Pumunta sa nilalaman

Timba

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Isang timba na kulay narangha.

Ang timba (Ingles: bucket, pail), na kilala rin bilang balde, tuong, taong, pimbrera, pumbrera, o kalalang, ay isang uri ng lalagyan na pangkaraniwang hindi tinatagusan ng tubig at kahugis ng binumbong o bariles o kaya ng balisuso na may tinapyas o pinungos na dulo. Mayroon itong bukas na tuktok at isang patag na ilalim na pangkaraniwang nakadikit sa isang hawakan (panghawak) na hugis na hatimbilog. Ang isang timba ay maaaring may bukas na tuktok o maaari ring may isang takip. Iba't iba ang sukat ng mga timba (katulad ng 5, 10, 15 mga litro; o kaya 5 o 10 mga galon). Puwede itong yari sa mga materyal na katulad ng metal at polietelina. Ang hawakan ng timba ay maaaring gawa mula sa metal o plastik. Ilan sa pangkaraniwang gamit ng timba ay ang gamitin itong panalok o pangadlo at pang-igib ng tubig.

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.