Si Khutawyre Wegaf o Ugaf ang paraon ng Ikalabingtatlong Dinastiya ng Ehipto na alam rin mula sa ilang mga sanggunian kabilang ang isang stelae at mga estatwa. May isang heneral na alam mula sa isang scarab na may parehong pangalang Wegaf na marahil ay identikal sa haring ito. Ang isang haring may pangalang Khutawyre na lumilitaw sa talaang hari ng Turin bilang unang pinuno ng ika-13 dinastiya. Gayunpaman, ang ilang mga mananaliksik lalo na si Kim Ryholt ay nangatwirang ang manunulat ng talaan ng hari ay nalito sa pangalang Khutawre with sa pangalang Sekhemre Khutawy at kanilang inilagay sa Wegaf sa gitna ng ika-13 dinastiya. Sa Abydos, siya ay gumawa ng isang stele na inihandog sa pag-ingat ng daanang prusisyon sa lugar ng Wepwawet na kalaunang sinunggaban ni Neferhotep I (Cairo Museum JE 35256).