Pumunta sa nilalaman

Mga boson na W' at Z'

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa W' and Z' bosons)
Mga boson na W' at Z'
KomposisyonElementaryong partikulo
EstadistikaBosoniko
Mga interaksiyonElectroweak[1]
EstadoHypothetical
Masaunknown
Nabubulok sakatulad ng sa mga boson na W at Z
Elektrikong kargaW': ±1 e
Z': 0 e
Ikot1[2]
Mga estadong ikot2

Sa partikulong pisika, ang mga boson na W' at Z' (Ingles: W' and Z' bosons o W-prime and Z-prime bosons), ay tumutukoy sa hipotetikal na bagong gauge boson na lumilitaw mula sa ekstensiyon ng symetriyang elektrohina ng Pamantayang Modelo. Ang mga ito ay pinagalanan bilang analohiya sa mga boson na W at Z ng Pamantayang Modelo.

Mga uri ng boson na W'

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga boson na W' ay kalimitang lumilitaw sa mga modelo na may ekstrang SU(2) gauge group. Ang SU(2) × SU(2) ay spontaneosong nasirira sa diagonal subgroup SU(2)W na tumutugon sa electroweak SU(2). Sa mas pangkalahatan, maaari tayong magkaroon ng n na mga kopya ng SU(2), na nasisira naman sa SU(2)W. Ito ay nagpapalitaw sa n−1 W ', W' at mga boson na Z'. Ang gayong mga modelo ay halimbawa maaaring lumitaw mula sa diagramang quiver. Upang ang mga boson na W' ay umugnay sa isospin, ang ekstrang SU(2) at SU(2) ng Pamantayang Modelo ay dapat maghalo. Ang isang kopya ng SU(2) ay dapat masira sa mga eskalang TeV(upang makuha ang mga boson na W' na may masang TeV) na nag-iiwan ng ikalawang SU(2) para sa Pamantayang Modelo. Ito ay nangyayari sa mga Munting Higgs na naglalaman ng higit sa isang kopya ng SU(2). Dahil ang W' ay nagmumula mul a sa pagkasira ng SU(2), ito ay henerikal na sinasamahan ng isang boson na Z'(na halos) parehong masa at may pag-uugnay) na kaugnay sa mga pakikipag-ugnayang W'.

Ang isa pang modelong may mga boson na W'ngunit walang karagdagang paktor na SU(2) ang tinatawag na modelong 331 na may β = ± 1/√3. Ang kadena ng pagkasirang symmetriya SU(3)L × U(1)W → SU(2)W × U(1)Y ay tumutungo sa pares na mga boson na W'± at tatlong mga boson na Z'.

Ang mga boson na W' ay lumilitaw rin sa mga teoriyang Kaluza-Klein na may SU(2) sa bulko.

Mga uri ng boson na Z'

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang iba't ibang mga modelo ng pisika na lagpas na Pamantayang Modelo ay humuhula ng iba't ibang uri ng mga boson na Z'.

  • Mga modelong may bagong U(1) na symmetriyang gauge. Ang Z' ang gauge boson ng (nasirang) symmetriyang U(1).
  • Mga modelong E6. Ang uri ng modelong ito ay naglalaman ng dalawang mga boson na Z' na sa pangkalahatang ay naghahalo.
  • Topcolor at mga modelong Top Seesaw ng Dinamikal na Pagkasira ng Symmetriyang Electroweak ay may mga boson na Z' upang piliin ang pormasyon ng partikular na mga kondensada.
  • Mga modelong Munting Higgs. Ang mga modelong ito ay karaniwang nagsasama ng isang lumaking sektor na gauge na nasisira sa symmetriyang gauge ng Pamantayang modelo sa mga skalang TeV. Bilang karagdagan sa isa o higit pang mga boson na Z', ang mga modelong ito ay kalimitang naglalaman ng mga boson na W'.
  • Mga modelong Kaluza-Klein. Ang mga boson na Z' ang mga modong nanabik ng neutral na bulkong symmetriyang gaue.
  • Mga ekstensiyong Stueckelberg Extensions. Ang mga boson na Z' ay nagmumula sa mga coupling na natatagpuan sa mga teoriyang Tali na may bumabagtas na mga D-brane.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. C. Amsler et al. (Particle Data Group) (2008). "Review of Particle Physics". Physics Letters B. 667: 1. Bibcode:2008PhLB..667....1P. doi:10.1016/j.physletb.2008.07.018.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. M. Carena (21 Setyembre 2005). Physics Discovery Potential at the ILC. ILC Industrial Forums. Fermilab.{{cite conference}}: CS1 maint: date auto-translated (link)