Wikipedia:Sinupan ng mga nagdaang napiling larawan/Sinupan 3
Mga napiling larawan noong 2008 (kabuoang bilang: 25)
[baguhin ang wikitext]Ang paskwa o paskwas (Euphorbia pulcherrima), na kilala bilang poinsettia sa Ingles at bilang pascua sa Kastila ay mga Pamaskong bulaklak na nagmula sa Mehiko, katutubo sa dalampasigang Pasipiko ng Estados Unidos, ilang bahagi ng gitna at katimugang Mehiko (kabilang ang dalampasigang Pasipiko ng Mehiko), at ilang lokalidad sa Guatemala. Sa Ingles, ipinangalan ang mga ito mula kay Joel Roberts Poinsett, ang pinakaunang embahador ng Estados Unidos para sa Mehiko (o pinakaunang kinatawan ng Estados Unidos sa Mehiko). Kuha ni: André Karwath/Aka.
Ang Dalagitang may Perlas na Hikaw ay isa sa mga dibuho ng pintor ng Olandang si Johannes Vermeer. Ipinahihiwatig ng pamagat ng dibuho na ginamit ang perlas bilang isang pamukaw-pansin. Kasalukuyan itong nasa museong Ang Mauritshuis sa Ang Hague. Binansagan itong "ang Mona Lisa ng Hilaga" o ang " Mona Lisa ng mga Olandes". Ipininta ni: Johannes Vermeer/Karga ni Thebrid.
Ang iskwirel o ardilya ay isang uri ng mga dagang nanginginain ng mga butil tulad ng mani. Isa ito sa maraming mga maliit o hindi gaanong kalakihang mga dagang nasa pamilyang Sciuridae. Karaniwang tumutukoy ang mga ito sa mga kasapi sa saring Sciurus at Tamiasciurus, na tatlong mga iskwirel na may malalaking mga tila palumpong na mga buntot, at katutubo sa Asya, sa mga Amerika, at sa Europa. May katulad ding sari na matatagpuan sa Aprika. Kuha ni: Ray eye/Karga ni Fabien 1309.
Ang mapa ay ang paglalarawan ng kalawakan na ginagamitan ng mga simbulo, at nagpapahiwatig ng kaugnayan ng bawat bagay, rehiyon at tema ng sinasaad na kalawakan. Kadalasan, isang 2-dimensyong modelo ito ng isang 3-dimensyong kalawakan. Ngunit dahil sa mga kompyuter at sistemang database, napalawig ang pagsulong ng Sistema ng Impormasyong Heograpiko. Isang lumang halimbawa ang Mapa ng Mundo noong 1689. Kuha ni: van Schagen/Tarawneh.
Ang suntukan o boksing ay isang laro sa larangan ng palakasan kung saan dalawang magkatunggali na may parehong timbang ang naglalaban sa pamamagitan ng kanilang mga kamao. Sina Ricardo Dominguez (nasa kaliwa, mula sa Mehiko) at Rafael Ortiz (nasa kanan, mula sa Oregon, Estados Unidos) ang naglalaban sa larawan sa itaas. Nagsimula ang Pilipinong si Manny Pacquiao sa karera bilang isang propesyonal na boksingero noong 1995 sa bigat na 106 libras. Kuha ni: Wayne Short/Shawnc.
Undas o Araw ng mga Patay ang tawag sa Pilipinas para sa kapistahan ng Todos los Santos. Ipinagdiriwang ito tuwing ika-1 ng Nobyembre o unang Linggo ng Pentekostes bilang paggunita sa lahat ng santo o banal, kilala man o hindi. Sa araw na ito rin humihingi ang mga Kristiyano ng tulong mula sa lahat ng santo at martir. Mayroon ding Araw ng mga Patay sa Mehiko, at pinagdiriwang sa pamamagitan ng paggamit ng mga Catrina, mga manikang kalansay. Kuha ni: Tomascastelazo.
Arkeolohiya ang tawag sa pag-aaral ng mga kalinangang pantao sa pamamagitan ng pagbawi, pagtatala, at pagsusuri ng mga bakas, katulad ng arkitektura, labi ng tao, at mga tanawin. Ito lang ang disiplinang nagtataglay ng kaparaanan at teoriya para sa pagtipon at pagpapaliwanag ng impormasyon ukol sa nakaraan ng tao bago pa nagkaroon ng nasusulat na kasaysayan. Tunghayan sa larawan ang mga arkeologong nasa hukay sa Gran Dolina, ng Atapuerca, Espanya. Kuha ni: Mario Modesto Mata.
Ang anime ay ang daglat ng salitang animasyon sa Hapones. Tinatawag itong japanimation (haponimasyon) sa Kanluraning bahagi ng daigdig. Bagaman eklusibo lang ito sa mga kartung gumagalaw mula sa Hapon, isa lamang uri ng animasyon ang anime. Hindi anime ang lahat ng animasyon. Isang halimbawa nito si Mahuri sa itaas. Kuha ni: Niabot.
Ang kamay ay ang mga bahagi ng katawan ng tao at hayop, katulad ng matsing, na kapwa binubuo ng mga palad at mga daliri. Likas na mayroong limang mga daliri lang ang bawat kamay ng tao, ngunit nagpapakita ng anim sa isang kamay ang X-ray na nasa itaas. Kuha ni: Drgnu23, pinainam nina Grendelkhan, Raul654, at Solipsist.
Ang kamera ay isang kasangkapan o aparatong nakakakuha ng mga litrato. Sa Pilipinas, tinatawag din itong kodak bagaman isang pangalan ng kumpanya at tatak ng kamera ang Kodak. Kaya mayroong salitang magkodakan na nangangahulugang "magkuhanan ng litrato (sa pamamagitan ng kamera)." Produkto ng kumpanyang Agfa ang lumang kamerang nakalarawan. Kuha ni: Berthold Werner
Ang mga ibon ay grupo ng mga vertebratang hayop. Maiinit ang kanilang dugo kaya't kumukunsumo ng maraming enerhiya. Nababalutan sila ng balahibo, may pakpak, may kaliskis sa paa, at may tuka ngunit walang ngipin. Kabilang sa may 9,000 uri nito ang Sitta europaea. Kuha ni: Paweł Kuźniar
Ang tubig ay isang sustansiyang walang lasa, walang amoy, at walang kulay kung nasa dalisay niyang anyo, at mahalaga para sa lahat ng mga kilalang buhay. Sagana ang daigdig sa tubig na matatagpuan sa lahat ng lugar, tulad ng dumadaloy mula sa isang gripo sa Switzerland. Kuha ni: Juhanson
Ang bonsai ay isang sining ng pagpapatubo at pag-aalaga ng mga puno at halaman na pinananatiling maliit. Ginagawa ito sa pamamagitan ng pangangalaga ng isang puno sa isang maliit na paso at pagpuputol ng mga sanga at ugat nito. Tinuturuan ang mga punong bonsai na lumaki sa hugis na kaakit-akit sa paningin. Kuha ni: Peggy Greb ng USDA
Ang lawa ay isang anyong tubig na pinapalibutan ng lupain. Tubig tabang ang karamihan sa mga lawa sa daigdig, at matatagpuan as Hilagang Hemispero. Tinatawag na mga panloob na dagat ang mga malalaking lawa. Nasa timog-silangang Kazakhstan ang Lawang Kaindy. Kuha ni: Jonas Satkauskas
Mga budista ang tawag sa mga naniniwala sa Budhismo. Sinusunod nila ang mga pagtuturo ni Gautama Buddha. Ipinakikita sa larawang ito ang mga istatwa ng mga budistang nagbibigay papuri kay Buddha, sa Hong Kong. Kuha ni: AngMoKio / pinainam ni Olegivvit
Ang talon ay mga daloy ng tubig mula sa isang mataas hanggang sa mababang bahagi ng isang pook. Nabubuo ang mga ito kapag dumadaloy ang tubig mula sa isang lugar na may matitigas na mga batuhan patungo sa mas mahihinang uri ng lupa, yelo o bato.
Kuha ni: Derek Ramsey
Ang mga isda ay mga vertebratang mula sa Kahariang Animalia at nabubuhay sa tubig. Ngunit tulad ng tao, kailangan nila ng sapat na oksiheno para mabuhay. Isang halimbawa nito ang Synchiropus splendidus.
Kuha ni: Luc Viatour
Ang mga mata ang organo ng paningin na nakadarama ng liwanag. Walang ginagawa ang mga pinakapayak na mga mata kundi ang dumama ng liwanag at kadiliman sa kapaligiran, habang nakakapansin naman ng mga hugis at kulay ang mga mas masalimuot na uri ng mga mata.
Kuha ni: Che
Ang dikya ay isang uri ng hayop sa dagat na nakasasanhi ng pangangati kapag nadikit sa balat ng tao. Mala-gulaman ang katawan ng may galamay na hayop pantubig na ito. Binabaybay din itong dikiya, at kilala bilang jellyfish sa Ingles.
Kuha ni: Hans Hillewaert
Ang mekaniko ay isang taong may kaalaman at kakayahang sumuri ng mga sasakyang panlupa, pandagat o panghimpapawid. Sa Pilipinas, karaniwang pinapatungkulan nito ang mga may kakayahang magkumpuni sa mga kotse, bus at mga trak.
Kuha ni: Lewis Hine; ambag ni: Solipsist
Ang langaw at bangaw ay mga insektong may isang pares ng pakpak sa mesothorax at isang pares ng halteres. Sila ay kumakain ng mga dumi; dahil dito, ang kulisap na ito ay naging kilalang nagpapakalat ng sakit katulad ng malaria, dengue, West Nile virus, yellow fever at encephalitis. Ang langaw ay isa ring simbolo ng kamatayan sa Bibliya at sa mga mitong Griyego. Nakatutulong ang ibang uri ng mga langaw sa polinasyon ng mga bulaklak. kuha ni Richard Bartz |
Si Papa Juan Pablo II (Latin: Joannes Paulus PP. II), ipinanganak Karol Józef Wojtyła (pinakamalapit na bigkas, /KA-rol YU-zef voy-TI-wa/; Mayo 18, 1920–Abril 2, 2005) ang papa mula Oktubre 16, 1978 hanggang sa kaniyang kamatayan. Siya ang ika-264 na Papa sa kasaysayan ng Simbahang Katoliko, ang kauna-unang di-Italyanong Papa sa nakaraang 455 taon, at ang pinakaunang na nagmula sa Poland.
Kuha ni: Radomil
Mga nagdaang napiling larawan...
Ang Buwan ang tanging likas na satelayt ng Daigdig. Wala itong pormal na pangalan at tinatawag lang itong "Ang Buwan" ngunit paminsanminsan ay tinatawag din itong Luna (Latin ng buwan) upang maiba sa pangkalahatang tawag na "buwan".
Kuha ni: User:Lviatour
Mga nagdaang napiling larawan...
Ang kari-kare o kari-kari o kare-kare ay isang lutuing Pilipino na may katas ng mani at mga laman at paa ng baboy o laman at buntot ng baka.
Kuha ni: GracinhaMarco Abundo
Mga nagdaang napiling larawan...
Ang isang karpintero, alwagi, anluagi o anluwagi ay isang bihasang artesano na nagkakarpintero - isang malawak na sakop sa paggawa sa kahoy na kinabibilangan ng pagsasagawa ng mga gusali, kasangkapan, at ibang pang bagay na yari sa kahoy. Kinasasangkutan ang trabahong ito ng paggawang manwal at pagtrabaho sa labas, partikular na ang magaspang na pagkakarpintero.
Kuha ni: Alfred T. Palmer