Kabanata 19

615K 20.5K 2.4K
                                    

Restored copy/deleted comments/Let's make new memories :)

Kabanata 19

Nanlalabo ang aking paningin nang imulat ko ang aking mga mata. Pakiramdam ko ay may mainit na sumisingaw mula sa mga ito. Expected ko na ito. Magkakatrangkaso ako. Kahapon pa kasi masama ang pakiramdam ko. Kulang lang ako marahil sa tulog kaya nagkagnito. Idagdag pa iyong sinaktan ni Jumbo ang puso ko.

Pinilit kong tumayo pero nahihilo talaga ako. Pinili ko na lang iratay ang katawan ko sa higaan. Hindi ako pwedeng magkasakit. Walang mag-aalaga sa akin. At saka, paano si Jumbo? Sino ang mag-aasikaso sa kanya? Sino ang mag-aalaga sa kanya? Kahit galit ako sa kanya ay hindi ko siya pwedeng pabayaan. Isa pa, kailangan ko na ring maghanap ng trabaho. Wala na akong naitatabing pera kundi iyong nakalaan na lang sa gagamitin kong pamasahe sa pag-a-apply. Mayroon pang nakatagong pera na itinago ko sa hindi makikita ni Jumbo dahil plano ko iyong isampal sa mukha ni Mina.

Sinikap kong muling bumangon ngunit muli akong natumba. Nagkaka-trangkaso naman ako noon at nakakayanan kong alagaan ang sarili ko dahil hindi naman ako inaalagaan nila Mama. Laging ang bunsong kapatid ko lang na si Dangdang ang nasa tabi ko noon. Saka mabilis lang din naman akong gumaling kapag nagkakasakit ako noon. Pero parang iba yata ang nararamdaman ko ngayon. Mukhang malala itong trangkaso ko ngayon.


Akma pa akong tatayong muli nang dumulog sa akin si Jumbo. "Jumbo..." Nakikita ko ang pagtatanong sa kanyang mukha.

Hahawakan niya sana ako nang tabigin ko siya palayo. Galit pa rin kasi ako sa kanya. Hindi niya ako makukuha ng salitang sorry lang. Eh, ano kung nasabi niya sa akin ang salitang iyon na bago sa pandinig ko mula sa kanya. Halata namang natiyambahan niya lang na masambit ang mga salitang iyon. Baka narinig niya lang iyon sa kung saan. Noong pinapaulit ko kasi sa kanya iyon, hindi na niya maulit.

Dalawang salita lang ang itinugon niya sa akin at kaya niyang sabihin. Kung hindi Jumbo, papaya. Adik talaga siya papaya. Kahit papaya ng iba, tinikman! Hmp!

Pero in fairness, kinilig talaga ako nang marinig ang salitang sorry na sinambit niya. Kamuntik ko na tuloy siyang mapatawad at hilahin sa higaan. Ang husky kasi ng pagkakasabi niya non sa punong tainga ko na nakakakiliti at nakaka-tralala.

Bakit kasi ang sexy ng boses niya? Nakakahalina. Ibig sabihin pala, kung nasa katinuan lang itong si Jumbo, isang sorry niya lang ay bibigay na ako? Ang cute niya kasi humingi ng tawad. Nakakagigil.

Anyway, may tampo pa rin ako sa kanya. Nasaktan kasi talaga ako sa ginawa niya. Kaya kahit anong gawin niyang pag-aalo sa'kin, hindi ko pa rin siya papansinin. Paghirapan niya ang pagpapatawad ko. Ano iyon, hihingi lang siya ng sorry at tapos na? Hindi biro ang ginawa niya. Mabuti nga't pinayagan ko na siyang pumasok dito sa bahay, eh. Kung ibang babae iyon ay baka hiniwalayan na siya. Mabait pa rin ako ng lagay na ito.

Bigla niyang dinakot ang dibdib ko. "Jumbo..."

Napaungol ako. Pisti, Rosenda! Galit ka pa sa kanya. Galit!

Tinabig kong muli ang kanyang kamay. "'Wag kashe... ene ber..."

Okay, pwede na 'yan. Kaya lang may konting harot.

Ulit. "Ahem." Tumikhim ako. "'Wag kasi, ano ba?!" asik ko sa kanya. "Alis ka rito! Alis!" pagtataboy ko sa kanya.

Lumamlam naman ang mga mata bago siya umalis palayo sa akin. Ngunit nananatili pa rin siyang nakamasid sa'kin kahit lumayo nga siya.

Bumangon na ako nang tuluyan at nang makatayo, pinilit kong humakbang. Ngunit nakakailang hakbang pa lang ako ay para nang nagsisirko ang sikmura ko. Napaluhod tuloy ako at natagpuan ko na lang ang sarili ko na sumusuka na pala ako. Pagkatapos noon ay nagdilim na ang aking paningin. Tuluyan na akong nabuwal sa aking pagkakaluhod.

Naalimpungatan na lang ako yakap-yakap na ako ni Jumbo mula sa aking likuran. Nanginginig na pala ako sa lamig at nangangatal sa ginaw. Baluktot na baluktot ako sa aking kinahihigaan. Mabuti na lang at mainit ang kanyang katawan kaya kahit papaano ay naibsan ang nararamdaman kong panlalamig mula sa paligid.

"J-Jumbo..." usal ko. Halos hindi ako makapagsalita.

Nang maringi niya iyon, agad siyang bumangon. "Jumbo..." aniya habang punung-puno ng pag-aalala ang kanyang mukha nang humarap siya sa akin.

Nagdidiliryo na yata ako. Parang echo nalang kasi ang boses niya sa pandinig ko. Gayunpaman, pinilit ko pa ring magsalita. "J-Jumbo... may trangkaso ako..."

Niyakap niya muli ako mula sa harapan at naramdaman ko rin ang panginginig ng kanyang katawan. "Jumbo..." piyok ang tinig niya.

Umiiyak siya!

Nakaramdam ako ng guilt sa aking sarili. Kanina ko pa siya inaaway pero heto siya at nasa aking tabi. Bagay na ni minsan ay hindi ko naramdaman noon kila Mama sa tuwing nagkakasakit. Tanging si Dangdang lang ang nakagawa sa'kin nito bukod sa kanya. Parang hinaplos niya ang puso ko dahil dito.

"Shhh..." Gumanti ako nang yakap sa kanya. "O-okay lang ako... mawawala rin itong sakit ko..."

"J-Jumbo..." Kumalas siya sa akin at nakita ko agad ang nagtutubig niyang mga mata.

Na-touch tuloy ako sa pag-aalala niya sa akin.

Nagbago ang mukhaniya at napalitan iyon at pagpupursige. "Jumbo..." tumayo siya at naghalungkatsiya ng mga gamit.

Ano kayang hinahanap niya?

"Jumbo..." sabi niya pa.

Hindi ko naman siya maintindihan. Hindi siya humihinto sa paghahalungkat.

"'Lika na rito... yakapin mo na ako..." nanlalabo talaga ang paningin ko.

Pero hindi niya ako pinansin. Tumigil nga siya sa paghahalungkat ngunithumakbang naman siya papuntang pintuan. Binuksan niya ito at saka siya lumabas.

"J-Jumbo... 'wag mo akong iwan..." Napaubo ako. Agad akong bumangon kahit hirapat ginapang ko na lang ang sahig hanggang marating ko ang pintuan. Sinilip kosiya mula sa aking pwesto. "Jumbo... saan ka pupunta?" halos pasigaw kongtanong sa kanya nang matanaw ko pa siya.

"Jumbo!" sigaw niya. Patakbo siyang lumapit sa akin at binuhat niya ako gamitang kanyang mga bisig. Pagkuwan ay ibinalik niya ako sa aking kinahihgaan. "Jumbo..."sabi niya ulit.

Hindi ko talaga siya maintindihan. Ano kaya ang sinasabi niya sa akin?

Pumihit na siya patalikod sa akin at nanakbo palabas ng pinto.

"Jumbo... 'wag mo ko iwan..." naisatinig ko na lang ito dahil nawala na siyakaagad sa aking paningin. Kahit pilitin ko kasing bumangon ay hindi na akomakakilos kaya hindi ko na siya nahabol. Hinang-hina talaga ang aking katawan.

Saan siya pupunta? Anong gagawin niya? Kinakabahan ako. Baka mapahamak siya salabas lalo na't malalim pa naman na ang gabi.

Gumapang muli ako para kunin ang aking cell phone. Nang mahawakan ko ito,nagtipa agad ako ng numero ni Maxine. Sumagot naman siya agad sa kabilang linyaat pilit na ipinaliwanag ko ang nangyari.

"Okay. Hintayin mo ako dyan at pupuntahan kita agad. 'Wag ka nang kumilos, huh?"pagkasabi niya nito ay ibinaba na niya ang linya.

Bumalik ako sa aking kinahihgaan na puno ng pag-aalala. Natatakot ako na bakakung mapaano si Jumbo gayong wala siya sa tamang pag-iisip. Palaisipan pa rinkasi pati sa akin kung saan siya pupunta. Wala talaga akong ideya.

Pagkalipas nang kalahating oras ay dumating na si Maxine. May dala siyang mgagamot. "Oh, my gosh! Ang taas ng lagnat mo, Rosenda!" hiyaw niya nang hipuinniya ang aking noo.

Humawak ako sa knyang braso. "Maxine... si Jumbo..."

Tumayo siya at nangalikot sa kusina. Bukod kasi sa mga dala niyang gamot ay maydala rin siyang pagkain. Nang mailagay na niya ang mga ito sa mangkok, lumapitmuli siya sa akin. "Rosenda, 'wag mo munang isipin si Jumbo. Importante namagpagaling ka muna."

"Pero b-baka mapaano siya..." Walang kasama si Jumbo. Baka mapaano iyon.

"Okay. Hahanapin ko siya sa labas pero bago iyon, kumain ka muna at uminom kang gamot."

Marahan ko siyang tinanguan bago ko tinanggap ang iniaabot niyang pagkain saakin. Dali-dali ko itong inubos pagkatapos kong umupo mula sa aking pagkakahigaat saka uminom ng gamot. Matapos nga iyon ay lumabas na si Maxine at nagpaalamsa akin na hahanapin niya lang si Jumbo. Kahit paano ay kumalma ang pag-aalalako sa isiping matatagpuan niya ito.

Humiga na muli ako at abalang tinanaw ang orasan. Madaling araw na pala. Hindiako mapapakali nito hangga't hindi sila nakakablik sa akin. Saglit lang akonapapikit at pagmulat ko, maliwanag na sa labas. Hindi ko namalayang naigupopala ako ng antok. Maayos na rin ang aking pakiramdam at nakakatayo na ako.Pero nasaan si Maxine? Nakita niya kaya si Jumbo?

Kinuha ko agad ang aking cell phone at kinontak ko si Maxine. Ngunit bago paman iyon ay iniluwa na siya ng pinto papasok. "Nakita mo si Jumbo?" bungad koagad sa kanya.

Hindi niya ako tinugon bagkus ay lumapit agad siya sa akin. Hinaplos niya akosa noo. "Magaling ka na ba?"

Yamot na mga titig ang ipinukol ko sa kanya. "Maxine, nasaan si Jumbo?"

Hindi siya makatingin sa akin.

Bigla akong kinabahan. "Maxine..." humawak ako sa kanyang magkabilang balikat. "Nasaansi Jumbo? Nakita mo ba siya?"

Napabuga ng hangin si Maxine. "Rosenda, kasi..."

Habang pinatatagal niya, lalo lang akong nag-aalala. Nawala ako sa sarili atnasigawan ko siya. "Maxine, ano?! Nasaan si Jumbo?!"

Napapikit muna siya at saka tumugon. "Rosenda... si Jumbo...nakulong..."

"Ha?" natutop ko ang aking sariling bibig. Kamutik na akong mawalan ng balanse.

Kumapit ako sa kanyang balikat. "B-bakit siya nakulong... Maxine?"

 
Napalunok sya. "N-nagnakaw sya ng gamot sa drugstore, Rosenda... nagnakaw sya..."

Naglandas ang aking mga luha sa aking narinig.

JAMILLEFUMAH

@JFstories


Babysitting the BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon