Sunog sa Calamba ng 2022
Oras | 1:55 a.m. PST (UTC 8:00) |
---|---|
Petsa | 9 Hunyo 2022 |
Lugar | JP Rizal St. Bo. 2, Calamba, Laguna, Calabarzon, Pilipinas |
Mga namatay | 0 |
Ang sunog sa Calamba ay naganap sa dakong 2:10 am ng madaling araw 9, Hunyo 2022 sa Calamba Trade Center, ilang mga panindang ukayan, prutasan, at tiyangean ang nadawit sa isang malaking sunog, pasadong 2am ng madaling araw ng maapula ang apoy ng Calamba City Fire Protection ay nakataas sa alertong 2 ang nasabing sunog, Nagsimula ang sunog sa wiring ng billboard ng mag spark ang kable nito papunta sa ilang tindahan ng ukayan at cellphones. 12 ang tindahan ang nadamay sa sunog.[1]
Lagom
[baguhin | baguhin ang wikitext]Na gulantang ang mga residente sa isang "A-1 Merchandise" ang pamilihan na nakahilera sa Manila South Rd. sa Jose Rizal St. at iilang pamilihang tiyangean sa Calamba Public Market lungsod ng Calamba. Matatagpuan ang A-1 merchandise sa bungad ng Calamba Footbridge Overpass. Ito ay isa sa mga pinakamalaking naganap na sunog sa lungsod matapos maganap ang sunog sa pabrika ng Megapack noong Disyembre 2016.[2]
Bunga
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nakapagtala ng ulat sa mahigit P3 milyon ang halagang na said sa sunog na naganap sa Crossing, Poblacion 1 sa lungsod ng Calamba, 12 tindahan umano ang natupok wala namang naitalang na-utas sa pangyayari.