindi kita lolokohin, iba ako sa kanila"
- Hindi mo nga ako niloko ngunit pinagkaitan mo naman ako ng oras mo
- "Mamahalin kita higit pa kanino man?"
- Bakit tila yata hindi ko maramdaman ang pagmamahal na sinasabi mo?
- Pinilit kong maging matatag at manatili kasabay ng iyong unti-unting pagbabago
- Umaasang babalik ka sa dati kaya't hindi makapili sa pagitan ng paglaban o pagsuko
- Ngunit kahit na anong pilit na manatili ay darating pala talaga sa punto na susuko na.
- Kasiyahan mo lamang ang nais ko sa tuwina at kung paglayo sa'yo ang tanging paraan, mahal, patawad paalam.
- Kasabay ng pagluha ang pagyakap ko sa liham mo
- Halos ilang taon na pala ang nakalipas ngunit tila yata ako nalang ang nakakulong sa nakaraan
- Noong narating ko na ang ituktok, akala ko 'yon na ang magiging tagumpay ko
- Patawad sinta kung nakalimutan kita dahil sa paghabol ko ng pinaka mataas na ranggo
- Paalam, kung hindi lang ako naging lulong, wala ka sana sa bisig niya ngayon.
BINABASA MO ANG
Voice It Out
PoetryMga tulang hindi batid kung saan nanggaling, Siguro sa malumot na utak ng may akda. Mga tulang hinugutan kung saan-saan. Mga tulang mabibighani ka kaya? Well let's see! (COMPLETED)