Tteokbokki
Tteokbokki | |
Pangalang Koreano | |
---|---|
Hangul | 떡볶이 |
Binagong Romanisasyon | Tteokbokki |
McCune–Reischauer | Ttŏkpokki |
Tteokbokki, na kilala rin bilangTopokki, ay isang tanyag na meryenda ng Korea na pagkain na karaniwang binibili mula sa bendor ng kalye o Pojangmacha. Sa orihinal ito ay tinatawag natteok jjim(떡찜), at noon ito ay isang inihaw na ulam ng hiwang bibingka, karne, itlog, at pampalasa. Tteok jjimisang dating uri ng modernong tteokbokki, ay dati isa sa mga luto ng mga hari ng Korea. Ang ganitong uri ng tteokbokki ay ginawa sa pamamagitan ng ihaw na tteok , karne, gulay, itlog, at pampalasa sa tubig, at pagkatapos sinisilbi ito kasama ng mga ginko nuwes at walnut. Sa kanyang orihinal na anyo, tteokbokki, na pagkatapos ay kilala bilanggungjung tteokbokki, na ito ay isang ulam na sinisilbi sa mga hari o reyna at itinuturi din ito bilang isang Haute cuisine. Ang orihinal na tteokbokki ay isang ulam o luto na naglalaman ng garaetteok (가래떡, silindro hugis-tteok) pinagsama sa isang iba't ibang mga sahog, tulad ng mga karne ng baka, sibuyas, mushrooms, karot, at tinimplahan na may toyo.[1]
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kasunod ng Korean War naging tunay na tanyag ang isang bagong uri ng tteokbokki. Habang ang mga mas lumang bersyon ay masarap, itong bagong uri ay mas maanghang, at mabilis itong naging popular kaysa sa mga luma ay tradisyonal na luto na ito. Sa karagdagan sa mga tradisyunal na sahog, ito tteokbokki ay gumamit nggochujang, isang mainit ay maanghang na rekado ginawa mula sa chilli pepper, at nakasama rin ang 'odeng' o isda keyk. Iba pang mga sahog na idinagdag sa tteokbokki ay ang pinakuluang itlog, piniritong mandu (bola-bola) (Korean dumplings) at ramen na pagkatapos ito ay nagiging rabokki / labokki. Ngayon, maraming mga iba pang uri ng tteokbokki ay lumalabas tulad ng mga pagkaing-dagat tteokbokki (해물 떡볶이) o bigas tteokbokki (쌀 떡볶이).
Sindang-dong sa Seoul, na kung saan ang tteokbokki ay unang nabili, ay sikat din para sa luto na ito.
Mga ibang uri
[baguhin | baguhin ang wikitext]-
Haemul tteokbokki(해물 떡볶이pagkaing-dagat tteokbokki)
-
Gungjung tteokbokki (궁중 떡볶이Royal court rice cakes), kilala din bilang Ganjang tteokbokki(간장 떡볶이) dahil sa paggagamit ng toyo(ganjang).
-
Keso tteokbokki(치즈 떡볶이)
-
Tteok kkochi(떡꼬치), tteokbokki sa barbeque stik
See also
[baguhin | baguhin ang wikitext]References
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Click Korea: Access to Korean Arts & Culture". Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-07-12. Nakuha noong 2010-05-25.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
External links
[baguhin | baguhin ang wikitext]- (sa Koreano) Tteokbokki recipe Naka-arkibo 2016-03-03 sa Wayback Machine.
- (sa Ingles) History of Tteokbokki Naka-arkibo 2007-07-12 sa Wayback Machine.