Unibersidad ng Milan
Ang Unibersidad ng Milan (Italyano: Università degli Studi di Milano, Latin: Universitas Studiorum Mediolanensis, Ingles: University of Milan), kolokyal na kilala bilang UniMi o Statale, ay isang institusyon ng mas mataas na edukasyon sa Milano, Italya. Ito ay isa sa pinakamalaking unibersidad sa Europa, na may humigit-kumulang 60,000 mag-aaral,[1] at halos 2,000 kawani sa pagtuturo at pananaliksik.[2]
Ang Unibersidad ay may 9 paaralan at nag-aalok ng 134 kurso sa antas undergraduate at gradwado, 21 paaralang doktoral at 92 paaralan sa ispesyalisasyon. Ang mga gawain sa pagtuturo at pananaliksik ng Unibersidad ay pinaunlad sa loob ng mahabang panahon at nakatanggap ng mahalagang internasyonal na pagkilala.
Ilan sa mga nagtapos sa Unibersidad ay kinabibilangan ng isang nagwagi ng Nobel Prize sa Pisika, si Riccardo Giacconi[3], at isang medalistang Fields, si Enrico Bombieri[4].
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Full statistical data about Univ. of Milan". www.unimi.it. Nakuha noong 2015-02-13.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Relazione Tecnica Bilancio 2013" (PDF). Univ. Milano. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2014-07-05. Nakuha noong 2018-06-18.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Riccardo Giacconi biography".
- ↑ "Enrico Bombieri biography".
45°27′36″N 9°11′41″E / 45.46006°N 9.19466°E Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.