Pumunta na sa main content

Resources para sa Coronavirus (COVID-19)

Para sa mga traveler

Sa maraming property pages sa Booking.com, may kumpletong impormasyon na ngayon sa mga hakbang sa kalusugan at kaligtasan na ipinatupad ng mga accommodation. Kasama rito ang impormasyon tungkol sa social distancing at uri ng paglilinis na isinasagawa ng accommodation. Ipinapakita ang mga detalyeng ito sa malinaw at consistent na format para tulungan kang madaling ikumpara ang mga ito kapag pumipili ng accommodation na babagay sa 'yo. Puwede mo ring tingnan ang overall na score sa kalinisan ng property, na batay sa experience ng mga dating guest.

Kalusugan at kaligtasan

Safety features
  • Sinusunod ng staff ang lahat ng safety protocol na ipinapatupad ng local authorities
  • Tinanggal na ang shared na gamit tulad ng mga naka-print na menu, magazine, ballpen, at papel
  • May hand sanitizer sa guest accommodation at common areas
  • May proseso para sa pag-check ng kalusugan ng mga guest
  • Available ang first aid kit
  • May access sa health care professionals
  • May mga thermometer ang accommodation para sa guests
  • Available ang mga face mask para sa guests
  • Air purifiers
Social distancing
  • Contactless na pag-check in/pag-check out
  • Available ang cashless payment
  • Sumusunod sa mga patakaran sa social distancing
  • Mobile app para sa room service
  • May screens o physical barriers sa pagitan ng staff at guests sa mga nararapat na lugar
  • May single room na air conditioning para sa guest accommodation
Kalinisan at disinfection
  • Gumagamit ng cleaning chemicals na epektibo laban sa Coronavirus (COVID-19)
  • Nilalabhan ang linens, towels, at iba pang gamit ayon sa local authority guidelines
  • Na-disinfect ang guest accommodation bago at pagkatapos ng bawat stay
  • Naka-seal ang guest accommodation pagkatapos linisin
  • Nilinis ang property ng mga professional cleaning company
  • May option ang guests na i-cancel ang anumang cleaning service para sa kanilang accommodation sa panahon ng stay
  • May hand sanitizer
Ligtas na pagkain at inumin
  • May social distancing sa mga dining area
  • Puwedeng ipa-deliver ang pagkain sa guest accommodation
  • Na-sanitize ang lahat ng plato, kutsara, tinidor, kutsilyo, baso, at iba pang gamit pangkain
  • May takeout containers para sa almusal
  • Maayos na tinakpan ang dine-deliver na pagkain

General recommendations para sa travel

Bukod sa pag-consider ng mga hakbang sa kaligtasan at kalinisan ng property at reviews ng ibang travelers, narito ang iba pang inirerekomenda naming tingnan mo:

Couple na may suot na masks at nakasakay sa gondola na tumatawid sa bulubundukin

Mag-check ng travel restrictions

Bago mag-book ng trip mo, tingnan ang kasalukuyang travel restrictions para sa iyong bansa at iba pang bansa na pinaplano mong bisitahin. Siguraduhing gagawin mo ito kahit na dadaan ka lang sa isang partikular na bansa patungo sa iyong destinasyon.

Mag-update ng iyong travel checklist

Kapag nag-iimpake, huwag kalimutang magdala ng face mask, hand sanitizer, disinfectant wipes, at thermometer.

Mag-check ng local Coronavirus (COVID-19) situation

Bago mag-travel, alamin ang tungkol sa local Coronavirus (COVID-19) situation at anumang partikular na policy na dapat mong malaman, katulad ng paggamit ng pampublikong lugar. Mahalaga ring malaman kung paano ma-access ang local healthcare services, kung kakailanganin. Kung may iba ka pang tanong, puwede mo itong i-check sa accommodation pagdating mo.

Mag-observe ng distansya

Hangga't maaari, piliin ang online check-in at cashless payments habang nasa destinasyon mo. Sundin ang social distancing guidelines na inirerekomenda ng local authorities at WHO.

Manatiling updated

Alamin ang pinakabagong detalye sa anumang travel restriction o local government advice. Tandaan na puwede itong magbago habang nasa trip ka.

Mag-monitor ng sarili

Kung may maramdamang anumang symptom na mauugnay sa Coronavirus (COVID-19) habang nasa trip pa, mag-self quarantine, ipaalam ito sa staff ng accommodation, at kontakin ang local health authorities para sa dagdag na impormasyon.


Para sa mga partner

Naghanda kami ng nakakatulong na guidelines at tools para suportahan ka sa pag-iwas sa posibleng panganib sa kalusugan at tulungan kang bantayan ang kaligtasan ng staff at mga guest sa property mo.

Host na nagche-check in ng bagong guest sa kanyang hotel at parehong may suot na masks

Gawing panatag ang guests sa tulong ng mga hakbang sa kalusugan at kalinisan

Nagbibigay ito ng overview sa partikular na impormasyon sa kalusugan at kalinisan na maha-highlight mo sa Booking.com. May impormasyon din kung ano ang pinakamabuting paraan para ipaalam ito sa iyong mga potential guest para alam nila kung ano ang dapat asahan kapag nag-stay sa property mo.

Alamin ang detalye

Pagpapanatiling ligtas at malinis ng property mo

Ito ay mga guideline para suportahan ka sa iyong mga isinasagawang pag-iingat para manatiling ligtas, malusog, at protektado ang iyong staff at mga guest.

Alamin ang detalye

Partner Hub

Para sa ibang resources at impormasyon, pumunta sa Partner Hub.

Pumunta sa Partner Hub

Nakakatulong na links

May nawawala bang impormasyon? /

Salamat sa pag-share


Nakalaan ang article na ito para magbigay ng impormasyon at hindi dapat ituring na isang legal advice, mga karapatan, o guarantee​. Tandaan na maaaring kailangan mong maging mas maingat sa ilang indibidwal na sitwasyon.