Pumunta na sa main content

Kailan pinakamagandang bumisita sa Czech Republic?

Travel advisory

Batay ang impormasyon sa page na ito sa historical averages at maaaring hindi ipinapakita ang kasalukuyang sitwasyon. Alamin mula sa local authorities ang pinakabagong travel advice.

Magbasa pa

Pinakamagandang bumisita sa Czech Republic tuwing spring (pasimula ng Abril hanggang kalagitnaan ng Mayo) o tuwing autumn (katapusan ngSetyembrehanggang kalagitnaan ng Nobyembre) Karaniwang malamig ang temperatura at kaunti ang tao sa pagitan ng spring at autumn.

Kapag spring, mas mahaba ang mga araw, maaraw, at kadalasang tuyo ang panahon hanggang katapusan ng Mayo. Puwedeng mag-iba ang temperatura sa pagitan ng 9-20°C kaya siguraduhing magbaon ng mga damit na puwede sa mainit o malamig na panahon. Pero kung mananatili ka sa Prague, Pilsen, at Český Krumlov, makakasiguro kang hindi gaanong mainit o malamig. Mayo ang pinakamatao at pinakamagandang buwan ng taon dahil sa namumulaklak na mga bulaklak at festivals tulad ngPrague Spring Festival at Czech Beer Festival.

Pagkatapos ng mainit na summer, tumatagal ang mainit na panahon (14–19°C) hanggang simula ng Oktubre. Napakagandang pagkakataon nito na mag-relax sa mga old spa town tulad ng Karlovy Vary at tuklasin ang ancient forests ng West Bohemia. Ginaganap din tuwing autumn ang mahahalagang event tulad ng Dvorak’s PragueFestival at mga wine harvest festival sa iba’t ibang lugar. Paglampas ng kalagitnaan ng Oktubre, mapapansin mo ang biglang pagbagsak ng temperatura at mas madalas na pag-ulan, kaya magdala ng kapote at karagdagang pangginaw.

Monthly weather at travel tips sa Czech Republic

Kung hindi mo inaalintala ang maiikling araw at malamig na panahon, napakagandang experience ang pagbisita sa Czech Republic ng Enero. Una sa lahat, halos walang tao sa mga pangunahing lungsod tulad ng Prague at Brno pagkatapos ng Christmas holidays. Ibig sabihin, maaari kang makapasok sa mga sikat na attraction nang hindi gaanong naghihintay, at makakakuha rin ng discounted rates. Pero tandaan din na maraming sarado kapag Enero 1 dahil national holiday ito.

Ginaganap ang Winter Festival ng Bohemia, isang pagdiriwang ng opera, ballet, at classical music, sa mga unang araw ng buwan sa magagarbong opera house sa paligid ng capital, kasama rito ang The National Theater at ang sikat na Dvorak Hall ng Prague Rudolfinum. Puwede mo ring itaon ang pagbisita mo sa Three King's Day ng Enero 6, kung saan natatapos ang Christmas season sa pagkanta ng Christmas carols, pagtunog ng kampana, at pagbibigay ng regalo sa mahihirap. Pero 'wag mong maliitin ang lamig na may average na temperatura na -1°C, dahil ibig sabihin nito kailangan mong magdala ng waterproof coat at napakaraming pangginaw.

2°C

Pinakamataas

-2°C

Pinakamababa

15 araw

Ulan

Pagdating ng Pebrero, inaasahang umulan ng snow kahit saan, anumang oras. Wala halos pagkakaiba sa temperatura mula sa napakababang sub-zero ng Enero, at wala ring gaanong araw kaya dapat magdala ng mainit na winter clothes. Kung mahilig ka sa outdoor, pinakamagandang panahon ang Pebrero para mag-skii o mag-snowboarding sa Czech Republic, na may mga skii resort tulad ng Špindlerův Mlýn at Keilberg na bagay sa mga beginner at intermediate. At kung hindi ka mahilig mag-ski, maaaring mas magustuhan mo ang pagbababad sa hot springs sa mga spa town na tulad ng Karlovy Vary at Marianske Lazne (parehong maiksing day trips mula sa Prague).

Bohemian Carnevale, o kilala ring bilang “Masopust”, ang malaking event sa buwan na ito. Ipinagdiriwang ang simula ng Lent, kasama sa carnival ang mga parada ng maskara, live music, at pag-inom, pagkain, at pagsasayaw buong araw. Tumatagal ito ng limang araw sa Prague at sa ibang lugar sa Bohemian region tulad ng Český Krumlov. Bukod dito, ginaganap din sa Prague ang International Festival of Wind Orchestras sa iba’t ibang araw sa kalagitnaan ng Pebrero.

2°C

Pinakamataas

-3°C

Pinakamababa

13 araw

Ulan

Pagsapit ng spring, unti-unting umuusbong ang mga halaman at bulaklak sa Czech countryside. Kaya naman, mararamdaman mo pa rin ang lamig hanggang sa paglampas ng kalagitnaan ng Marso kapag umaabot sa 11°C kapag umaga, at puwedeng bumuhos ang snow sa mas matataas na lugar. Dahil dito, huwag kalimutang magdala ng makapal na coat at jumper para maging kumportable ka, at sunglasses kung sakaling mawala ang mga ulap.

Hindi lang isa, ngunit dalawang film festival ang nagaganap sa Czech capital tuwing Marso. Ipinapakita sa Febiofest ang mga bagong gawa ng international filmmakers, samantalang ipinapalabas sa One World International Human Rights Film Festival ang mga documentary tungkol sa mga social issue, lifestyle, at kalikasan. Parehong nagsisimula ang mga festival na ito sa Prague bago magtungo sa iba’t ibang lugar sa bansa.

9°C

Pinakamataas

1°C

Pinakamababa

14 araw

Ulan

Dumadami ang bilang ng turista sa buwan na ito dahil sa mas matagal, mas mainit, at mas maaraw na panahon. Ngunit madalas ang pag-ulan ng Abril sa Czech Republic, at hindi pa tuluyang nalusaw ang snow kaya mabuti pa ring magsuot ng jacket kapag namamasyal sa labas. Umaabot ang temperatura nang hanggang 15°C sa katapusan ng buwan, at madalang bumaba nang hanggang 5°C.

Nangyayari rin ang Easter weekend ng Abril, na nagtatapos sa family games at activities ng Easter Monday. Magandang panahon ito para maghanap ng souvenir sa mga Easter market ng Prague at subukan ang mga international na pagkain sa taunang Street Food Festival. Bukod dito, puwede kang bumisita sa katapusan ng buwan para sa ancient Pálení čarodějnic o “Burning of Witches” festival na ginagawa sa mga hilltop sa buong bansa tuwing Abril 30. Sa kasalukuyan, nagtitipon ang mga tao para panuorin ang pagsusunog ng mga witch-like effigy sa bonfires, habang ine-enjoy ang masasarap na pagkain at family-friendly activities.

14°C

Pinakamataas

5°C

Pinakamababa

13 araw

Ulan

Mayo ang pinakamataong buwan sa buong taon ngCzech Republic. Mas mainit na ang panahon, namumukadkad na ang mga bulaklak, at kaliwa’t kanan na ang mga malalaking festival sa Prague. Puwede kang magsuot ng manipis na jacket o kahit t-shirt lang sa pinakamainit na mga araw, pero maghanda pa rin sa paminsan-minsang malamig na panahon lalo na sa matataas na region tulad ng Pilsen.

Nagsisimula ang iba't ibang high-profile event sa Prague National Marathon sa simula ng Mayo. Puwede kang sumali o mag-cheer kasama ng mga nanunuod, at hintayin pagkaraan ang highlight ng taon – ang Prague Spring Festival na tumatagal mula kalagitnaan ng Mayo hanggang sa simula Hunyo. Pinapakita ng international music festival na ito ang pinakamahuhusay sa classical music sa iba’t-ibang theater at simbahan sa buong capital. Kasabay nito ang theater at comedy shows ng Prague Fringe Festival, ang Czech Beer Festival, at Prague Food Festival sa huling weekend ng Mayo.

18°C

Pinakamataas

9°C

Pinakamababa

14 araw

Ulan

Kung gusto mong ma-enjoy ang mas malamig na panahon na walang gaanong tao, pinakamagandang option mo ang pagpunta sa Czech Republic ng Hunyo. Nakaalis na ang festival crowd ng Mayo, pero padagsa pa lang ang mga student backpacker. Naglalaro ang temperatura sa 15ºC kapag umaga para kumportable kang makapamasyal sa naggagandahang lungsod tulad ng Brno, Olomouc, at Prague, o kaya naman tumambay sa beer garden at pagmasdan ang tanawin. Pero puwedeng umulan kahit anong oras, kaya mas mabuting magdala ng manipis na waterproof jacket.

Kumpara sa Mayo, walang festival kapag Hunyo sa Prague pagkatapos ng Spring Festival. Gayunpaman, marami pa ring puwedeng puntahan, kaya marami ka pa ring dahilan para lumabas ng capital at mamasyal. Sa Český Krumlov, ginaganap sa loob ng tatlong araw ang medieval-themed Celebration of the Rose na may mga costumed parade, traditional music, street theater, at fencing duels. Ginaganap din ang Festival of Chamber Music sa magarbong Renaissance castle sa katapusan ng buwan.

22°C

Pinakamataas

12°C

Pinakamababa

15 araw

Ulan

Tumataon sa kalagitaan ng high season ang pinakamainit na buwan ng taon sa Czech Republic kaya asahan mo ang napakainit na temperatura at maraming turista na sa mga lugar tulad ng Prague at Brno. Kaya naman Hulyo ang pinakamagandang panahon para pasyalan ang mga ‘di mataong destinasyon sa Czech Republic tulad ng Ostrava, Telč, at Krkonose National Park, at pati na rin ang ibang naggagandahang natural beauty na makikita rito. Kadalasang inaabot ng mid-twenties ang pinakamainit sa umaga, pero puwede ring lumampas hanggang sa 30ºC mark. Kaya mahalagang magdala ng sunglasses at sunscreen.

May national holidays ng Hulyo 5 at 6 kaya asahang sarado ang ilang shops. May local events na nangyayari sa buong bansa, may ilan na tumatagal ng ilang araw, samantalang inaabot ang iba ng ilang linggo. Nagtatampok ang tatlong linggong International Music Festival ng Český Krumlov ng classical music concerts at live performances na mula folk, soul, at jazz. Isang multi-genre music festival ang Colours of Ostrava na pinangungunahan ng mga international performers, habang ang Karlovy Vary International Film Festival ay pinupuntahan ng maraming kilalang artista para mapanuod ang higit sa 200 bagong pelikula na pinapalabas sa unang linggo ng Hulyo.

26°C

Pinakamataas

15°C

Pinakamababa

15 araw

Ulan

Mainit at maalinsangan ang Agosto kung saan nasa mid-twenties ang temperatura sa umaga at ang pinakamataas ay lumalampas sa 30ºC paminsan-minsan. Asahang maraming tao sa Prague at iba pang sikat na destinasyon sa paligid ng Bohemia, kaya pinakamabuting option para sa mas tahimik na bakasyon ang silangang region ng Moravia. Matatagpuan sa Brno, pangalawa sa pinakamalaking populasyon sa Czech Republic, ang makasaysayang rehiyon na punong-puno ng naggagandahang preserved castle, simbahan, at chateaux.

Itaon ang pagbisita mo para ma-experience ang isa sa maraming festival sa buong Czech Republic kapag Agosto. Sa Prague, ilang araw lang ang pagitan ng makukulay na mga parada ng Pride Festival at ng acrobatics, cabaret, at comedy ng International Festival of New Circus and Theater, na tumatagal hanggang sa katapusan ng buwan. Sa Moravia, may pagkakataon kang makanuod ng classical music concerts sa mga medieval castle at makainom ng locally produced wine sa dalawang linggong Moravian Castles Music Festival. Sa umpisa ng Agosto, host rin ang Brno sa taunang Motorcycle Grand Prix.

25°C

Pinakamataas

15°C

Pinakamababa

14 araw

Ulan

Pagkaraan ng tatlong buwan na mainit at maalinsangan, lumalamig na ang temperatura at maliit ang pagkakataong umulan ng Setyembre. Mas tahimik na rin dahil nakaalis na ang karamihan sa mga bumibisitang backpacker, mga estudyante, at school groups. Kaya hindi mo na kailangang maghintay nang matagal para makapasok sa mga top attraction sa malalaking lungsod, at hindi rin gaanong mainit.

Mas magandang mag-travel sa labas ng Prague dahil sa mas tuyong panahon. Pinakamadaling option ang pagrenta ng sasakyan para makapunta agad sa mga spa town tulad ng Karlovy Vary na sikat sa kanyang mga mineral-rich hot spring at thermal spa, at mga national park tulad ng Bohemian Switzerland National Park na kilala sa arching rock formation nito na Pravcicka Gate. Samantalang, wine harvest season sa Moravia na magarbong ipinagdiriwang sa medieval-themed parades, jousting tournaments, live music, at higit sa lahat, wine tasting sa mga bayan ng Mikulov at Znojmo. Sa Prague naman, may nakalaang dalawang linggo para sa classical works ni Antonín Dvořák para sa Dvořák Prague International Music Festival.

19°C

Pinakamataas

10°C

Pinakamababa

12 araw

Ulan

Hindi nagtatagal ang autumn sa Czech Republic. Una mong mapapansin ang pagpapalit ng kulay ng mga dahon, pagkatapos ang frost sa umaga, at sa katapusan ng buwan, bumababa ang temperatura nang hanggang 5°C. Pero kadalasan pa ring mas mainit kaysa rito, na inaabot ng average na 11ºC bilang pinakamataas. Magdala ng waterproof jacket kung bibisita ka ng Oktubre, dahil mas madalas nang umuulan.

Hitik sa matingkad na autumn colors ang mga park at garden ng Prague sa panahong ito. Ilaan ang hapon para pasyalan ang mga ito, bago sumakay sa makulay na canopy mula sa itaas ng Petřín Lookout Tower. Habang nasa capital ka, ma-experience ang culture sa Strings of Autumn Festival o Signal Light Festival na kung saan magarbong pinapailawan ang sikat na mga landmark ng Prague. Ang kaisa-isang malaking event sa national calendar ay ang Oktubre 28, araw kung saan naging malaya ang Czechoslovakia (na dating kilala sa ganitong tawag) noong 1918, at ginawang national holiday.

13°C

Pinakamataas

6°C

Pinakamababa

13 araw

Ulan

Mas nakikita at nararamdaman ang winter sa malamig na panahon ng autumn kapag Nobyembre. Pero kung kakayanin mo ang 1–5°C na temperatura, napakagandang panahon ito para sa isang tahimik at romantic city break. Sigurado ang pag-ulan at snowfall kaya siguruhing magdala ng waterproof na damit at matibay na boots.

Pero ibig sabihin ng maraming snow ay maraming naggagandahang scenery, lalo na sa maliliit na bayan ng Kutna Hora, Karlovy Vary, at Český Krumlov, na mapupuntahan sa loob ng ilang oras mula sa Prague. All Saints’ Day ang unang araw ng buwan kaya asahang sarado ang ilan nasaan ka man, samantalang ang huling araw ng buwan ay hudyat ng grand opening ng nakakamanghang Christmas market ng capital. Napupuno ang mga plaza sa buong lungsod ng timbered stalls na nagtitinda ng traditional crafts, masasarap na pagkain, at mulled wine. Dahil nabanggit ang wine, ipinagdiriwang ng Český Krumlov ang sarili nitong wine festival ng Nobyembre 11 sa karangalan ni St. Martin.

8°C

Pinakamataas

3°C

Pinakamababa

14 araw

Ulan

Pagdating ng Disyembre, nagiging isang winter wonderland ang Czech Republic. Mas malamig, mas madilim, at mas maraming snow sa mga araw na ito, ngunit nagniningning sa backdrop ng magical Christmas markets sa mga lungsod sa buong bansa. Balutin ang sarili sa patong-patong na damit para hindi ginawin sa sub-zero na temperatura, at lalong magpainit sa tulong ng svařák (mulled wine) habang lumilibot sa mga stall.

May mga Christmas market sa Brno, Olomouc, at Český Krumlov, pero nasa Prague ang pinakamaganda. Makikita mo ang mga ito sa central square, nakabalot lahat sa traditional decor, nagtitinda ng mga cute na Christmas craft, mainit na pagkain, at inumin. Puwede mong itaon ang pagbisita sa Prague sa Pasko, kapag may kumakanta na international choir sa Old Town Square, o sa St. Nicolas Eve (Disyembre 5) kapag nagbibihis ang mga lalaki bilang santo, anghel, at demonyo habang naglalakad at namimigay ng candy sa mga batang naging mabait at piraso ng uling sa mga batang makukulit. Pagkatapos ng Christmas break (national holiday ang Disyembre 24–26), nagtatapos ang taon sa isang magarbong firework display na ginaganap sa Prague ng Disyembre31.

3°C

Pinakamataas

-1°C

Pinakamababa

16 araw

Ulan

Weather at temperature sa Czech Republic

Dahil sa maliit na sukat nito, ang Czech Republic ang isa sa may malawak na climate zone na sumusunod sa magkaparehong seasonal patterns. Banayad at maaraw ang springtime, samantalang mas mainit nang kaunti ang simula ng autumn. Padating lang ng katapusan ng Oktubre nagsisimulang bumaba ang temperatura sa buong bansa. Dahil napapaligiran ng mabababang bundok, nakakaranas din ang Prague at iba pang destinasyon sa West Bohemia ng madalas na pag-ulan sa katapusan ng autumn, kaya magandang magdala ng kapote at extrang pangginaw.

Sa panahong maaraw, magandang mag-day trip sa countryside para pagmasdan ang natural landscape. Kung kapos sa oras, puwedeng mamasyal lang sa mga luntiang hardin at medieval streets ng Prague at i-enjoy ang Gothic facades ng mga landmark tulad ng St. Vitus Cathedral. Sulit puntahan ang lungsod ng Český Krumlov, na sikat dahil sa kanyang hillside Renaissance castle, kung maisisingit mo sa iyong itinerary.

Enero Pebrero Marso Abril Mayo Hunyo Hulyo Agosto Setyembre Oktubre Nobyembre Disyembre
Prague Pinakamataas 3°C 3°C 10°C 15°C 19°C 22°C 26°C 25°C 19°C 14°C 9°C 5°C
Pinakamababa -1°C -3°C 1°C 5°C 9°C 12°C 15°C 14°C 11°C 6°C 4°C 0°C
Ulan 15 araw 14 araw 14 araw 13 araw 15 araw 15 araw 16 araw 14 araw 13 araw 13 araw 15 araw 16 araw
Brno Pinakamataas 2°C 3°C 9°C 15°C 19°C 23°C 26°C 25°C 19°C 13°C 9°C 3°C
Pinakamababa -2°C -3°C 1°C 5°C 10°C 13°C 16°C 15°C 11°C 7°C 3°C -1°C
Ulan 15 araw 14 araw 14 araw 13 araw 15 araw 15 araw 16 araw 14 araw 13 araw 13 araw 15 araw 16 araw

Mula sa Forecast.io ang weather data

Halaga ng stay sa Czech Republic

Gustong mag-travel nang sulit? Dito, puwede mong tingnan ang average na halaga ng accommodation sa Czech Republic kada gabi.

    0 46 92 138 184
  • ₱ 5,771 Enero
  • ₱ 5,960 Pebrero
  • ₱ 6,625 Marso
  • ₱ 6,890 Abril
  • ₱ 8,244 Mayo
  • ₱ 7,128 Hunyo
  • ₱ 6,920 Hulyo
  • ₱ 6,883 Agosto
  • ₱ 7,093 Setyembre
  • ₱ 7,347 Oktubre
  • ₱ 6,456 Nobyembre
  • ₱ 8,518 Disyembre
    0 46 92 138 184
  • ₱ 5,305 Enero
  • ₱ 5,628 Pebrero
  • ₱ 5,783 Marso
  • ₱ 6,176 Abril
  • ₱ 7,232 Mayo
  • ₱ 6,392 Hunyo
  • ₱ 6,629 Hulyo
  • ₱ 6,493 Agosto
  • ₱ 5,942 Setyembre
  • ₱ 6,106 Oktubre
  • ₱ 5,392 Nobyembre
  • ₱ 7,711 Disyembre
    0 46 92 138 184
  • ₱ 1,510 Enero
  • ₱ 1,492 Pebrero
  • ₱ 2,000 Marso
  • ₱ 2,028 Abril
  • ₱ 2,820 Mayo
  • ₱ 2,324 Hunyo
  • ₱ 2,408 Hulyo
  • ₱ 2,267 Agosto
  • ₱ 2,054 Setyembre
  • ₱ 2,132 Oktubre
  • ₱ 1,835 Nobyembre
  • ₱ 2,377 Disyembre
    0 46 92 138 184
  • ₱ 9,717 Enero
  • ₱ 10,084 Pebrero
  • ₱ 8,498 Marso
  • ₱ 8,112 Abril
  • ₱ 8,697 Mayo
  • ₱ 7,942 Hunyo
  • ₱ 8,609 Hulyo
  • ₱ 8,484 Agosto
  • ₱ 7,943 Setyembre
  • ₱ 8,367 Oktubre
  • ₱ 8,599 Nobyembre
  • ₱ 11,138 Disyembre
    0 46 92 138 184
  • ₱ 4,591 Enero
  • ₱ 4,792 Pebrero
  • ₱ 4,988 Marso
  • ₱ 4,993 Abril
  • ₱ 5,444 Mayo
  • ₱ 5,220 Hunyo
  • ₱ 5,564 Hulyo
  • ₱ 5,542 Agosto
  • ₱ 5,154 Setyembre
  • ₱ 5,446 Oktubre
  • ₱ 4,920 Nobyembre
  • ₱ 5,548 Disyembre

Pinakamagagandang puntahang lugar sa Czech Republic

Tingnan ang ilan sa mga pinakasikat na lungsod, mapupuntahang lugar, at dapat gawin sa Czech Republic!

Ano ang sinasabi ng ibang travelers sa kanilang bakasyon sa Czech Republic