Pumunta sa nilalaman

Surah Quraysh

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Sura 106 ng Quran
قُرَيْش
Quraysh
KlasipikasyonMakkan
PosisyonJuzʼ 30
Blg. ng talata4
Blg. ng zalita17
Blg. ng titik73

Ang Sūrat Quraysh (Arabiko: سورة قريش‎) (angkan ng Quraysh) ang ika-106 kabanata ng Koran na may 4 na ayat.

Mga bersikulo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa Ngalan ng Allâh, ang Pinakamahabagin, ang Napakamaawain at Ganap na Mapagmahal

1. Bilang dakilang kagandahang-loob mula sa Allâh, hinangaan ang pagkakaisa ng mga Quraysh

2. At ang kanilang banayad at patuloy na masaganang pamumuhay, at ang kanilang kaparaanan na paglalakbay sa taglamig patungong timog – Yemen, at sa tag-init pahilaga – Sham, nang walang anumang pinangangambahan, at sa pamamagitan nito ay naging madali para sa kanila ang pagkamit ng anumang kanilang pangangailangan.

3. Na kung kaya, nararapat sa kanila na tumanaw ng utang na loob, at sambahin ang ‘Rabb’ na Tagapaglikha na Nagmamay-ari ng Tahanang ito – ang Ka`bah sa Makkah. Na ito ay bilang parangal para sa kanila, upang sambahin nila nang taimtim ang Allâh na Bukod-Tangi

4. Na Siya ang nagpakain sa kanila upang hindi sila mangagutom at ginawa silang ligtas mula sa pagkatakot at mga panganib.