Chapter 3

30.8K 859 191
                                    

Chapter 3

Law and Discipline

Muli akong napatingin sa paligid para masiguro na hindi ako nawawala at bigla nalang napadpad sa ibang village. Nakampante lang ako na hindi nga naliligaw dahil nakita naman ang mansiyon sa may hindi kalayuan.

Muli kong binalingan si Sir Mendez na halatang naghihintay sa eksplenasyon kung bakit nakatayo ako ngayon sa harap niya.

Ibang-iba ang kanyang suot sa karaniwan kong nakikita sa kanya sa university. Naka-jersey shorts at gray shirt lang siya. Nakasuot lang din siya ng tsinelas. Dumapo ang tingin ko sa kamay niyang may bitbit na paper bag mula sa isang sikat na fast food.

"Can I help you?" untag niya dahil napansin yata ang kawalan ko ng kakayanang magsalita.

Ipinalandas ko ang dila sa labi dahil nanuyo na ito sa gulat na kumubaw sa sarili. Mula sa bitbit niyang supot ay nag-angat ako ng tingin para matingnan ang mukha niya. Hindi na ako nagulat nang makita ang paniningkit ng kanyang mga mata habang pinagmamasdan ako.

"H-Hi, Sir!" Mistulang naging pumiyok na tunog ng ibon ang boses ko dahil sa kaba. Tumikhim ako upang mawala ito. "D-Dito na po pala kayo... nakatira?"

"I just moved here last night."

Paulit-ulit akong tumango na parang timang. Ramdam ko naman ang paghihintay niya.

"Doon po ang bahay namin!" kabado kong sinabi sabay turo sa mansiyon.

"Uh huh," matipid niyang tugon na nasa akin pa rin ang tingin. "Now, who's Pepe?"

Dahil sa sinabi niya ay wala sa sarili akong napatampal sa noo. Nasa harap ko lang si Sir, nakalimutan ko na ang puno't dulo kung bakit ako naging aligaga kanina. Mabilis kong muling nilingon ang sisiw. "Ang..." Nawindang ako nang makitang nawala na naman ito, "sisiw ko po..."

Sinundan niya ang tingin ko. Mas lalo lang nagtagpo ang kanyang kilay dahil sa kalituhan.

"Wala naman akong nakikita."

"Nasa bakuran niyo lang po 'yon kanina, Sir!" depensa ko. "Maliit po siya. Sobrang matingkad 'yong pagiging kulay dilaw niya. Hindi po 'yon nakakapagsalita dahil pipi po siya."

Huli na nang mapagtanto ko na nasobrahan yata sa pagdadaldal. Hindi umimik si Sir Mendez at pinagmasdan lang ako. Ngayon ko pa lang napansin na hindi niya man lang din ako pinagbuksan ng gate.

"Siya po si... Pepe," malamya kong dagdag. Ang awkward ng katahimikan.

Bumuntonghininga ang guro ko. "Wait here."

Tumalikod na siya at nagsimulang humakbang papalayo. Hindi pa man nakaka-tatlong hakbang ay huminto siya at muli niya akong nilingon. Dahan-dahan niyang ibinaba ang tingin sa mga paa ko. Dahil sinundan ko ang tingin niya ay nakita ko na tanging kulay gray na medyas lang pala ang sapin ko sa paa. Sobra talaga yata akong nagmadali na makalabas kanina at nakalimutan ko pa ang magsuot ng tsinelas!

Sa kahihiyan ay ipinatong ko ang kaliwang paa sa kanan. Muli naman siyang bumuntonghininga at naglakad pabalik sa kinatatayuan ko.

Walang kibo niyang binuksan ang pinto ng gate. Ngayon ay kaharap ko na siya at wala ng bakal na nakapagitan sa aming dalawa.

"Pumasok ka muna," malamig niyang sinabi at walang anu-ano ay tinanggal ang tsinelas na suot. "Wear these."

Sa gulat ay hindi ako nakakilos at awang ang labi ay tinitigan lang ang Gucci flip flops niya. Nagpatuloy naman siya sa paglalakad.

"Ilalagay ko muna 'to sa loob. Hanapin mo nalang sa bakuran ang sisiw mo."

"Uh...O-Opo!" sagot ko na medyo napalakas yata.

The Accused MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon