Chapter 22

263K 6.2K 617
                                    

#ADMwp Chapter 22

Madami akong ipon. Pinag-iipunan ko kasi ‘yung magiging kasal ko sa future. Gusto ko kasi perpekto. Gusto ko ‘yung tipong mala-fairytale. Nung nakilala ko si Uno, mas naniwala ako sa prince charming... Tinuturing niya ako na prinsesa. Nung nagpropose siya sa akin, nag offer ako na humati sa mga gagastusin sa kasal pero sabi niya, siya na daw ang bahala. He said that he waited for this day. Sinabi niya na pinaghandaan niya daw talaga ‘to kaya siya na ang bahala.

Little did I know na kaya pala hindi niya ako pinagastos ay dahil wala rin naman palang kasal na matutuloy.

Agad kong binayaran ‘yung pinakamaayos na condo unit na nakita ko. Mabuti na lang at pinalipat agad ako doon. Nagpasalamat ako kay Gaile dahil tinulungan niya ako na makalipat agad.

Nakahiga ako sa kama at nakatitig sa kawalan. Ayokong mag-isip. Kung pwede nga lang na i-shut down ko ‘tong utak ko ay malamang ginawa ko na.

Nabigla ako nung mag nagdoorbell. Wala naman akong pinagsabihan nitong bago kong tinitirhan bukod kay Gaile. Tumayo agad ako dahil pakiramdam ko ay ‘yung condo manager ang nasa labas. Baka ibbrief ako.

“Mira...”

Bumilis na naman ang tibok ng puso ko.

“Bakit ka nandito?” I said. He was reeking of alcohol. Shit naman! Bakit ba sinabi ni Gaile na nandito ako?! “Umuwi ka na nga,” pagtataboy ko sa kanya.

Bigla siyang lumuhod sa harapan ko. Iyak siya nang iyak. Wala na akong maintindihan sa sinasabi niya dahil panay ang iyak niya.

Nakatitig lang ako sa kanya. Hindi ko alam kung maaawa ba ako. Pakiramdam ko kasi mas masakit ‘yung pinagdadaanan ko kaya bakit ko iisipin ‘yung nararamdaman niya?

“Mira, please... talk to me...” pagsusumamo niya.

“Go home, Uno. There’s nothing to talk about.” Pipihit na ako patalikod nung yakapin niya ‘yung mga binti ko. Napako ako sa kinatatayuan ko at hindi ako makagalaw. “Bitiwan mo nga ako!”

“No...” he said in between sobs. “Mira, I love you. Ayokong pakasalan si Maicy... Mira, ikaw ‘yung mahal ko...”

My heart was breaking but I realized it was already broken. Wala ng ikadudurog pa ‘yung puso ko. Durog na durog na ako. Sobra na.

Dahan-dahan kong inalis ‘yung kamay niya sa binti ko.

“Sana inisip mo ‘yan bago mo binuntis ‘yung kapatid ko.”

A Drunken Mistake (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon