Pumunta sa nilalaman

Windhoek

Mga koordinado: 22°34′12″S 17°05′01″E / 22.57°S 17.0836°E / -22.57; 17.0836
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Windhoek

Windhoek
Windhoek
Windhuk
Otjomuise
lungsod, big city
Eskudo de armas ng Windhoek
Eskudo de armas
Map
Mga koordinado: 22°34′12″S 17°05′01″E / 22.57°S 17.0836°E / -22.57; 17.0836
Bansa Namibia
LokasyonKhomas Region, Namibia
Itinatag1840
Lawak
 • Kabuuan5,133,000,000 km2 (1.982×109 milya kuwadrado)
Populasyon
 (2020)
 • Kabuuan431,000
 • Kapal0/km2 (0.00022/milya kuwadrado)
Sona ng orasUTC 02:00
Websaythttps://www.windhoekcc.org.na/

Ang Windhoek ( /ˈwɪndhʊk/, Afrikaans: [ˈvəntɦuk], Aleman: [ˈvɪnthʊk]) ay ang kabisera at ang pinakamalaking lungsod ng Namibia. Matatagpuan ito sa gitnang Namibia sa lugar ng talamapas sa Kataasang Khomas, sa mga 1,700 metro (5,600 talampakan) sa itaas ng antas ng dagat, halos tumpak na nasa pang-heograpiyang gitna ng bansa. Nasa 431,000 ang populasyon ng Windhoek noong 2020[1] na patuloy na lumalago dahil sa dagsa mula sa buong Namibia.

Ang Windhoek ay ang sentrong panlipunan, ekonomiko, pampolitika, at pangkalinangan ng bansa. Punong-himpilan ito ng halos bawat pambansang negosyo, katawang pampamahalaan, institusyong pang-edukasyon at pangkalinangan ng bansa.

Umunlad ang lungsod sa sityo ng isang permanenteng mainit na bukal na kilala sa mga katutubong pastoral na pamayanan. Mabilis itong umunlad pagkatapos nanirahan dito si Jonker Afrikaner, ang Kapitan ng Orlam, noong 1840 at nagtayo ng simbahan para sa kanyang pamayanan. Sa mga dekada na sumunod dito, nagresulta ang mga maraming digmaan at armadong labanan sa pagpapabaya at pagkawasak ng bagong panirahan. Naitatag ang Windhoek sa ikalawang pagkakataon noong 1890 ng Mayor ng Imperyal na Hukbong Aleman na si Curt von François, nang nakolonisa ang teritoryo ng Imperyong Aleman.

Ekonomiya at imprastraktura

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang lungsod ay ang administratibo, komersyal at industriyal na sentro ng Namibia. Tinataya ng isang pag-aaral noong 1992/93 na nagbigigay ang Windhoek ng higit sa kalahati ng hindi pang-agrikultura trabaho, kasama ang bahagi nito sa pambansang empleyo sa utilidad na 96%, sa trasportasyon at komunikasyon na 94%, at sa pananalapi at mga serbisyong pang-negosyo na 82%.[2] Dahil sa kauukulang laki nito[3] ang Windhoek ay ang panlipunan, ekonomiko, at pangkalinangang sentro ng bansa na mas sentro pa kaysa ibang pambansang kabiserang lungsod. Halos lahat ng pambansang negosyo ay narito ang punong-himpilan. Ang Unibersidad ng Namibia din ay ang natatanging teatro ng bansa, gayon din, narito ang mga punong tanggapan ng lahat ng ministro, at lahat ng pangunahing midya at pananalaping entidad.[4] Katumbas ng pampamahalaang badyet ng lungsod ng Windhoek ang halos lahat ng ibang lokal na awtoridad ng Namibia kapag pinagsama.[5] Sa 3,300 milyonaryo (sa Dolyar ng Estados Unidos) sa Namibia, nakatira ang 1,400 sa Windhoek.[6]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Windhoek, Namibia Population 1950-2020". www.macrotrends.net (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-03-14.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "The Windhoek Structure Plan" (PDF) (sa wikang Ingles). City of Windhoek. 1996. p. 6. Nakuha noong 2 Hulyo 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  3. Ang pangalawang pinakamalaking lungsod sa Namibia, ang Look ng Walvis, ay mayroong 43,700 naninirahan: "ELECTIONS 2010: Erongo regional profile" (sa wikang Ingles). New Era. 16 Nobyembre 2010. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-03-16. Nakuha noong 2021-05-20.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Kapitako, Alvine (12 Nobyembre 2010). "ELECTIONS 2010: Khomas Region profile". New Era (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 5 Disyembre 2012.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Heita, Desie (11 Pebrero 2010). "Owning a house ... a dream deferred". New Era (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 16 Hulyo 2011.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Nakashole, Ndama (24 Abril 2017). "Namibians 3rd wealthiest people in Africa". The Namibian (sa wikang Ingles). p. 13.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)