Yakub Kolas
Yakub Kolas (maaari ring Jakub Kołas, Biyeloruso: Яку́б Ко́лас, Nobyembre 3 [Lumang Estilo Oktubre 22] 1882 – 13 Agosto 1956), Kanstantsin Mitskievich (Міцке́віч Канстанці́н Міха́йлавіч) sa tunay na pangalan ay isang Belarusong manunulat, Makataong Makata ng Byelorussian SSR (1926), at kasapi (1928) at pangalawang pangulo (simula 1929) ng Paaralang Pang-Siyensa ng Belarusya (Belarusian Academy of Sciences).
Sa kanyang mga gawa, nakilala si Yakub Kolas bilang isang simpatiko ngunit isang pangkaraniwang tao mula sa Belarusya. Patunay dito ang kanyang panulat-pangalan na 'Kolas', na ang ibig sabihin ay 'Tainga ng Butil' sa salitang Belarusya. Sumulat siya ng koleksiyon ng mga tula Awit ng Pagkabihag (1908) at Awit ng Hinagpis (Biyeloruso: Песьні-жальбы, 1910), mga tulang Ang Bagong Lupain (Biyeloruso: Новая зямля, 1923) at Si Simon na Musikero (Biyeloruso: Сымон-музыка, 1925), mga kuwento at sarswela. Ang kanyang tulang Ang Dampa ng Mangingisda (Biyeloruso: Рыбакова хата, 1947) ay patungkol sa laban pagkatapos ng pakikisa ng Belarusya sa Estados ng Sobyet. Ang kanyang trilohiya Sa Sangang-Daan (1954) ay tungkol sa bago-maghimagsikang buhay sa Belarusya at ang kalayaang karunungan. Pinarangalan siya ng USSR State Prize noong 1946 at 1949.